PNP Camarines Norte Police Provincial Office

Call Directions Website Contact the organization

PNP Camarines Norte Police Provincial Office Pulis Bantayog was hailed from the first ever monument of Dr. Jose Rizal located at Daet, Camarines Norte.

Like our national hero, we are committed towards service, honor and justice for the betterment of the country

๐—–๐—ก๐—ฃ๐—ฃ๐—ข ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ ๐—•๐—”๐—ฆ๐—œ๐—– ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—– ๐—™๐—”๐—ฅ๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—จ๐—ฅ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฃOn October 5, 2026, at about 9:00 AM, PCOL DAVE A.l ME...
05/10/2026

๐—–๐—ก๐—ฃ๐—ฃ๐—ข ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ ๐—•๐—”๐—ฆ๐—œ๐—– ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—– ๐—™๐—”๐—ฅ๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—จ๐—ฅ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฃ

On October 5, 2026, at about 9:00 AM, PCOL DAVE A.l MEJIA, Provincial Director, Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), spearheaded the opening of the Basic Training on Organic Farming and Entrepreneurship Program.

The training is being conducted in partnership with the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) โ€“ Camarines Norte, headed by Ms. Quennie A. Enriquez, Center Administrator of the TESDA Provincial Training Centerโ€“Camarines Norte.

The program aims to equip participants with practical knowledge and skills in organic farming and entrepreneurship, while promoting sustainable livelihood opportunities, self-reliance, and economic empowerment. Through this collaborative initiative, the CNPPO and TESDA continue to strengthen their commitment to providing skills development and livelihood interventions that can contribute to the well-being and resilience of individuals and communities.


On October 5,2026 PLTCOL EUSEBIO ARTURO E ESTOPARE led the Monday Flag Raising Ceremony at Tanghalang Kapanalig, Camp We...
05/10/2026

On October 5,2026 PLTCOL EUSEBIO ARTURO E ESTOPARE led the Monday Flag Raising Ceremony at Tanghalang Kapanalig, Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte.

The event underscored the Philippine National Police's (PNP) commitment to unity, discipline, professionalism, and camaraderieโ€”values central to its mission of public service and community safety. It also celebrated the outstanding contributions of personnel who consistently exemplify excellence in their duties.

The event concluded with the PNP family reaffirming their dedication to serving the public with honor, commitment, and professionalism, fostering a renewed sense of purpose in their shared mission.


RANK NO. 10 REGIONAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA PARACALE, CAMARINES NORTEPARACALE, CAMARINES NORTE โ€” Arestado ang i...
05/10/2026

RANK NO. 10 REGIONAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA PARACALE, CAMARINES NORTE

PARACALE, CAMARINES NORTE โ€” Arestado ang isang indibidwal na kabilang sa Regional Most Wanted PersonsRank No. 10 matapos isagawa ang isang joint manhunt operation ng mga operatiba ng pulisya bandang alas-7:50 ng gabi nitong Oktubre 2, 2026, sa Purok 1, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong akusado na si alyas โ€œEboyโ€, 32 taong gulang, walang asawa, gold panner, at residente ng Barangay Matanlang, Paracale, Camarines Norte.

Isinagawa ang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (RPDEU 5) bilang lead unit katuwang ang mga tauhan ng Paracale Municipal Police Station, RID5 Tracker Team Camarines Norte, at Intel Operative, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMAJ Emil S Yebra, Chief of Police.

Naaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Agosto 27, 2026 ni Hon. Arniel A. Dating, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 41, Daet, Camarines Norte.
Ang warrant ay kaugnay ng Criminal Case Nos. 34792 at 34793 para sa paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Criminal Case No. 34795 para sa paglabag sa Section 28, Paragraph A ng Republic Act 10591 o Comprehensive Fi****ms and Am******on Regulation Act. Walang inirekomendang piyansa sa lahat ng nasabing kaso.

Ang naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa Paracale MPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.



05/10/2026

๐ŸŽฅ ๐–๐€๐“๐‚๐‡ | ๐‚๐ซ๐ข๐ฆ๐ž ๐๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐’๐š๐Ÿ๐ž๐ญ๐ฒ & ๐ƒ๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐๐ซ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Œ๐ž๐ฌ๐ฌ๐š๐ ๐ž

Sa pamamagitan ng mensahe ni PCOL DAVE ANTONIO MEJIA, Provincial Director, Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), hinihikayat ang bawat mamamayan ng Camarines Norte na maging mapagmatyag, responsable, handa, at aktibong katuwang ng kapulisan sa pagpigil at pag-iwas sa krimen, gayundin sa pagtugon sa mga kalamidad at emergency.

Maging maingat sa ating paligid, protektahan ang ating tahanan at ari-arian, maging mapanuri sa online transactions, gabayan ang ating mga kabataan, at huwag mag-atubiling ireport sa awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

Sa panahon naman ng bagyo, lindol, baha, at iba pang kalamidad, manatiling alerto at laging nakahanda. Alamin ang mga evacuation areas at emergency hotlines, maghanda ng emergency go-bag, sundin ang abiso ng mga awtoridad, at makipagtulungan sa mga responder upang mapanatiling ligtas ang ating pamilya at komunidad.

๐“๐š๐ง๐๐š๐š๐ง: Ang kaligtasan ng komunidad ay nagsisimula sa ating pagkakaisa, kahandaan, at pagtutulungan.

Sa oras ng emergency, tumawag sa 911 o makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o disaster response office.

๐Œ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐ญ๐š๐ฒ๐จโ€”๐Œ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐Š๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐, ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐จ๐  ๐‚๐จ๐ฉ๐ฌโ€”๐‹๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐Š๐ซ๐ข๐ฆ๐ž๐ง!


BENTAHAN NG ILEGAL NA SIGARILYO, NASAWATA SA PARACALE; SUSPEK ARESTADO SA BUY-BUST OPERATIONPARACALE, CAMARINES NORTE โ€” ...
04/10/2026

BENTAHAN NG ILEGAL NA SIGARILYO, NASAWATA SA PARACALE; SUSPEK ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION

PARACALE, CAMARINES NORTE โ€” Arestado ang isang 23-anyos na vendor matapos masangkot sa paglabag sa Republic Act No. 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan bandang 2:05 ng hapon nitong Oktubre 2, 2026, sa Purok 4, Barangay Palanas, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek sa alyas โ€œGimbal,โ€ 23-anyos, binata, vendor, at residente ng Purok Kamagong, Barangay Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.

Isinagawa ang intelligence-driven operation ng Paracale Municipal Police Station bilang lead unit sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Emil S Yebra, Chief of Police, katuwang ang Camarines Norte Provincial Intelligence Unit at Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company.

Sa operasyon, matagumpay na nakabili ang itinalagang poseur-buyer ng sampung (10) ream ng NEW BERLIN White ci******es, tatlong (3) ream ng BOSQU Red, isang (1) ream ng MODERN Red, at isang (1) ream ng MODERN White ci******es na walang graphic health warning, kapalit ng โ‚ฑ10,000 buy-bust money.
Isinagawa ang inventory at pagmamarka sa mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng mga kinakailangang saksi, kabilang ang media representative ng Boom Radio Daet at halal na opisyal ng barangay. Ipinaalam din sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa umiiral na mga alituntunin sa custodial investigation.

Ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon. Samantala, inihahanda na ng Investigation Officer (IOC) ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa suspek.

Patuloy na paiigtingin ng Camarines Norte Police Provincial Office ang intelligence-driven operations laban sa mga gawaing lumalabag sa RA 12022, katuwang ang iba pang concerned agencies, upang mapangalagaan ang interes ng publiko at mapigilan ang mga gawaing nakapipinsala sa ekonomiya at seguridad ng mamamayan.

LALAKING MAY WARRANT OF ARREST PARA SA KASONG DIRECT ASSAULT ARESTADO SA CAPALONGACapalonga, Camarines Norte โ€”  Arestado...
04/10/2026

LALAKING MAY WARRANT OF ARREST PARA SA KASONG DIRECT ASSAULT ARESTADO SA CAPALONGA

Capalonga, Camarines Norte โ€” Arestado sa ikinasang manhunt operation ng mga tauhan ng Capalonga Municipal Police Station ang isang wanted person sa Barangay Magsaysay, Capalonga, Camarines Norte, bandang alas-9:00 ng umaga nitong Oktubre 2, 2026.

Kinilala ang naarestong arestado sa alyas โ€œMacoy,โ€ 29 taong gulang, walang asawa, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Setyembre 29, 2026 ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Capalonga-Sta. Elena, Capalonga, Camarines Norte, para sa kasong Direct Assault, paglabag sa Article 148 ng Revised Penal Code, na may inirekomendang piyansa na โ‚ฑ10,000.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Capalonga MPS ang naarestong wanted person para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

2 BABAE ARESTADO SA PAGLABAG SA PD 1602  SA STA. ELENA, CAMARINES NORTEDalawang (2) babae ang naaresto ng mga operatiba ...
04/10/2026

2 BABAE ARESTADO SA PAGLABAG SA PD 1602 SA STA. ELENA, CAMARINES NORTE

Dalawang (2) babae ang naaresto ng mga operatiba ng Sta. Elena Municipal Police Station sa isang intelligence-driven operation na isinagawa nitong Oktubre 2, 2026, bandang alas-3:45 ng hapon, sa Purok 5, Brgy. Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang mga naarestong suspek sa mga alyas na โ€œBetang,โ€ 40 taong gulang, single, walang trabaho, at residente ng Brgy. Basiad, Sta. Elena, at โ€œLuz,โ€ 57 taong gulang, may-asawa, vendor, at residente rin ng nasabing bayan.

Isinagawa ang operasyon ng Sta. Elena MPS, katuwang ang mga tauhan ng Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company at Regional Mobile Force Battalion 5.

Ang pagkakaaresto ay isinagawa batay sa Warrant of Arrest na inisyu ng Municipal Circuit Trial Court, Fifth Judicial Region, Capalonga-Sta. Elena, Camarines Norte, na may petsang Abril 22, 2026, kaugnay ng paglabag sa Presidential Decree No. 1602. Nakasaad sa warrant ang โ‚ฑ10,000.00 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng bawat akusado, alinsunod sa kautusan ng hukuman.
Ang dalawang naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

02/10/2026


RANK NO. 6 PROVINCIAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA JOSE PANGANIBANJOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE โ€” Arestado ang isa...
02/10/2026

RANK NO. 6 PROVINCIAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA JOSE PANGANIBAN

JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE โ€” Arestado ang isang 53-anyos na lalaki na kabilang sa Rank No. 6 Provincial Most Wanted Person sa isinagawang intelligence-driven operation ng Jose Panganiban Municipal Police Station, dakong alas-10:40 ng umaga nitong Oktubre 2, 2026, sa Barangay San Rafael, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang naaresto sa alyas โ€œLeo,โ€ 53 taong gulang, binata, magsasaka, at residente ng Barangay San Rafael, Jose Panganiban.

Pinangunahan ng Tracker Team ng Jose Panganiban MPS sa direktang pangangasiwa ni PMAJ ERROL J FREJAS, OIC, ang operasyon katuwang ang Camarines Norte Provincial Intelligence Unit.

Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 211, Mandaluyong City, kaugnay ng kasong R**e sa ilalim ng Criminal Case No. na may petsang Abril 11, 2025. Nakasaad sa warrant na walang inirekomendang piyansa (No Bail Recommended).

Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang o diyalektong kanyang nauunawaan. Dinala rin siya sa Rural Health Unit para sa kaukulang medical assessment bago dinala sa Jose Panganiban MPS para sa wastong disposisyon.

Address

Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr. , Brgy. Dogongan, Camarines Norte
Daet
4600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Camarines Norte Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Camarines Norte Police Provincial Office:

Shortcuts

Share