DOH Bicol CHD

Directions Website Contact the organization

DOH Bicol CHD Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DOH Bicol CHD, Government Website, Bagtang, Daraga.

ANG PAKIKINIG NANG MAY PAG-UNAWA AY EPEKTIBONG TULONG SA MENTAL HEALTH Sa pagdiriwang ng Mental Health Month sa temang "...
10/10/2026

ANG PAKIKINIG NANG MAY PAG-UNAWA AY EPEKTIBONG TULONG SA MENTAL HEALTH

Sa pagdiriwang ng Mental Health Month sa temang "Lived Experiences Heard: Real Voices, Real Change," ipinapaalala sa atin na ang pagkakaroon ng Safe Space ay nagsisimula sa kung paano tayo makinig. Ang pagbibigay ng pansin sa nararamdaman ng iba nang walang paghuhusga ay mabisang paraan upang maiparamdam na hindi sila nag-iisa.

Detalye sa Comment Section

🚨HUWAG HINTAYIN LUMALA ANG DENGUE!🚨 Huwag balewalain ang mga sintomas. Kung ikaw o ang iyong anak ay nakararanas ng mga ...
10/10/2026

🚨HUWAG HINTAYIN LUMALA ANG DENGUE!🚨

Huwag balewalain ang mga sintomas. Kung ikaw o ang iyong anak ay nakararanas ng mga sumusunod:
⚠️ Mataas na lagnat
⚠️ Pananakit ng katawan o kasu-kasuan
⚠️ Pagkakaroon ng pantal
⚠️ Pagkahilo at pagsusuka

Kumonsulta agad sa doktor o sa pinakamalapit na health facility para sa tamang pagsusuri at payo.

🩺 Maagang pagkonsulta, mahalagang hakbang laban sa dengue.



🚨 ALAMIN ANG MGA MALUBHANG SINTOMAS NG DENGUE! 🚨Kung ikaw ay nagkaroon ng biglaang mataas na lagnat na tumagal lampas 2 ...
09/10/2026

🚨 ALAMIN ANG MGA MALUBHANG SINTOMAS NG DENGUE! 🚨

Kung ikaw ay nagkaroon ng biglaang mataas na lagnat na tumagal lampas 2 araw at nakararanas ng mga sumusunod:

⚠️ Pananakit ng tiyan
⚠️ Pagsusuka
⚠️ Pagdugo ng gilagid
⚠️ Dugo sa dumi
⚠️ Panghihina
⚠️ Pagdugo ng ilong

Huwag itong balewalain. Magpakonsulta agad sa unang sintomas ng Dengue.



MAGING ANG ATING MGA MATA,  KAILANGAN NG SAPAT NA PAHINGA!Sa araw-araw na gawain, madalas nating nakakalimutang bigyang-...
08/10/2026

MAGING ANG ATING MGA MATA, KAILANGAN NG SAPAT NA PAHINGA!

Sa araw-araw na gawain, madalas nating nakakalimutang bigyang-pansin ang kalusugan ng ating mga mata.

Ngayong World Sight Day, gawing bahagi ng ating routine ang mga simpleng paraan upang mapanatili ang malusog na paningin.

Alamin kung paano mapoprotektahan ang iyong mga mata, upang mapanatili ang malinaw at malusog na paningin.






❓🦟 ALAM MO BA KUNG ANO ANG DENGUE? ❓Ang Dengue ay isang impeksyon na dala ng kagat ng babaeng lamok na "Aedes egypti" -a...
08/10/2026

❓🦟 ALAM MO BA KUNG ANO ANG DENGUE? ❓

Ang Dengue ay isang impeksyon na dala ng kagat ng babaeng lamok na "Aedes egypti" -ang lamok na may puti at itim na guhit sa katawan. Mas lalo pang kilalanin ito upang maiwasan ang pagkalat ng dengue.

💡 Knowing is better! Kapag alam natin paano kumalat ang dengue at kung anong lamok ang nagdadala nito, mas makakagawa tayo ng paraan upang maiwasan ang pagkalat nito.

Maging safe and ligtas sa banta ng Dengue! 🦟



Update on the SBI Stakeholders Meeting for SY 2026-2027The SBI Stakeholders Meeting was successfully conducted today, wi...
07/10/2026

Update on the SBI Stakeholders Meeting for SY 2026-2027

The SBI Stakeholders Meeting was successfully conducted today, with good representation from DILG, DepEd and its Public Schools District Supervisors, PIA, Chiefs of Hospitals, MHO, RHU NIP Coordinators, PHO, and PDOH.

The meeting was fruitful, with stakeholders discussing the preparations, roles, and coordination needed for the successful implementation of the School-Based Immunization (SBI) Program.

The vaccines to be administered under the SBI program were also highlighted:

• Grade 1 – MR (Measles-Rubella) and Td (Tetanus-Diphtheria)
• Grade 7 – MR and Td
• Grade 4 female learners – HPV vaccine
• Grade 5 female learners who were not vaccinated with HPV while in Grade 4 – HPV vaccine

One of the concerns raised was the official DepEd guidelines, which are still being awaited. Once these are available, further coordination and preparations will proceed.

A synchronized coordination meeting with parents/guardians and teachers will also be conducted to ensure proper information dissemination, address concerns, and gain their support for the vaccination activities.

Hopefully, with the continued cooperation of all stakeholders and once the necessary guidelines are finalized, SBI vaccination activities can start soon.

Thank you to all our partners for their active participation and commitment to protecting our schoolchildren. Together, we can ensure that no child is left behind.
We are hopeful that vaccination activities will commence soon once the necessary guidelines and coordination arrangements are in place.

Thank you to all stakeholders for their participation and commitment to protecting the health of our schoolchildren.

07/10/2026

Second chance? Meron niyan sa Smoking Cessation Program ng Department of Health. 🚭

Abangan ang Episode 6 ng Chikahang Pangkalusugan: “Hindi Mo Kailangang Mag-quit Mag-isa” kasama si Ms. Carla C. Luvidice, Risk Factor Program Manager ng Health Promotion Unit.

🗓October 9, 2026 | 5:00 PM
📍 DOH Bicol CHD page at Youtube Channel



07/10/2026

⚠️PROTEKTAHAN ANG SARILI MULA SA DENGUE ⚠️

Ngayong may banta ng Dengue sa kabikolan, mainam na gawin ang mga sumusunod upang makaiwas sa kagat ng lamok na may dalang Dengue.

✅ Magsuot ng long-sleeves at pantalon
✅ Gumamit ng insect repelant sa kamay, leeg at iba pang parte ng katawan na exposed
✅ Gumamit ng mosquito net o kulambo kung matutulog.

Maging safe and ligtas sa banta ng Dengue! 🦟



REGULAR NA BREAST CANCER SCREENING, SUSI SA MAAGAP NA PAGGALING!Nananatiling nangungunang uri ng kanser sa Pilipinas ang...
07/10/2026

REGULAR NA BREAST CANCER SCREENING, SUSI SA MAAGAP NA PAGGALING!

Nananatiling nangungunang uri ng kanser sa Pilipinas ang Breast Cancer na may higit 33,000 na bagong kaso at higit 11,000 na namamatay taon-taon. Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso nito, mahalagang matuklasan ang sakit habang maaga pa.

Upang maprotektahan ang ating kababaihan, inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang mga sumusunod:

MANDATORY SCREENING (EDAD 50–69 TAONG GULANG):
Magpatingin sa pinakamalapit na health facility para sa Clinical Breast Examination (CBE) o Mammogram bawat 2 taon. Ito ang pinakakritikal na paraan upang matukoy ang kanser sa pinakamaagang yugto.

SA TAHANAN:
Maging pamilyar sa sariling katawan sa pamamagitan ng Breast Self-Examination (BSE). Kung may makapang kakaibang bukol o anumang pagbabago sa dibdib, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na doktor o health center.

Huwag matakot magpasuri! Ang maagang pagtuklas ay nagbibigay ng mas malaking tsansa sa paggaling!





Address

Bagtang
Daraga
4501

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOH Bicol CHD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DOH Bicol CHD:

Shortcuts

Share