03/08/2026
🇵🇭SEREMONYA NG PAGTATAAS NG WATAWAT🇵🇭
Nakiisa ang Paaralang Elementarya ng De la Paz para sa Seremonya sa Pagtaas ng Watawat at pormal na pasinayaan ang ating Buwan ng Wikang Pambansa 2026.
Opisyal na Tema: "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon"
Ang pagbubukas ng Buwan ng Wika ay simula ng ating paglalakbay upang mas kilalanin, mahalin, at gamitin nang tama ang ating sariling wika. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa at susi sa pag-unlad ng ating bayan.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa 2026! 🇵🇭