Dasmariñas City Veterinary Services

Directions

Dasmariñas City Veterinary Services We're located at Brgy. Langkaan 2, Sitio Buwisan near the Mega Isolation Center and the City Agriculture Office, both are tagged in waze. CP #09668812010

Mga mahal naming Dasmarineño,Sa kabila ng banta ng “pig holiday,” nananatiling higit sa sapat ang suplay ng sariwang kar...
24/10/2026

Mga mahal naming Dasmarineño,

Sa kabila ng banta ng “pig holiday,” nananatiling higit sa sapat ang suplay ng sariwang karne ng baboy sa ating lungsod, batay sa ulat ng Dasmariñas City Slaughterhouse para sa Oktubre 21–23, 2026. Sa panahong ito, umabot sa 1,033 baboy ang nakatay, na may kabuuang bigat ng karkasa na 86,689.60 kilo, para sa pamamahagi sa loob at labas ng Dasmariñas.

Patuloy nating babantayan ang pagdating ng mga baboy, paghahatid ng karne, at kalagayan ng ating mga pamilihan. Kasabay nito, ipagpapatuloy ng City Veterinary Office ang inspeksyon upang mapangalagaan ang kaligtasan ng karneng nakararating sa inyong hapag.

Pinaaalalahanan ang bawat pamilya na mamili nang mahinahon at ayon sa pangangailangan. Iwasan ang panic buying, ihambing ang presyo at timbang, at bumili lamang ng karneng dumaan sa inspeksyon. Manatili tayong mapanuri at handa—dahil ang Dasmarineño ay wais sa pamimili at may malasakit sa kapwa.

Operation PusaDog — Thank you, Ex-Congressman Kiko Barzaga, for helping make these achievements in anti-rabies vaccinati...
23/10/2026

Operation PusaDog — Thank you, Ex-Congressman Kiko Barzaga, for helping make these achievements in anti-rabies vaccination and spay/neuter services possible—for a safer, healthier Dasmariñas.
Thank you also to our kapon partners Biyaya Animal Care, Philippine Animal Welfare Society (PAWS) and the Dasmariñas City Animal Welfare Advocates Club mass kapon organizers and volunteers

23/10/2026
Sa gitna ng anunsiyo ng “pig holiday,” magandang balita na maraming buhay na baboy ang natanggap ng Dasmariñas Slaughter...
22/10/2026

Sa gitna ng anunsiyo ng “pig holiday,” magandang balita na maraming buhay na baboy ang natanggap ng Dasmariñas Slaughterhouse para sa pagkatay. Positibo ito para sa ating suplay ng karne. Patuloy nating babantayan ang mga susunod na delivery at ang kalagayan ng ating mga pamilihan.

Gayunman, pinaaalalahanan ang bawat pamilya na maging maingat sa pamimili. Ang anumang pagkaantala sa suplay ay maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo at pagkakataon sa pananamantala. Iwasan ang panic buying, ihambing ang presyo at timbang, at bumili lamang ng karneng dumaan sa inspeksyon.

Anuman ang maging takbo ng sitwasyon, patunayan nating ang Dasmarineño ay wais at laging handa. Kalmadong pamimili at ligtas na pagkain para sa bawat pamilya.

Nakikiisa ang City of Dasmariñas, sa Pangunguna ng aming punong lungsod Mayor Third Barzaga at sa pamamagitan ng City Ve...
15/10/2026

Nakikiisa ang City of Dasmariñas, sa Pangunguna ng aming punong lungsod Mayor Third Barzaga at sa pamamagitan ng City Veterinary Office, sa NMIS ngayong 33rd Meat Safety Consciousness Week. Patuloy ang ating pangako na palakasin ang meat inspection at isulong ang ligtas, malinis, at de-kalidad na karne para sa bawat pamilyang Dasmarineño. Kaligtasan ng pagkain, kalusugan ng mamamayan!

Low cost Kapon at Dasmaville Zone 1..with Doc Gab Veterinarian..if interested please call or pm  09983663403
14/10/2026

Low cost Kapon at Dasmaville Zone 1..with Doc Gab Veterinarian..if interested please call or pm 09983663403

Address

Dasmariñas

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dasmariñas City Veterinary Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share