05/10/2026
𝙊𝙉𝙇𝙄𝙉𝙀 𝙊𝙍𝙄𝙀𝙉𝙏𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙎𝙊𝙇𝙊 𝙋𝘼𝙍𝙀𝙉𝙏𝙎
Inaanyayahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) – Solo Parent Unit ng Lungsod ng Dasmariñas ang lahat ng mga bagong solo parent sa Lungsod ng Dasmariñas na dumalo sa aming Online Orientation sa pamamagitan ng Zoom.
Layunin ng oryentasyong ito na magbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa:
Republic Act No. 11861 (Expanded Solo Parents Welfare Act) Proseso ng Pagkuha at Pag-renew ng Solo Parent ID Mga Programa, Serbisyo, Benepisyo, at Pribilehiyo para sa mga Solo Parent, Mahahalagang Anunsyo at mga Pinakabagong Impormasyon mula sa Solo Parent Sector
Petsa: October 14, 2026
Oras: 9:00 ng umaga
Platform: Zoom app
Note: Magparehistro sa pamamagitan ng link sa ibaba
https://forms.gle/xyDtRS6km5PzdZqw5
https://forms.gle/xyDtRS6km5PzdZqw5
Matapos magparehistro, ipapadala ang mga detalye ng Zoom meeting inyong Email address.
Hinihikayat namin ang lahat ng solo parent sa Lungsod ng Dasmariñas na makiisa sa oryentasyong ito upang maging mas kaalaman sa inyong mga karapatan, benepisyo, at mga serbisyong maaaring mapakinabangan sa ilalim ng RA 11861.
Para sa mga katanungan at iba pang mga anunsyo, mangyaring i-follow at i-message ang aming opisyal na page.
Paalala: Para sa mga hindi makakadalo sa online orientation, tayo po ay magkakaroon din ng Face-to-Face Orientation. Ang schedule, lugar, at iba pang detalye ay iaanunsyo dito sa ating page.