Kasimbayan - UTS

Directions

Kasimbayan - UTS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kasimbayan - UTS, Dasmariรฑas.

PAMAMASISTA SA IBAโ€™T IBANG ANYO: HINDI MAPIPIGIL ANG PROPETIKONG TINIG NG BAYAN!Ngayong araw, Setyembre 21, ilang ulit t...
21/09/2026

PAMAMASISTA SA IBAโ€™T IBANG ANYO:
HINDI MAPIPIGIL ANG PROPETIKONG
TINIG NG BAYAN!

Ngayong araw, Setyembre 21, ilang ulit tayong inabala at hinarang ng SWAT at PNP Cavite sa ating pakikiisa sa mga magsasaka at mamamayang ginugunita ang ika-54 na anibersaryo ng Batas Militar.

Una, nagdaos ng Pagsambang Bayan ang PCPMC at Kasimbayan-UTS sa People Power Monument sa Dasmariรฑas upang ipanalangin at basbasan ang pagdinig sa kaso ng Lupang Ramos 3โ€”mga magsasakang kinasuhan ng mga militar na nagkakampo malapit sa kanilang komunidad. Mula rito, naghanda ang mga seminarista at pastor na tumungo sa Bacoor upang makiisa sa programa ng ibaโ€™t ibang sektor para sa ML@54. Ngunit hinarang ng SWAT Cavite ang dalawang sasakyan ng Union Theological Seminary. Wala silang maipakitang paglabag na aming ginawa. Matapos ang mahigit 15 minutong pagtatanong at pakikipagnegosasyon, pinayagan ding makaalis ang aming mga sasakyan.

Ikalawa, muli na namang hinarang ng PNP Cavite ang aming mga sasakyan. Sa kabila ng paulit-ulit na pagtatanong at pang-aabala, nanatiling matatag ang diwa ng ating pakikiisa. Sa halip na umurong, nagpatuloy tayo patungong Bacoor.

Ikatlo, hindi pa rin tayo tinantanan ng mga kapulisan. Habang isinasagawa ang programa, ipinarada nila ang kanilang mga mobile at sasakyan sa gitna ng highway at sa magkabilang dulo ng ating hanay. Paulit-ulit nilang pinatunog ang mga wangwang, na nagdulot ng komosyon at gumambala sa programa. Dahil sa pamamasista at pambabastos ng mga kapulisan, hindi na nakapagsalita ang ilan sa mga lider-komunidad na nakatakdang magbahagi ng kanilang mga pahayag. Ang mga kapulisan na inaasahang magtatanggol sa karapatan ng mamamayan ay siya pang naging sagabal sa mapayapang pagtitipon.

Ikaapat, habang pauwi ang mga sasakyan ng UTS, paglabas sa parking ng SM Bacoor, may ilang kalalakihang nakasibilyan na naghagis ng mga pako sa kalsadang aming binabaybay. Napilitan kaming biglang huminto, at kinailangang bumaba ang aming drayber upang pulutin ang mga pako. Hindi man nakauniporme ang mga taong ito, alam natin kaninong ahente sila. Ang mga insidenteng ito ay lalong nagpapatibay ng ating pananampalataya at paninindigan.

Sa mga pangyayaring ito, malinaw ang ating nasaksihan: sa halip na pangalagaan ang karapatan ng mamamayan na magtipon, magpahayag, at manindigan, ang mga kapulisan mismo ang naging sanhi ng pang-aabala at panggigipit.

Hindi bago ang pagdaraos ng mga programa at protesta tuwing Setyembre 21. Ngunit sa araw ng banal na pag-alala sa mga biktima ng Batas Militar, pamamasista ang naging tugon sa ating mapayapang pakikiisa. Anong uri ng kapayapaan ang ipinagtatanggol kung ang tinig ng mamamayan ay pinatatahimik at ang kanilang karapatan ay hinahadlangan?

Hindi man nakapagsalita ang lahat ng mga nakahanay na tagapagsalita ngayong araw, hindi nito nabura ang kabuluhan ng ating pagkilos. Naroon tayo. Kahanay tayo ng mga magsasaka. Kahanay tayo ng mga ordinaryong mamamayang patuloy na naninindigan para sa lupa, karapatan, katotohanan, at katarungan.

Bilang mga taong-simbahan, ang ating panalangin ay hindi nagtatapos sa mga salita. Nagiging buhay ito sa pakikiisa, sa pagtindig kasama ng mga inaapi, at sa pagtangging manahimik sa harap ng panggigipit.

Ang pag-alala ay paninindigang banal. Ang paninindigan ay pagkilos. At ang pagkilos ay patuloy na panawagan para sa katotohanan, katarungan, at pananagutan.

PROPETA NG BAYAN,
TULOY-TULOY ANG LABAN!

Ikalawang Abala. Para na kaming nag i-station of the cross mga Sir.
21/09/2026

Ikalawang Abala.

Para na kaming nag i-station of the cross mga Sir.

ALERTO AT PABATID!HINARANG NG MGA KAPULISAN ANG SASAKYAN NG KASIMBAYAN-UTS NA TUTUNGO SA MULTISECTORAL PROGRAM PARA SA I...
21/09/2026

ALERTO AT PABATID!

HINARANG NG MGA KAPULISAN ANG SASAKYAN NG KASIMBAYAN-UTS NA TUTUNGO SA MULTISECTORAL PROGRAM PARA SA IKA-54 NA ANIBERSARYO NG ML NI MARCOS SR.!
-----

Nakiisa sa Pagsambang Bayan ang Kasimbayan-UTS kasama ang PCPMC para ipanalangin at suportahan ang Lupang Ramos 3 na sinampahan ng gawa-gawang kaso ng mga militar.

Ngayong araw ang pagdinig sa korte sa Dasmariรฑas MTC.

Pagkatapos ng Pagsamba ay papunta na sana ang hanay ng mga seminarista, pastor at mga taong-simbahan sa SM Bacoor para naman makiisa sa multi sektoral program para sa ika-54 ng deklarasyon ng ML ni Marcos Sr.

Malinaw na atake ito sa karapatan natin na ipahayag ang ating propetikong pagsaksi at pagtutol sa nagpapatuloy na korapsyon, pagnanakaw at karahasan sa ating bayan!

Sino, sino sino ang terorista?! Hindi kami!

Ang protesta ay kabanalan!
PROPETA NG BAYAN!
TULOY-TULOY ANG LABAN!

Sa ika-54 na anibersaryo ng pagdedeklara ng Batas Militar sa Pilipinas, muli tayong tinatawag na alalahanin ang malagim ...
21/09/2026

Sa ika-54 na anibersaryo ng pagdedeklara ng Batas Militar sa Pilipinas, muli tayong tinatawag na alalahanin ang malagim na kabanata ng ating kasaysayan. Hindi lamang ito nakasulat sa mga pahina ng mga aklat, kundi nakaukit sa mga sugat, luha, at buhay ng sambayanang Pilipino.

Sa ilalim ng diktadura ni Marcos Sr., libo-libong Pilipino ang inaresto, ikinulong, tinortyur, sapilitang dinukot, at pinatay. Maraming pamilya ang nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay. Maraming pangarap ang winasak. At hanggang sa kasalukuyan, patuloy nating nadarama ang mga sugat sa panahong iyon.

Bilang Simbahan, nagbabalik-tanaw tayo, inaalala ang lagim at mga sugat na ito, bilang kabanalan. ๐€๐ง๐  ๐›๐š๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ฅ๐š๐š๐ฅ๐š ๐š๐ฒ ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ ๐š๐ฐ๐š๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š, ๐ฉ๐š๐ ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง. Iwinawaksi natin ang sistematikong pagbubura ng kasaysayan, ang rebisyunismo at ang pagbabaluktot ng katotohanan.

Kamakailan lamang, Setyembre 9, 2026, pinawalang-sala ng Korte Suprema si Imelda Marcos sa pitong bilang ng graft, binaligtad ang hatol ng Sandiganbayan noong 2018.
Kinikilala natin ang kahalagahan ng due process sa isang makatarungang sistemang legal. Gayunman, ang desisyong ito ay hindi dapat gamitin upang burahin ang mas malawak na kasaysayan ng diktadura, ang mga paglabag sa karapatang pantao, o ang mga hiwalay na usapin tungkol sa ill-gotten wealth. Alam natin na patuloy na gagamitin ni Marcos Jr. ang kanyang kapangyarihan upang baluktutin ang katotohanan, ito ay kabalintunaan!

Ang banal na pag-alaala ay hindi lamang pagbalik sa nakaraan. Ito ay pagharap sa kasalukuyan, panawagan sa pananagutan at paghahanda para sa kinabukasan.

Ang ating pag-alaala ay dapat humantong sa pagkilos.
Ang ating mga panalangin ay dapat magbunga ng pakikiisa.
Ang ating mga pulpito ay dapat maging lugar ng katotohanan,
at ang ating mga kongregasyon ay dapat maging mga pamayanang nakikinig, kumakalinga, naninindigan, at kumikilos.

๐€๐ง๐  ๐Š๐š๐ฌ๐ข๐ฆ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง-๐”๐“๐’ ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐ง, ๐š๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ก๐š๐ง๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ค๐š๐ซ๐š๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฒ๐š๐ง!

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ๐จ๐ญ, sapagkat ang mga pangalan ng mga biktima ay hindi mga estatistika lamang. Sila ay mga anak, magulang, kapatid, kaibigan, manggagawa, estudyante, lider-komunidad, at mga taong may mga pangarap na ipinagkait sa kanila.

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ๐จ๐ญ, sapagkat ang katotohanan ay hindi pag-aari ng mga nasa kapangyarihan. Ito ay pananagutan nating pangalagaan bilang sambayanan.

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ๐จ๐ญ, sapagkat ang tunay na paghilom ay magmumula sa pagharap sa katotohanan, pagkilala sa krimen at karahasan ng nakaraan, at paghahangad ng pananagutan at katarungan.

๐€๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐ฉ๐š๐š๐ง ๐š๐ฒ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐š๐ง๐š๐ง, ๐ค๐š๐ญ๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ ๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ.

๐’๐š ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ“๐Ÿ’ ๐ง๐š ๐š๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐๐ž๐๐ž๐ค๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ฌ ๐Œ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ซ, ๐ง๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฌ๐ข๐ฆ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง-๐”๐“๐’ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐ฉ๐ฐ๐š ๐ฌ๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐š, ๐ฆ๐ ๐š ๐ฌ๐ข๐ฆ๐›๐š๐ก๐š๐ง, ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง, ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š, ๐ฆ๐ ๐š ๐ญ๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐จ๐ฅ ๐ง๐  ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ญ๐š๐จ, ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ฆ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง:

Patuloy nating alalahanin, patuloy nating isalaysay ang katotohanan. Patuloy nating pangalagaan ang mga alaala ng mga biktima. Patuloy nating tutulan ang historical revisionism at lahat ng pagtatangkang gawing katanggap-tanggap ang diktadura at panunupil.

Huwag nating hayaang maging ritwal lamang ang paggunita. Gawin natin itong buhay na patotoo ng ating pananampalataya at paninindigan.

Hindi tayo lilimot. Hindi tayo mananahimik. Hindi tayo titigil sa paghahangad ng katotohanan at katarungan.

๐—ฆ๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ, ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป, ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€.

Never again to Martial Law.
Never again to the law of terror.

Para sa katotohanan. Para sa katarungan. Para sa sambayanan. Propeta ng bayan, tuloy-tuloy ang laban!

PAHAYAG NG PAKIKIISA NG KASIMBAYAN-UTS SA PEOPLE'S STATE OF THE NATION ADDRESS 2026"Ang tunay na kalagayan ng bansa ay m...
26/07/2026

PAHAYAG NG PAKIKIISA NG KASIMBAYAN-UTS SA PEOPLE'S STATE OF THE NATION ADDRESS 2026

"Ang tunay na kalagayan ng bansa ay makikita sa kalagayan ng mamamayan."

Sa muling pagdaraos ng State of the Nation Address ng Pangulo ng Republika, muli ring titipon ang iba't ibang sektor ng lipunan upang ipahayag ang tunay na kalagayan ng sambayanan sa pamamagitan ng People's State of the Nation Address.

Bilang samahan ng mga seminarista, alumni, g**o, at mga kaagapay ng Union Theological Seminary na naninindigan para sa pananampalatayang nakaugat sa katarungan, kapayapaan, at integridad ng sangnilikha, nakikiisa ang Kasimbayan-UTS sa People's SONA 2026.

Hindi sapat na marinig natin ang mga datos ng pag-unlad kung marami pa rin ang nagugutom. Hindi sapat ang mga ulat ng paglago kung nananatili ang pagkabaon sa utang, mababang sahod, kawalan ng lupa, at kawalan ng disenteng kabuhayan ng milyun-milyong Pilipino. Hindi sapat ang mga pangakong kaunlaran kung patuloy na nasasakripisyo ang kalikasan, nalalabag ang karapatang pantao, at napapabayaan ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Tulad ng mga propeta sa Biblia, tinatawag tayong magsalita ng katotohanan sa gitna ng mga kasinungalingan, maghayag ng katarungan sa gitna ng pang-aapi, at tumindig kasama ng mga inaapi sa gitna ng mga sistemang nagpapayaman sa iilan habang pinapasan ng nakararami ang bigat ng krisis.

Ang People's SONA ay hindi lamang isang pagtitipon. Isa itong patotoo na may mga mamamayang handang magsabi ng katotohanan. Isa itong paalala na ang pamahalaan ay may pananagutan sa sambayanan. Isa itong panawagan na ang tinig ng maralita, manggagawa, magsasaka, kabataan, katutubo, kababaihan, at iba pang sektor ay marapat marinig at bigyang-halaga.

Kaya naman hinihikayat ng Kasimbayan-UTS ang lahat ng mga kapatid, kasama, at kaagapay na makilahok sa People's SONA sa darating na Lunes. Sama-sama nating itindig ang isang tinig na nagsusulong ng katarungan, nagtatanggol sa buhay at dignidad ng tao, at naghahayag ng pag-asang nakaugat sa pakikibaka ng bayan.

Sapagkat ang pananampalatayang walang pakikilahok sa paghahanap ng katarungan ay hungkag, at ang pag-ibig sa kapwa ay hindi lamang damdamin kundi paninindigan.

Makibahagi. Makialam. Makibaka para sa bayan.

Propeta ng Bayan, Tuloy Tuloy ang Laban!


's_SONA2026
!
!
#

Panalangin at Kapahayagan para sa Pagdiriwang ng Pandaigdigan Araw ng Kababaihan. Inaalala namin ang mga babaeng hindi m...
12/03/2026

Panalangin at Kapahayagan para sa Pagdiriwang ng Pandaigdigan Araw ng Kababaihan.

Inaalala namin ang mga babaeng hindi mapapantayan ang paglilingkod. Pinararangalan namin ang mga nag-aruga sa amin at nagturo sa amin na parangalan at mahalin ka, O Diyos. Nawa'y ang kanilang halimbawa ng pananampalatayang Kristiano ay tumulong na baguhin kami patungo sa Inyong halimbawa.

Pinararangalan namin ang mga babaeng nagpapakain sa nagugutom, binibihisan ang mga walang damit, nagbibigay ng kapanatagan sa mga nalulungkot, at inaaliw ang mga nababagabag. Nawa'y patuloy ninyong matugunan ang kanilang mga pangangailangan habang sila ay naglilingkod sa iba. Pinararangalan namin ang mga babaeng nagdadalamhati sa pagkawala ng mga mahal sa buhay. Nawa'y patuloy Mo silang palakasin, O Diyos, sa pamamagitan ng Iyong Salita. Nawa'y matuto kaming palakasin ang loob nila gaya ng pagpapasigla nila sa amin. Pinararangalan namin ang mga babaeng nagdadalang-tao, maging ang mga babaeng patuloy na nananalangin upang magkaroon ng anak. Nawa'y kanlungin Mo sila maging ang mga anak na kanilang dinadala o dadalhin sa ilalim ng pag-iingat ng Iyong makapangyarihang Presensya. Kinikilala namin ang lahat ng kababaihan na nauna sa amin, pinangalanan man o hindi na pinangalanan. Pinagpapala namin ang mga babaeng umiyak para sa amin, nagpunas ng aming mga luha, nanalangin para sa amin, at tumawang kasama namin.

Pinaparangalan din namin ang lahat ng tumitindig para sa mga babaeng ito. Pinagpapala namin ang mga humihikayat sa kanila na mangarap, na ilabas ang pinakamahusay nilang kakayanan, ang tumutulong sa kanila na dalhin ang kanilang mga pasanin, at nagmamahal sa kanila nang wasto, O Diyos. Nawa'y bantayan Mo at ingatan ang lahat ng mga kababaihang ito maging ang lahat ng nagmamahal sa kanila. Italaga ang sandaling ito para sa Iyong kaluwalhatian. Sa pangalan ng Diyos na nag-aalaga at lumikha sa amin. Amen.

--------
Salamat kay Pastor Aleissa na nagfacilitate at nagbigay ng repleksyon sa Kapehan Fellowhship!

๐Ÿ“ท S.P.
๐Ÿ โ˜•๏ธ Ate Elsie & Ate Precy โค๏ธ

08/01/2026

Ang Kapatirang Simbahan para sa Bayan, UTS Chapter (KASIMBAYAN-UTS) ay nagpapahayag ng mariing pagkondena sa tahasang pambobomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Abra de Ilog, Mindoro noong bagong taon. Sa kasalukuyan, nakaranas at patuloy na dumararanas ang mga komunidad,higit na ang mga katutubong Mangyan - Iraya at maliliit na magsasaka, ng matinding epekto ng militarisasyon, aerial bombing, at air strafing sa ilalim ng tinaguriang โ€œfocused and sustained military operations.โ€

Ang mga aksyon na ito ay nagdudulot ng takot, pagdurusa, trauma, at seryosong banta sa buhay, kabuhayan, at dignidad ng mga sibilyan.

Ang paglaban ng mga komunidad ay bunga ng bulok at mapanupil na sistemang umiiral kung saan ang mga mamamayan ay pinagsasamantalahan, pinagkakaitan ng kabuhayan, at inilalagay sa panganib dulot ng militarisasyon, mapanirang proyekto, at iba pang aabuso ng kapangyarihan ng estado.

Ang pagtutol ay tugon sa sistematikong pang-aabuso at paglabag sa Karapatan-Pantao, habang patuloy na ipinaglalaban ang kanilang kabuhayan, lupang ninuno, at dignidad laban sa karahasan at kawalan ng katarungan.

Kaya naman, kami ay nagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at kasamahan ni Jerlyn Rose Doydora, isang estudyanteng mananaliksik mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), na piniling makibahagi sa buhay ng mga maralita at katutubo sa kanayunan upang alamin ang kanilang kabuhayan at kalagayan. Nanawagan kami ng hustisya sa kanyang pagkasawi bilang bahagi ng responsableng pananagutan sa karahasan sa komunidad.

Kasabay nito, nananawagan kami na ilitaw ang isa pang kabataan na si Chantal Anicoche, na patuloy na nawawala dahil sa epekto ng pambobomba at air strafing ng mga militar.

Pinapaalalahanan namin ang lahat ng may kapangyarihan sa hamon ng Salita ng Diyos sa Mikas 6:8:

โ€œAng hinihingi ng Panginoon sa iyo ay gawin ang katarungan, ibigin ang kagandahang-loob, at lumakad nang mapagpakumbaba kasama ng iyong Diyos.โ€

Naniniwala kami na hanggaโ€™t may mga kapatid na patuloy na naghihirap, inaapi, at nagugutom dahil sa mga inhustisya, hindi pa natin mararanasan ang tunay na kapayapaan at kalayaan na nakabatay sa katarungan. Kaya naninindigan kami sa panawagang itigil ang karahasan at pagbobomba sa mga kanayunan bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos na nagbibigay-halaga sa buhay at dangal ng tao.

Ang paggalang sa buhay at karapatan ng bawat mamamayan,higit ang mga niyuyurakan ang buhay at karapatan ay pagpapahayag ng ating pananampalataya na makatarungan at tunay na kapayapaan na nagmumula sa Diyos na magpalaya na kasama ng mga dukhang api at pinagsasamantalahan.

Kaya malinaw na walang puwang ang pambobomba at anumang anyo ng dahas sa kalooban ng Diyos, na nakaugat sa katarungan, habag, at pangangalaga sa buhay.




08/01/2026

Address

Dasmariรฑas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kasimbayan - UTS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share