Sadong Bernal

Directions

Sadong Bernal Welcome to the Official page of Dasol, Pangasinan Mayor Rizalde "Sadong" J. Bernal.

đź’š

23/10/2026
Hindi lang ang mga chikiting ang may treats, pati sina Mommy at Daddy, may pa-surprise din!Bukod sa saya at treats para ...
23/10/2026

Hindi lang ang mga chikiting ang may treats, pati sina Mommy at Daddy, may pa-surprise din!

Bukod sa saya at treats para sa ating mga anak, may nakahandang bags at smart watches para rin sa mga magulang, na hatid ng ating sponsor na si Madam Monaliza Dapula.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat kay Madam Monaliza sa kanyang kabutihang-loob at suporta upang mas maging masaya at espesyal ang ating Costume Party para sa pamilyang Dasolano.

Kaya mga magulang, magparehistro lamang sa MSWDO upang makasali sa ating Costume Party sa darating na Oktubre 29, 2026 sa Dasol Park!

Kita kits, Dasolanos!

Konting silip pa lang ito sa mga candies at treats na inihahanda natin para sa ating mga chikiting! Marami pang exciting...
22/10/2026

Konting silip pa lang ito sa mga candies at treats na inihahanda natin para sa ating mga chikiting! Marami pang exciting na surprises ang parating para sa ating Costume Party sa October 29!

Kaya ihanda na ang inyong mga anak at huwag kalimutang irehistro ang kanilang mga pangalan sa MSWDO upang makasali sa ating masayang pagdiriwang!

Huwag ding mag-alala kung simple lamang ang kanilang costume. Hindi kailangang bongga o magastos ang kasuotan dahil ang mahalaga ay makasali, makapag-enjoy, at magkaroon ng masasayang alaala ang mga bata. đź’š

Mas magiging masaya at makulay ang ating Costume Party sa darating na Oktubre 29, 2026 (Huwebes) sa Dasol Park dahil may...
21/10/2026

Mas magiging masaya at makulay ang ating Costume Party sa darating na Oktubre 29, 2026 (Huwebes) sa Dasol Park dahil may libreng ice cream para sa mga bata!

Maraming salamat kay Mrs. Lea Dowsett sa kanyang kabutihang-loob at suporta para sa ating mga munting Dasolano.

Kaya naman, ihanda na ang inyong mga costume at samahan kami sa isang araw na puno ng saya, tawanan, at matatamis na alaala!

Kita-kits, mga bata!

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang na may anak na edad 0–9 taong gulang na makilahok sa ating Costume Party sa darat...
19/10/2026

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang na may anak na edad 0–9 taong gulang na makilahok sa ating Costume Party sa darating na Oktubre 29, 2026 (Huwebes) sa Dasol Park.

🕒 3:00 PM – Assembly
🎉 4:00 PM – Start ng programa

Para sa mga nais magparehistro ng kanilang mga anak, magtungo lamang sa MSWDO at hanapin si Ms. Nadine Nipal para sa registration.

Tara na, Dasolano! Ihanda na ang inyong mga anak sa isang masaya at makulay na Halloween Costume Party na puno ng tawanan, at masasayang alaala!

Matagumpay na isinagawa sa Barangay Tambac ang Ulupan Ed Barangay: The RCSP Serbisyo Caravan Initiative, sa pangunguna n...
16/10/2026

Matagumpay na isinagawa sa Barangay Tambac ang Ulupan Ed Barangay: The RCSP Serbisyo Caravan Initiative, sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng National Government Agencies at mga partner organizations na nakiisa at naghatid ng iba’t ibang serbisyo at tulong para sa ating mga kababayan.

Ang inyong pakikiisa ay patunay ng sama-samang pagsisikap ng pamahalaan upang mailapit ang mga pangunahing serbisyo sa bawat barangay at mapaglingkuran ang bawat Dasolano.

Pormal na nanumpa sa aking tanggapan si Danica Carizal, ang bagong SK Chairperson ng Barangay Bobonot. Ako mismo ang nan...
14/10/2026

Pormal na nanumpa sa aking tanggapan si Danica Carizal, ang bagong SK Chairperson ng Barangay Bobonot. Ako mismo ang nangasiwa sa panunumpa kasama sina MLGOO VI Karen Cuya at Barangay Captain Renato Bate Jr.

Binabati kita, SK Chairperson Danica! Nawa’y maging tapat at makabuluhan ang iyong paglilingkod para sa kabataan ng Barangay Bobonot. ✨

Ang kahandaan sa sakuna ay nagsisimula sa kaalaman, disiplina, at sama-samang pagkilos.Sa paggunita ng International Day...
13/10/2026

Ang kahandaan sa sakuna ay nagsisimula sa kaalaman, disiplina, at sama-samang pagkilos.

Sa paggunita ng International Day for Disaster Risk Reduction, hinihikayat ang bawat Dasolano na patuloy na palawakin ang kaalaman sa paghahanda sa sakuna, sumunod sa mga abiso ng kinauukulan, at makiisa sa mga programang naglalayong maprotektahan ang buhay, kabuhayan, at kalikasan.

Sa pamamagitan ng maagap na paghahanda, tamang impormasyon, at pagtutulungan ng bawat isa, mas mapapalakas natin ang kakayahan ng ating komunidad na harapin ang anumang hamon at sakuna.

Sa pagdiriwang ng ika-126 na Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Puso, Dangal at Galing para sa Bayan,” ...
12/10/2026

Sa pagdiriwang ng ika-126 na Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Puso, Dangal at Galing para sa Bayan,” muling pinagtibay ang ating paninindigan na maglingkod nang may malasakit, integridad, at kahusayan para sa kapakanan ng bawat Dasolano.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nakibahagi rin tayo sa pagpirma sa Lingkod Bayani Commitment Wall, kasama ang mga kapwa lingkod-bayan mula sa mga pambansang ahensya at lokal na pamahalaan. Ang pagpirma ay sumisimbolo sa ating iisang pangako na isabuhay ang tunay na diwa ng paglilingkod sa bayan.

Patuloy nating isulong ang isang serbisyong pampubliko na may puso sa bawat mamamayan, dangal sa bawat tungkulin, at galing sa bawat gawa. đź’š

Address

Pangasinan-Zambales Road
Dasol
2411

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sadong Bernal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share