31/08/2026
https://www.facebook.com/share/p/19E1A99xyN/
🇵🇭 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜 | 𝗗𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗵𝗮𝗻. 𝗟𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻
Ngayong Araw ng mga Bayani, ating ginugunita at pinararangalan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at paninindigan para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan.
Ang kanilang mga kuwento ay bahagi ng ating kasaysayan. Ang kanilang sakripisyo ay nagsisilbing paalala na ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang nasusukat sa mga dakilang salita, kundi higit sa lahat sa tapang na kumilos at maglingkod para sa kapwa.
At sa paglipas ng panahon, ang diwang ito ng kabayanihan ay patuloy na nabubuhay sa ating mga komunidad.
Sa bawat sakuna, may mga rescuers, responders, pulis, bumbero, doktor, nars, g**o, at mga DRRM Officers and Coordinators na patuloy na tumutugon—madalas tahimik, madalas walang pagkilala, ngunit laging handang tumulong.
Sila ang mga taong dumarating kapag kinakailangan. Nananatili kapag mahirap. At kumikilos upang magligtas ng buhay at magbigay ng pag-asa.
Hindi man sila bahagi ng mga pahina ng kasaysayan na ating binabasa, dala nila ang parehong diwa ng paglilingkod at malasakit sa kapwa na patuloy nating ipinagmamalaki bilang isang bayan.
Sa ating mga pambansang bayani, maraming salamat sa pamana ng tapang at pagmamahal sa bayan.
At sa mga bayani ng kasalukuyan, saludo kami sa inyong patuloy na paglilingkod. 🫡