13/10/2026
Launching of School ARAL Program 2026
Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program
"Bawat bata, may gabay. Bawat pangarap, abot-kamay."
Ang ARAL Program ay komprehensibong tugon ng Kagawaran ng Edukasyon para matulungan ang ating mga mag-aaral na nahihirapan sa pag-aaral lalo na sa Pagbasa, Matematika at Siyensya. May layunin itong makamit ang makabuluhang pagkatuto ng mga estudyante sa mga nabanggit na kasanayan at asignatura. Ang programang ito ay para rin malaman at maunawaan ng ating mga learners ang mga competencies na akma sa kanilang kasalukuyang lebel.
Nakikiisa ang mga magigiting na g**o at kawani ng Bobonot Elementary School sa pangunguna ni Gng. Marites Valenzuela Dela Peña , Punongg**o sa programang ito.