NHA Region XI

NHA Region XI

Share

Mandated to Provide Low Cost Housing Services in Region XI

28/05/2026

https://www.facebook.com/share/1DeSzgKAti/

Simula ngayong Mayo 28 hanggang Hunyo 12, sabay-sabay nating itaas ang ating Pambansang Watawat sa pagdiriwang ng Flag Days.

Ipagmalaki natin ang ating pagiging Pilipino, gayundin ang mayaman nating kasaysayan at kultura.

Ang National Housing Authority ( ) ay kaisa ng buong bansa sa pagdiriwang na ito.







27/05/2026

"To all our Muslim brothers and sisters,

Eid Mubarak! May Allah accept your sacrifices, bless you with joy, health, and prosperity, and reunite you with your loved ones in peace and happiness.

Taqabbalallahu minna wa minkum."
(May Allah accept from us and from you.)







Photos from NHA Region XI's post 25/05/2026

📢 NHA XI BUMISITA SA MONKAYO, DAVAO DE ORO

Upang mas mapalapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga residente, nagsagawa ng courtesy call si NHA XI Officer-in-Charge, Regional Manager Engr. Shaeiffuddin I. Nami kay Monkayo Mayor Manuel Zamora Jr. upang talakayin ang nalalapit na People's Caravan sa nasabing bayan.

Ang People's Caravan ay isang programa ng National Housing Authority (NHA) na pinangungunahan mismo nina NHA General Manager Joeben A. Tai at Assistant General Manager Alvin S. Feliciano.

Layunin ng caravan na direktang maihatid sa mga mamamayan ang mga programa at tulong pabahay ng NHA — mula sa impormasyon ukol sa permanenteng shelters hanggang sa iba pang housing assistance para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Higit na magiging malapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga residente dahil sama-samang lalahok ang iba't-ibang ahensya ng gobyerno sa aktibidad na ito. Kabilang dito ang mga serbisyong pangkalusugan, pang-abono, at iba pang basic services na abot-kamay lamang ng mga taga-Monkayo.

🤝 Magtutulungan ang NHA XI at Lokal na Pamahalaan ng Monkayo — kasama ang iba pang katuwang na ahensya — upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagpapatupad ng People's Caravan.











Photos from NHA Region XI's post 21/05/2026

Pagmamahal at disente na tahanan para sa mga kapatid nating Mandaya, Manobo, Dibabawon, at Mangguangan 🏡🤍

Isang makasaysayang araw para sa mga kapatid nating Indigenous People!

Matagumpay na naisagawa ng National Housing Authority (NHA) Region XI ang turn-over ng "Balai Na Linagsanan Tu Tribu Dibabawon" — 100 yunit ng pabahay na ipinagkaloob sa 100 pamilya mula sa tribong Mandaya, Manobo, Dibabawon, at Mangguangan.

Ang proyektong ito ay itinayo sa Brgy. Awao, Monkayo, Davao de Oro, sa pakikipagtulungan ng Provincial Local Government ng Davao de Oro.

Sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Cultural Communities (ICCs)/Indigenous Peoples (IPs) , pinondohan ng NHA ang proyekto ng Php 20 milyon.

Layunin nitong masiguro na ang ating mga kapatid na IP ay magkaroon ng disente, ligtas, at dekalidad na bahay — isang pangakong patuloy na tinutupad ni NHA General Manager Joeben A. Tai at ng buong ahensya.

Pinangunahan ang turn-over nina NHA Officer-in-Charge, Regional Manager Engr. Shariffuddin I. Nami at NHA District 2 Manager Mr. Gerold P. Namoc.

Nawa’y maging matatag at mapayapa ang inyong bagong tahanan. Ito ay inyong tunay na karapatan bilang mahalagang bahagi ng ating bayan.







Photos from NHA Region XI's post 20/05/2026

PORMAL NA PAGPAPATURN-OVER NG 100 HOUSING UNITS NG NHA XI, ISINAGAWA SA DAVAO DE ORO

Pormal na ipinagkaloob ng National Housing Authority (NHA) Region XI, sa pakikipagtulungan ng Provincial Local Government ng Davao de Oro, ang 100 housing units para sa 100 pamilya mula sa tribong Mandaya-Mansaka sa New Bataan, Davao de Oro.

Ang proyektong ito ay pinondohan ng NHA XI sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Cultural Communities (ICCs) / Indigenous Peoples (IPs) na may kabuuang halaga na Php 20 milyon.

Matatagpuan ang mga yunit ng pabahay sa Brgy. Pagsabangan, New Bataan, Davao de Oro.

Pinangunahan ang turnover ceremony nina NHA XI Officer-in-Charge, Regional Manager Engr. Shariffuddin I. Nami bilang kinatawan ni NHA Manager Joeben A. Tai at mga kinatawan ng Provincial Government ng Davao de Oro.

Tiniyak ni NHA Manager Joeben A. Tai na patuloy na palalawigin at dadagdagan pa ng ahensya ang ganitong uri ng programa upang makinabang ang mas marami pang katutubong pamayanan sa rehiyon.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mandato ng NHA na magbigay ng ligtas, disente, at abot-kayang pabahay para sa lahat — lalo na ang mga kabilang sa indigenous cultural communities.







Photos from NHA Region XI's post 08/05/2026

NHA XI NAGTURN-OVER NG 100 HOUSING UNITS SA DAVAO DE ORO

PANTUKAN – Pormal nang na-turn over ng National Housing Authority (NHA) Region XI ang 100 housing units ng "Bag-ong Pantukan" (BP) Village sa mga benepisyaryong pamilya ngayong araw, Mayo 8, 2026.

Matatagpuan ang nasabing village sa Upper Pangasinan, Barangay Kingking, Pantukan, Davao de Oro.

Pinangunahan ni NHA XI Officer-In-Charge Engr. Shariffuddin I. Nami, kasama si NHA XI District 2 Manager G. Gerold P. Namoc, ang turnover ceremony bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben A. Tai.

Dumalo rin sa okasyon sina 2nd District Congressman Leonel Ceniza; Board Member Macario Humol bilang kinatawan ni Governor Raul Mabanglo at ang mga lokal na opisyal ng pamahalaang bayan na pinamumunuan nina Mayor Oliver Ceniza at Vice Mayor Cirila Engbino.

Ang 100 housing units ay bahagi ng Phase 1 ng proyekto. Ang kabuuang halaga ng Phase 1 ay ₱25 milyon at pinondohan ng National Housing Authority sa ilalim ng Resettlement Assistance Program for Local Government Units (RAP-LGU).

Ang mga benepisyaryo ay ang mga pamilyang dating nakatira sa tabi ng ilog, mga critical areas, o mga apektado ng proyekto ng gobyerno.

"Maraming salamat sa NHA at sa aming mga opisyal sa Pantukan dahil may sarili na kaming bahay na kailanman ay hindi na kami mapapaalis. Kaming mag-asawa ay walong beses nang na-demolish," ayon kay Pastor B**g Camelotes, isa sa mga benepisyaryo ng pabahay.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtatayo ng dagdag na 80 housing units para sa Phase 2. Ang kabuuang halaga ng Phase 2 ay ₱25 milyon din.

"Ingatan ninyo ang bagong bahay ninyo. Safe na kayo dito—libre at walang bayad," paalala ni Engr. Shariffuddin I. Nami sa mga bagong may-ari ng bahay.

Ang RAP-LGU ay isang programang pabahay na pinagtutulungan ng National Housing Authority at ng lokal na pamahalaan. Layunin nitong mabigyan ng permanenteng matitirhan ang mga pamilyang nasa danger zones, informal settlers, at mga apektado ng kalamidad o proyekto ng pamahalaan.







04/05/2026

Kaisa ang National Housing Authority (NHA) sa pagdiriwang ng Ease of Doing Business (EODB) Month ngayong Mayo, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 818, s. 2025.

Bitbit ang temang “Achieving Results through Transparency and Accountability (ARTA): Towards a More Productive Bagong Pilipinas,” higit pang pinagbubuti ng NHA ang aming mga proseso at sistema upang makapaghatid ng mas mabilis, tapat, at de-kalidad na serbisyo para sa bawat Pilipino.







Want your business to be the top-listed Government Service in Davao City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Quimpo Boulevard
Davao City
8000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm