VPN. unlimited all sites

VPN. unlimited all sites

Share

happy always

05/04/2026
12/02/2025

Nangangawit na siya sa kakatayo sa harap ng gusali na iyon, pilit niyang pinapatatag ang kanyang loob habang nakatanaw doon. Kahit pa kumakalam na ang kanyang sikmura ay di niya iyon ininda. Kailangan niyang makausap si Carlo, kailangan niyang ipaalam sa katipan ang kanyang kalagayan.

Simula ng mat mangyari sa kanilang dalawa ay di na ito nagpakita pa sa kanya. Which is unusual dahil noong nanliligaw palang ito hanggang sa sinagot niya ay di ito pumalya sa pagdalaw sa bahay nila.

Kaya lang ay umiiwas na ito simula ng gabing iyon. Kahit ang mga chat niya ay di na din nito halos i seen. Kinakabahan na siya lalo at kakakumpirma palang niyang buntis siya. Tiyak niyang lagot siya sa kanilang ama pag nalamang buntis siya at walang ama.

Hindi sila lumaki sa normal na pamilya, kinalakihan na nilang magkapatid ang mala empyerno na pamumuhay. May kabit ang kanilang ama simula pa noong bata pa sila. Halos binubogbog din palagi ang kanilang ina. Kaya takot na takot siya noon na magtiwala sa mga lalaki. Hanggang sa nakilala niya ang katipan.

Family oriented, independent at nakikita niya na ma respito ito sa mga babae sa pamilya nito. Sabi niya sa sarili niya noon na, ito na ang lalaki na para sa kanya. Kaya kahit na may alinlangan siya dahil sa sinapit ng kanyang ina sa piling ng kanyang ama ay binigay niya ang lahat lahat sa katipan.

Ilang gabi na siyang balisa at di makatulog. Lalo na at nalaman niyang nagbunga ang isang beses na may nangyari sa kanila. Balisa siya at di makakain ng maayos, nahihirapan siyang mag isip ng kanyang gagawin. Umaasa siyang papanindigan siya ng katipan pag nalaman na magkakaanak na sila.

Napaayos siya ng upo nang mamataan ang katipan na papalapit. Hinintay niya na muna na makalapit ito sa kanyang pwesto. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakita na niya itong papalapit sa kanyang gilid, mabilis siyang nagtago para di ito makaiwas pag malapit na. Nagpalinga linga pa muna ang lalaki bago nagpatuloy sa paglalakad nang mapansin na wala naman palang dapat iwasan. Di niya maiwasang di manlumo sa nakikita niya na pag uugali na meron ang lalaki. Tila ang malas niya sa mga lalaki sa buhay nila, simula sa lolo niya sa ama niya at ngayon sa ama ng kanyang magiging anak.

Tila ba ang saklap saklap na masyado ng buhay niya, di na siya umaasa na maayos pa ang lahat. Dahil ayaw din naman niyang maging miserable ang buhay niya. Kung nadapa man siya ngayon ay ayos lang wag lang siyang magaya sa kanyang ina na nagawang magpaka martyr matawag lang na buo ang pamilya nila.

Di ito ang lalaking pinapangarap niya na makasama sa pagtanda niya. Baka wala pa siyang kwarenta e patay na siya sa mga pasakit at sama ng loob na dulot nito sa kanya, mas tama nga siguro na itawag sa lalaki ay happy go lucky. Dahil ngayon ay nakikita na niya na taliwas ito sa lalaki na umakyat ng ligaw sa kanya. Para itong lalaki na walang direksyon sa buhay.

"Carlo!" Tawag niya sa pangalan nito. Nakita niya ang gulat na lumarawan sa mukha nito nang makita siya nito. Di nga talaga nito inasahan na nandun siya.

"Sheena!" Bulalas pa nito. Tila anytime ay kakaripas na ito ng takbo.

"Pre maiwan kana muna namin, mukhang kailangan nyo na mag usap." Sabi ng isa sa sanggang dikit ng lalaki.

"Carlo, pwede ba tayong mag-usap?" Halata ang gulat sa mukha nito nang bigla siyang lumitaw sa isang bahagi ng halamanan.

"May trabaho pa kami Sheena, alam mo naman yin diba mag lunch break palang kami." Sabi ng lalaki.

"Buntis ako Carlo at kaninang madaling araw pa ako umalis sa amin. Kinse minutos siguro naman sapat na oras na ang hinihingi ko sayo para sa perwisyong dala mo sa buhay ko." Matatag at puno ng puot na sabi niya sa lalaki. Kita niya ang pamumutla sa mukha ng lalaki.

"Baka iba ang ama ng dinadala mo." Sabi nito na ikinakulo ng tumbong niya. Gutom na gutom paman din siya, alam na alam nito na wala pang lalaki na nagdaan sa buhay niya.

"Sige ganito nalang, mukha namang wala kang te**is na klase ng lalaki. Ipapa DNA ko tong bata, pag sayo to ipapakulong kita. At ako mismo ang magpapatanggal sayo diyan sa kompanya na pinagtatrabahoan mo. Pag negative naman ako na mismo ang magpapakulong sa sarili ko. Ano deal?" Gigil na sabi niya. Hinablot siya nito at hinila sa isang sulok marahil ay upang walang makarinig sa kanilang dalawa.

"Umuwe kana Sheen anong kaso ang sinasabi mo? Wala kang mapapatunayan, mag uusap tayo pag uwe ko mamaya." Sabi nito na dumukot ng isang libo sa wallet nito at iniabot sa kanya.

"Uuwe ako sa San Roman Carlo. Kakasuhan kita ng take sb by force/r8pe at ang DNA ng bata ang ebedisya ko." Sabi niya dito. Nakita niya ang sindak na lumarawan sa mukha nito. Alam nito kung ano ang naganap sa kanila nung gabing may nangyari sa kanilang dalawa. Inamin niya iyon sa kapatid niya na si Abby, pinarecord pa nga nito at ilang araw din siyang naglagi sa Manila para mapagaling ang pasa na hatid ng pwersang pag angkin sa kanya ng kasintahan.

"Mag leave ka muna, magpapaglag tayo." Sabi nito na ikinalaki ng kanyang mga mata, di lang pala isang manloloko ang baliw isa itong mamamatay tao.

"Magagawa mong patayin ang blood at laman mo? Anong klase kang tao?" Sabi niya na di napigilan ang kamay at nasampal ang lalaki.

"Tang ina naman Sheena, wala pa tayong ipapakain sa bata-"

"E di sana di mo ako pinakialaman, kung tutuosin pinagsamantalahan mo ako, baliw wag kanang magpapakita pa sa akin. Salamat dito sa one thousand mo." Sabi niya na naglakad papalayo. Para kasing di niya na kaya na makita pa ang lalaki. Sariwa pa sa isip niya ang nangyari sa kanya ng gabing iyon, nagmakaawa siya dito pero tila itong baliw na hayok na hayok at binalewala ang kanyang pagmamakaawa.

Di na niya namalayan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang papalayo. Para kasing naninikip ang chest niya sa kaisipang wala na siyang mapupuntahan, pero mas masikip pala sa chest ang isipin na ipapaalis ang anak niya. Walang wala sa isip niya ang ganung option, di niya magagawa na saktan ang kanyang sariling anak.

Kahit ano paman ang dahilan ay wala namang kasalanan ang bata, kung tutuosin ay take sb by force/r8pe ang ginawa nito sa kanya. Dahil pinilit lang siya nito, nilasing siya nito kaya may nangyari sa kanila. Magsisi man siya ay huli na nagawa na siya nitong pakialaman.

Naglakad siya ng naglakad, walang tiyak na patutungohan. Nang papalubog na ang araw ay nagpasya siya na maglakad pabalik para umuwe nalang sa boarding house niya. Pero napansin niya na mali ang kanyang direksyon sa kabilang panig ay makikita ang mga kalalakihan na nag iinuman. Sa kabilang panig naman ay ang mga kabataan na halatang lango na. Napili niyang bumalik sa kabilang panig, paiwas sa mga ito.

Baka nabuntis na nga siya ng dahil sa panggagahasa ng dati niyang nobyo e mapahamak pa siya sa kanyang kagagahan. Napakurap kurap siya nang mapuna na nasa madilim na bahagi na siya. Di na niya masyadong maaninag ang daan na kanyang tinatahak.

Parang gusto niyang pumalahaw ng iyak sa sindak ng mapuna ang pasalubong na dalawang lasing. Napadasal siya ng taimtim ng mga oras na iyon, ano ba kasing kamalasan ang kanyang dala dala. Pag na take sb by force/r8pe siya ngayong gabi ay magpapakamatay nalang siya.

"Wow n-nakikita mo ba ang shh nakikita ko pre? Lashing na nga yata ako." Sabi nito na kinusot kusot pa ang mga mata. Para naman siyang natuod lang habang nakatingin sa mga ito. Di niya magawang maihakbang ang kanyang mga paa sa takot na umalipin sa kanya.

"Alin? Ang babaeng sekshii ba ang tinutukoy mo? Aeshh akala ko dalaa lang ng kalashingan ko. Hehe mukhang bigay ng diyos ito pre. Akoh na ang mauuna." Sabi ng isa na akmang dadakmain na siya pero mabilis siyang nakatakbo. Mabilis na halos mabitawan na niya ang bag niya, Pero nadapa siya bago paman siya nakalayo, kinaladkad siya ng mga ito.

Tigbi tigbi ang pawis niya habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga ito. Pero natakot din siya na baka suntokin siya sa tiyan ng mga ito lalo pag mapansin na nanlalaban siya, ayaw niyang ilagay sa alanganin ang buhay niya at ng anak niya. Alam niyang di siya bubuhayin ng mga ito oras na madala siya ng mga ito.

Malaking tao ang isa sa dalawang lalaki na nakahawak sa kanya, ang isa naman ay payat pero alam niyang walang wala ang lakas niya kumpara sa mga ito. Nag eekis ekis ang lakad ng dalawa. Malabo ang kanyang paningin. Dahil sa pag iyak kanina.

"Pesti! Ang lalim ng lubak!" Palatak ng isa, naging hudyat niya iyon.

Boung lakas na sinipa niya sa testicles ang lalaki, nakailag naman siya sa suntok na pinakawalan ng isa, muli siyang tumakbo papunta sa kalsada. Kailangan na hindi na niya ininda ang lubak napatili siya nang maabutan siya ng mga ito.

Papunta sa gitna ng kalsada ang kanyang takbo. Wala na siyang pakialam kung masagasaan siya ang mahalaga ay ang makalayo siya sa dalawang lasing na r8pist. Kasabay ng paghinto ng kanyang takbo ay ang sagitsit ng gulong ng sasakyan. Akmang papagalitan pa siya ng matandang driver pero pag lingon niya ay malapit na ang dalawang lalaki.

"Manong saklolo hinahabol po ako ng mga r8pist!" Sabi niya mabilis naman nitong binuksan ang pinto.

"Sakay na!" Sabi pa nito at di paman siya nakakaupo ng maayos at naisasara ang pinto ay pinaandar na nito ang kotse.

"Isara mo ng maayos ang pinto!" Sabi nito sa kanya. Mabilis naman na isinara niya, nanginginig ang kanyang mga kamay, kahit na sabihin na di rin naman niya alam kung safe siya sa kamay ng matandang lalaki ay mas panatag siya na kasama niya ito. Doon siya napahagulhol, pinagsama ang pagod at ang takot na kani kanina lang ay umalipin sa kanya.

"Mamaya na kita tatanungin pag nakalayo na tayo." Sabi ng matanda na nagpatuloy sa pagmamaneho. Sa isang 24 hours store sila huminto.

"Dito ka muna, bibili ako ng tubig at makakain natin, medyo nagugutom na ako." bumaba ito at pagbalik may dalang uncut na may burger at tubig. Nanginginig man ay kinuha niya ang mineral water bottle na iniabot nito sa kanya.

"Salamat ho manong!" Sabi niya matapos na makainom ng tubig.

"Manong Ruben. Ano pala ang ginagawa mo sa lugar na iyon?" Tanong nito sa kanya.

"Naligaw po ako Manong, papauwe na po sana ako." Sabi niya dito.

"Sa susunod wag kang magagawi doon, aba e nung isang linggo lang may nagahasa doon. Saan ba kita ihahatid at gabi na, saan kaba uuwe?" Tanong nito sa kanya.

"Sa Terminal nalang po ng bus papuntang San Roman." Sagot niya dito, sa tantiya niya ay aabot pa naman siya sa last trip. Sa boarding house niya nalang muna siya mananatili bago umuwe sa bahay nila. Alam niyang si Mama niya lang ang nasa bahay at si Sherly.

"San Roman? Aba e bumagsak ang tulay kaninang tanghali, non passable ang tulay sa Bakugan. Walang biyahe papunta doon ngayon o baka kahit sa mga susunod na linggo." Sabi nito.

Inaarok niya kung nagsasabi ba ito ng totoo, ngunit mukhang hindi. Lumang luma na ang tulay na sinasabi nito, at ilang ulit na din na nag crack ang ibang bahagi ng tulay. Panahon pa yata ng mga hapon itinayo ang nasabing tulay, ilang baha, lindol at bagyo na din ang nakasagupa ng tulay.

"Hala paano po yan wala po bang ibang way para makauwe?" Tanong niya sa matanda.

"Wala Ineng, katunayan ay maraming mga stranded ngayon sa daan. Ang mabuti pa ay isasama na muna kita sa bahay ng boss ko. Wag kang mag alala mabait naman si boss." Sabi nito sa kanya.

Mukha naman na wala siyang choice kundi ang magtiwala sa matanda.

"Matagal na po kayong nag mamaneho?" Tanong niya dito. Gusto niya lang na magkaroon ng ideya kung anong klase ng tao ang nagligtas sa kanya.

"Oo naman, katunayan ay sa pagmamaneho ko na binuhay ang aking pamilya. Nakapagtapos na din ang aking mga anak ng pag aaral." Masaya na pag kwento nito sa kanya.

"Talaga po? Ang galing naman. May asawa po kayo?" Tanong niya dito.

"Oo, nasa San Pedro sila, lagi akong umuuwe pag day off ko." Masayang kwento nito.

"Wala po kayong kabet?" Tanong niya na agad naman niyang natutop ang kanyang bibig.

"Sorry po di ko-"

"Wala sa isip ko ang magtaksil sa asawa ko Ineng, masyadong marami na kaming isinakripisyo, para sa aming pamilya para sirain ko ng dahil lang sa panandaliang init. Ang init ng katawan pwede naman na sa asawa ko nalang ilabas, di pa ako gagastos di pa ako makakarma." Sabi nito.

Napahanga siya sa sinabing iyon ng lalaki, kung sana ay ganun ang mindset ng kanyang ama. Marahil ay di aabot sa punto na magkakahiwa hiwalay sila, di sana magiging ganito kagulo ang pamilya nila.

"Sana po ay katulad niyo ang pag iisip ng Papa namin." Di niya napigilan na ibulalas. Natigilan naman ito sa kanyang sinabi, marahil ay di nito inasahan ang kanyang sinabi.

"Bakit ano ba ang Papa mo?" Tanong nito sa kanya. Mukha namang mapagkatiwalaan ang matanda kaya nag labas na din siya ng saloobin dito.

"May kabit po kasi si Papa, tapos siya pa ang galit sa amin, lagi kaming pimagbubihatan ng kamay lalo na si Mama." Sabi niya na di maiwasang di malungkot.

"Grabe naman yun, dapat hiwalayan na ng Mama mo. Di rin kasi maganda ang epekto ng ganun sa mga anak. Oo nagsasama sila para sa ano? Para pasakitan ang Mama mo? Para ipakita na mas malakas siya na kaya niyang saktan ang Mag iina niya? Di naman healthy sa mga bata ang ganung environment." Sabi nito na iniliko papasok sa isang subdivision ang sasakyan.

"Sana ho ganun din ang pananaw ni Papa. Pero ako nangangako ako sa sarili ko na di po ako gagaya sa Mama ko. Pag di na masaya ay magkukusa na po akong kakalas, para sa peace of mind na din." Sabi niya dito.

Hinaplos niya ang pipis niya pang tiyan, sa ngayon ay kinakailangan niyang magpakatatag para sa batang nasa kanyang sinapupunan. Dapat lahat ng desisyon niya ay isasaalang alang niya ang kapakanan ng anak niya.

"Ipagdasal mo lang, pasasaan ba at matatauhan din ang Papa mo. O matatauhan ang Mama at matuto ma umiwas at lumayo sa ama nyo." Sabi nito na tuloyan nang huminto sa tapat ng isang katamtaman ang laki na bahay.

"K-kaninong bahay po ito?" Tanong niya dito. Kinakabahan siya na di niya mawari. Wala naman siyang nararamdamang panganib sa lugar pero tila di niya kayang pakibagayan ang kaba niya.

"Kay Boss, pero mabait naman yung boss ko. Ipapaliwanag lang natin ang nangyari sayo." Sabi nito.

Nakasunod siya sa matanda habang papasok sa kabahayan. Simple lang ang bahay pero halatang may sinasabi sa buhay ang kung sinuman na nakatira doon.

"Magandang gabi po Sir Patrick, nakita ko po siya sa daan na hinahabol ng mga lasing. Naligaw po sa bayan, kaya lang e di na siya makakauwe dahil bumagsak na ang Bakugan bridge." Paliwanag ng matanda sa lalaking tila natuka ng sawa habang nakatitig sa kanya. Lalo naman siya, kilala niya ang lalaki. Ito ang masungit na boss ng nobyo niya.

Ipinakilala na sila sa isat isa noong nililigawan palang siya ni Carlo, di niya lang alam kung natatandaan pa siya nito.

"You are Mr. Tomago's girlfriend right? Bakit di ka sa kanya tumuloy?" Tanong nito na halatang di natuwa na nandun siya sa bahay nito.

"Ahm aalis nalang po ako Sir, maaga pa naman magbabakasakali nalang ako na may biyahe pa papuntang San Roman." Sabi niya na tila gusto niyang kumaripas ng takbo papalayo. Tila nainis naman ito sa sinabi niya.

"Tapos konsensya ko pa kung magagahasa ka sa labas. Tinatanong lang kita, ano ba ang mahirap sa tanong ko? Matulog kana Mang Ruben ako na ang bahala sa kanya." Sabi nito sa matanda. Parang gusto niyang bumuntot sa matanda. Tila nahulaan naman nito ang kanyang naiisip dahil kaagad na naman itong bumirada.

"Pamilyado na si Manong Ruben, binata pa ako. Kung ako ang kasamahin mo ay ayos lang dahil binata ako. Ang ibig kong sabihin kausapin mo ako at sagutin mo ang mga tanong ko sayo at papatulogin na kita." Sabi nito na halatang masungit.

"Hiwalay na kami ni Carlo, nag away kami kaya ako naligaw." Nahihiya niyang sabi dito.

"Dapat inihatid ka niya kahit break na kayo. Please set down." Halata ang inis sa mukha nito, mabuti naman at naisipan nitong paupoin siya nananakit na kasi ang mga pasa na hatid ng pagkakahawak ng dalawang lasing kanina. Alam niyang may mga sugat sugat pa nga marahil dahil sa mahapdi ang braso niya.

"Gusto niya kasing ipaalis ang batang nasa sinapupunan ko." Mahina niyang pag amin dito. Nakita niya ang pagbalasik ng mukha nito.

"What? dam buntis ka?" Mahina nitong tanong sa kanya. Marahan siyang tumango.

"Oo at yun ang dahilan kung bakit ako nagpunta kanina dito. Para ipaalam kay Carlo na buntis ako." Sabi niya na lalo yatang ikinagalit ng huli.

"Kailan pa kayo nag break?" Tanong nito.

"Kanina, nakipag break na ako agad. Ayokong makipag relasyon sa tao na kayang patayin ang sariling anak makalayo lang sa responsibilidad." Sabi niya na bahagyang napangiwi gusto na niya na mahiga at ipahinga ang kanyang katawan. Pero wala siya sa bahay nila para gawin ang bagay na iyon. Bukod doon ay naghahanap ng maiinom ang kanyang lalamunan, gusto niya sanang uminom ng mainit init na sabaw.

"Good girl, anong meron sa braso mo?" Tanong nito na lumapit sa kanya at itinaas ang sleeve ng kanyang damit.

"s**t! Sino ang may gawa nito?" Madilim ang mukha na tanong nito sa kanya.

"Yung dalawang lasing na humabol sakin kanina." Sagot niya dito. Nagulat pa siya ng yakapin siya nito ng mahigpit parang nanigas siya bigla at tila bumilis ang tibok ng puso niya. Mas mabilis kaysa nang habulin siya ng mga lalaki kanina.

Parang huminto sa pag inog ang mundo niya sa ginawa nitong iyon. Hindi niya maipaliwanag ang init na lumukob sa kanya. Nagulat pa siya nang yukoin nito ang kanyang labi, masuyo at tila idinuduyan siya sa halik nito. Nakakapalimot sa kanyang sitwasyon at kinaroroonan. Natauhan lang siya nang maramdaman ang pag pisil nito sa kanya.

"Hmmn wait for me here ikukuha kita ng makakain mo." Sabi nito na inalalayan siya paupo. Para kasing nanlambot ang kanyang mga kalamnan sa halik na iginawad nito sa kanya. Nagulohan siya kung para saan ang halik na iyon, at kung bakit siya nito hinalikan.

Di siya dalaga na dapat mag linandi, pero kataka taka na wala siyang makapang pagsisisi o pagtutol sa ginawang paghalik ng lalaki. Iba ang dating di gaya nung kay Carlo na takot ang naramdaman niya ng halikan siya nito.

Alam niyang di niya dapat isipin ang halik ng lalaki dahil baka nadala lang ito sa awa na nadama para sa kanya. Baka bugso lang ng damdamin ang lahat, inabala niya ang kanyang sarili sa panonood ng TV. Bihirang bihira siya na makanood ng TV dahil wala na silang TV. Naibenta na ng ama nila nung ma hospital ang kabit nito.

Di na naman siya naghintay pa ng matagal dahil ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na ang lalaki. May dala itong tray at may umuusok na sabaw at kanin. Parang nagtubig ang bagang niya sa nakita, yun ang gustong gusto niyang kainin kanina pa. Wala pang ibang laman mula kaninang umaga kundi ang tinapay at mineral water lang na binili ni Mang Ruben kanina. Di na nakakapagtaka na mukha siyang patay gutom ngayon.

Nakapantalon siya at blouse lang, nakasapatos na umangat na nga dahil sa pagtakbo niya kanina. Hinubad niya kanina sa labas ng pinto. Bibili nalang siya ng tsinelas bukas bago siya umuwe ng San Roman.

"Salamat! Pero ako nalang ang magsusubo." Nahihiya niyang usal dito, paanong di siya mahihiya e sinuboan pa siya nito. Napakasungit man ng mukha nito ay napakasweet naman ng ginagawa nito. Kung sana ay dalaga pa siya na berhin maria pa, nakakakilig pag ganun. Pero alam naman niya na walang malisya para dito ang ginagawa nito ngayon.

"I insist, just eat." Sabi nito na di nagpatinag sa kanyang protesta.

"Salamat dito." Sabi niya sa kalagitnaan ng pagnguya. Malambot ang karne na masarap sa pakiramdam ang lambot at sarap.

"I don't want a thank you word." Sabi nito sa kanya. Matiim ang titig nito lalo na sa kanyang chest na di niya namalayan na halos lumabas na. Mabilis niyang naiayos ang kanyang damit.

"Ha? Wala akong pera na pambayad." Tila nabingi siya sa sinabi nito. Ang tanging pera niya lang ng mga sandaling iyon ay ang bigay ni Carlo kanina at ang singkwenta pesos na pamasahe niya sana pauwe.

"Alam ko, pero halik ang gusto ko at hindi pera, kayang kaya mo namang gawin yun. Anyway gagamutin natin ang mga sugat

Photos from VPN. unlimited all sites 's post 06/05/2023
Photos from VPN. unlimited all sites 's post 15/04/2023

Pm lang sa want nito ☺️☺️☺️

Want your business to be the top-listed Government Service in Davao City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Davao City
8000