27/05/2026
OVP, NAKIKIISA SA EID AL-ADHA PARA SA PAGKAKAISA AT MALASAKIT
Eid al-Adha Mubarak!
Nakikiisa ang Office of the Vice President (OVP) sa paggunita ng Eid al-Adha ngayong ika-27 ng Mayo 2026, isang mahalagang okasyon na sumasalamin sa pananampalataya, sakripisyo, at malasakit sa kapwa na ipinamalas ni Prophet Ibrahim bilang pagsunod sa kalooban ni Allah.
Nawa’y magsilbi itong paalala at inspirasyon sa lahat upang patuloy na isulong ang pagkakaisa, kapayapaan, at pagbabahagi para sa kapakanan ng bawat pamilyang Muslim at ng buong sambayanang Pilipino.
Mahalin natin ang Pilipinas!
27/05/2026
Nakikiisa ang Office of the Vice President (OVP) sa pagdiriwang ng Ease of Doing Business (EODB) Month ngayong buwan ng Mayo na pinangungunahan ng Anti-Red Tape Authority.
Ang pagdiriwang na ito ay layuning isulong at ipagtibay ang mas mabilis, tapat, at epektibong paghahatid ng serbisyo publiko para sa bawat Pilipino.
Kaisa ang OVP sa pagsusulong ng maayos, mabilis, at dekalidad na serbisyo publiko tungo sa mas produktibo at mas maunlad na Bagong Pilipinas.
22/05/2026
Patuloy na nagsisilbing inspirasyon ang mga mensahe ng pasasalamat mula sa mga kababayang nating nabigyan ng tulong at suporta ng Office of the Vice President (OVP). Ang bawat pagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat ay nagpapatunay na ang tunay na serbisyo publiko ay nakaugat sa malasakit, pag-unawa, at pagtugon sa pangangailangan ng bawat Pilipino.
Lubos nating ikinagagalak ang mensahe mula sa isang benepisyaryo sa Villanueva, Misamis Oriental, na nagpahayag ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa natanggap na tulong bilang isang Person with Disability (PWD). Ang kanyang karanasan ay patunay na ang bawat tulong na naipapaabot ay may malaking ambag sa pagpapabuti ng kalagayan at pagbibigay ng pag-asa sa ating mga kababayan.
Ang mga ganitong kuwento ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa Tanggapan upang lalo pang paigtingin ang mga programang nakatuon sa pagtulong sa mga sektor na higit na nangangailangan ng kalinga at suporta.