League of Filipino Students- UP Mindanao

League of Filipino Students- UP Mindanao

Share

UP Mindanao chapter of the leading anti-imperialist national democratic mass organization. Mag-aral, Maglingkod, Mangahas na Makibaka!

06/06/2026

KONDENAHIN ANG PLANONG PAGTATAYO NG US OIL DEPOT SA DAVAO CITY!

Matapos ang forum na Occupation and Resistance: A Forum on US Wars of Aggression, mariing tinututulan ng LFS UP Mindanao ang planong pagtatayo ng US oil depot sa Davao City.

Ang planong ito ay banta sa pambansang soberanya at lalong nagpapalalim sa militarisasyon ng ating mga komunidad. Sa halip na tunay na kapayapaan at seguridad, inilalagay nito ang Davao, mga kalapkip nitong rehisyon, at ang buong bansa sa mas malaking panganib na madamay sa mga digmaan at tunggaliang pinangungunahan ng mga dayuhang kapangyarihan.


Photos from League of Filipino Students- UP Mindanao's post 06/06/2026

NO TO US-ISRAEL WAR OF AGGRESSION!

Ngayong Hunyo 6, 2026, idinaos ang forum na “OCCUPATION AND RESISTANCE: A Forum on US Wars of Aggression” sa pangunguna ng BAYAN, Karapatan-SMR, at Sabokahan (Unity of Lumad Women).

Naging mahalagang espasyo ang forum para talakayin ang mga epekto ng digmaan, dayuhang militarisasyon, at mga kaugnay na polisiya sa pambansang soberanya, kapaligiran, kabuhayan, at karapatang pantao. Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng pagpapalakas ng pagkakaisa at kolektibong pagkilos ng iba't ibang sektor sa pagsusulong ng makatarungang kapayapaan at pagtatanggol sa karapatan ng mamamayan.

Nagsilbing resource speaker si Ms. Amirah Lidasan ng KATRIBU, kasama ang mga panel reactors na sina Dr. Rey Cuizon, Mags Maglana, XL Fuentes, at Fr. Alvin Sion.

Isa sa mga mahahalagang usaping tinalakay sa forum ang "Pax Silica", isang initiative na inilunsad noong Disyembre 2025 na naglalayong pag-ugnayin ang mga “trusted” global supply chains para sa artificial intelligence, semiconductors, at critical minerals sa hanay ng mga kaalyadong bansa

Sa harap ng tumitinding agresyon, militarisasyon, at panghihimasok ng mga imperyalistang bansa, mahalagang patuloy na magmulat, mag-organisa, at makiisa sa pakikibaka para sa tunay na kolektibong kapayapaan at katarungan.


27/05/2026

ALERT | PNP Cateel Municipal Police Station, padalos-dalos na binansagan ang mga lider-estudyante ng UP Mindanao at lider-aktibista ng Southern Mindanao Region bilang mga "ACTIVE WANTED PERSONS"

Sa halip na tulungan ang masang makaahon sa kahirapan sa gitna ng matinding krisis sa ekonomiya, mas malalang panggigipit at pasismo ang ibinubunton ng estado sa taumbayan. Nakasusuka at mariing kinokondena ng buong komunidad ang iresponsableng aksyon ng PNP Cateel Municipal Police Station sa pagdawit sa pangalan ng ilang mga estudyante at alumna ng UP Mindanao sa kanilang listahan ng “Active Wanted Persons.”
Walang sapat na basehan, mali-mali ang impormasyon, at halatang gawa-gawa ang mga paratang na ito upang takutin ang mga kabataan. Habang ang mga tunay na kurakot at mga maysalang sangkot sa malalang krisis ng bayan ay malayang nagpapasasa at hindi nakukulong, ang mga kritikal at makabayang kabataan ay pilit na ipinapakulong at ginigipit ng mga awtoridad sa pamamagitan ng mga kasinungalingang nakabihis bilang pagpapatupad ng batas.

Sinasalamin ng pambansang badyet ang baluktot na prayoridad ng kasalukuyang administrasyon kung saan mas pinahahalagahan ang pananakot kaysa sa kapakanan ng mamamayan. Sa kasalukuyan, ang Philippine National Police (PNP) ay patuloy na binubusog sa dambuhalang pondo na umaabot sa mahigit ₱200 bilyon, bukod pa sa daan-daang milyong Confidential and Intelligence Funds (CIF) na walang sapat na transparency sa paggasta. Sa kabilang banda, ang mga pampublikong pamantasan tulad ng University of the Philippines (UP) at iba pang State Universities and Colleges (SUCs) ay paulit-ulit na hinaharap ang banta ng bilyon-bilyong pisong budget cuts sa kanilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at Capital Outlays. Ang pondong dapat sana ay napupunta sa mga libro, modernong silid-aralan, abot-kayang pagkain, libreng gamot, at sapat na ayuda para sa nagugutom na masa ay hayagang inilalaan sa paniniktik, militarisasyon, at walang basehang panggigipit.

Nakauurat at nakahihiya ang patuloy na paniniktik ng pasistang estado sa mga estudyanteng walang ibang kasalanan kundi ang makibaka para sa karapatan ng masang patuloy na nabubulok sa ilalim ng kanilang bulok na sistema. Higit na nakahihiyang magpakalat ng nakalilinlang na mga kasinungalingan ang mismong institusyong nagpapakilala bilang tagapatupad ng batas ng bayan.

Kung tunay kayong naninilbihan sa taumbayan, magtino kayo sa inyong trabaho at huwag ninyong ituon ang inyong mga armas at makinarya sa masang nanggagalaiti na sa gutom at kahirapan. Magtino kayo at tantanan ninyo kami, at unahin ninyong huliin at ikulong ang mga napatunayang nagnakaw sa kaban ng bayan at ang mga tunay na lumalabag sa karapatang pantao ng kapwa Pilipino!





Photos from League of Filipino Students- UP Mindanao's post 19/05/2026

Isang buwan man ang nakalipas, mula nang yurakan ng pasistang estado ang dakilang ngalan ng magigiting nating kasama sa pakikibaka, hindi natin kailan kalilimutan ang buhay na kanilang inialay para sa bayan.

Dahil kung may magtatanong man kung bakit nasa kanayunan ang kabataan, ang sagot ay dahil wala lamang sa pamantasan ang datos, ang buhay, at ang tunay na kalagayan ng masang aping nais nating ipagtanggol.

Mabuhay si RJ Ladesma!
Mabuhay si Alyssa Alano!
Mabuhay ang anti-imperyalistang kabataang lumalaban!
Mabuhay ang Toboso 19!


15/05/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG LFS-UP MINDANAO AT YOUTH DEFEND DAVAO

Ibinubunyag natin ang bulok na sabwatan sa loob ng Senado kung saan ginagawa nina Robin Padilla at Bato dela Rosa na kuta ng mga pugante ang institusyong dapat ay tagapagtanggol ng batas. Sa gitna ng pag-iwas ni Dela Rosa sa katarungan ng ICC at ang banta ng pag-aresto sa kanya, hindi katapatan kundi obstruction of justice ang ginagawa ni Padilla sa pagtatanggol at pagkanlong sa isang akusadong kriminal. Ang kulturang ito ng pagtatakpan ay sumasalamin sa desperasyon ng kampo ni Sara Duterte na gawing personal na kaharian ang pamahalaan, habang ginagamit ang posisyon upang takasan ang pananagutan sa bayan at sa mga biktima ng kanilang madugong polisiya.
Mariin nating tinututulan ang ganitong pambabastos sa tiwala ng mamamayan at nananawagan ng kagyat na aksyon.

SARA LITISIN, BATO ARESTUHIN!

Hindi dapat ituring na "sanctuary" ang Senado para sa mga duwag na ayaw harapin ang kanilang mga kasalanan sa sangkatauhan. Panahon na upang kaladkarin si Bato sa harap ng hustisya at ituloy ang paglilitis kay Sara Duterte para sa bilyon-bilyong confidential funds na winaldas habang naghihirap ang mga Pilipino. Singilin ang lahat ng naging kasabwat sa pag-abuso sa kapangyarihan—dahil sa ilalim ng tunay na demokrasya, ang batas ay dapat tumatama kahit sa mga nasa itaas.



Photos from League of Filipino Students- UP Mindanao's post 14/05/2026

Sa kabila ng mala-teleseryeng nangyayari ngayon sa estado malinaw ang tindig ng mga iskolar ng bayan!

Nakiisa ang LFS- UP Mindanao sa isinagawang mobilisasyon ngayong taghali na dinaluhan ng iba’t-ibang pang masang organisasyon upang i-rehistro ang nagkakaisang panawagan na Sara Litisin at Bato Arestuhin.

Hinding-hindi natin hahayaang makatakas ang mga may sala, ang mga kurakot at ang mga mandarambong!

CONVICT SARA NOW!
ARREST BATO!



13/05/2026

ISKOLAR NG BAYAN, SUMAMA SA PAGKILOS!

Sa gitna ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa ating pamahalaan ngayon, panahon na upang tipunin natin ang ating lakas at iparinig ang ating mga panawagan para sa katarungang matagal na dapat nating tinatamasa.

Malinaw na dapat nang litisin si Sara Duterte para sa kaniyang pangungurakot sa taumbayan. Lalong dapat na ring arestuhin si Bato de la Rosa dahil sa kaniyang walang-habas na pagpatay at pambeberdugo sa masang Pilipinong dapat na kaniyang tinutulungang makaahon sa kahirapan.

Magkita-kita tayo sa Atrium Steps ng UP Mindanao, 11:30 AM ng tanghali, bukas, Mayo 14, 2026, upang ipatambol ang hinaing ng masang api hinggil sa lagay ng pulitka natin ngayon. Hindi maitatago ng kabulastugang nangyayari sa kongreso ang paghihirap ng mga Pilipino ngayon. Ang danas na ito ang siyang panggagalingan ng ating lakas para sa patuloy na pakikibaka para sa kalayaan at katarungan ng bawat Pilipino mula sa kanilang pagdurusa.

BATO, ARESTUHIN! SARA LITISIN! BULOK NA SISTEMA, BAGUHIN!


09/05/2026

𝙇𝙁𝙎-𝙐𝙋 𝙈𝙞𝙣 𝙨𝙩𝙖𝙣𝙙𝙨 𝙛𝙞𝙧𝙢: 𝙒𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙡𝙞𝙠𝙖𝙩𝙖𝙣, 𝙞𝙗𝙖𝙨𝙪𝙧𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙑𝙁𝘼, 𝙖𝙩 𝙡𝙖𝙣𝙨𝙖𝙜𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙢𝙥𝙚𝙧𝙮𝙖𝙡𝙞𝙨𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙐𝙎! ✊

Kasabay ng katatapos lamang na Balikatan Exercises 2026, mariin natin itong kinokondena bilang isang malinaw na porma ng paglapastangan sa pambansang soberanya at patuloy na pagpapakatuta ng rehimeng Marcos Jr. sa imperyalismong U.S. At sa halip na tugunan ang lumalalang krisis na kinahaharap ng mamamayan, patuloy nitong hinahayaan ang bansa na magsilbing lunsaran ng dayuhang agresyong militar at panghihimasok.

Patuloy tayong maninindigan para sa tunay na kalayaan, pambansang soberanya, at karapatan ng mamamayan laban sa imperyalistang kontrol at militarisasyon.



07/05/2026

𝙇𝙁𝙎 𝙐𝙋-𝙈𝙞𝙣𝙙𝙖𝙣𝙖𝙤 𝙘𝙤𝙣𝙙𝙚𝙢𝙣𝙨 𝙩𝙝𝙚 𝙡𝙖𝙪𝙣𝙘𝙝 𝙤𝙛 𝙖 𝙐𝙎 𝙏𝙤𝙢𝙖𝙝𝙖𝙬𝙠 𝙢𝙞𝙨𝙨𝙞𝙡𝙚 𝙙𝙪𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙝𝙚 𝘽𝙖𝙡𝙞𝙠𝙖𝙩𝙖𝙣 𝙀𝙭𝙚𝙧𝙘𝙞𝙨𝙚𝙨, 𝙬𝙝𝙞𝙘𝙝 𝙬𝙖𝙨 𝙛𝙞𝙧𝙚𝙙 𝙛𝙧𝙤𝙢 𝙏𝙖𝙘𝙡𝙤𝙗𝙖𝙣 𝘾𝙞𝙩𝙮 𝙖𝙣𝙙 𝙨𝙩𝙧𝙪𝙘𝙠 𝙖 𝙩𝙖𝙧𝙜𝙚𝙩 𝙖𝙧𝙚𝙖 𝙞𝙣 𝙇𝙖𝙪𝙧

Noong Mayo 5, 2026, iniulat ng AFP ang nakababahalang paggamit at pagpapaputok sa loob ng bansa ng Typhon Mid-Range Capability (MRC) missile system ng U.S. Army sa gitna ng Balikatan Exercises 2026. Isang Tomahawk missile ang pinakawalan mula sa Tacloban Airport sa Leyte at tumama sa itinakdang target na nasa humigit-kumulang 630 kilometro ang layo, sa Fort Magsaysay sa Laur, Nueva Ecija. Binanggit ni Balikatan spokesperson Colonel Dennis Hernandez na ang isinagawang missile launch ay bahagi ng pinagsanib na aktibidad ng Salaknib at Balikatan exercises. Gayunpaman, malinaw na nakapaloob ito sa mas malawak na estratehiya ng Joint Pacific Multinational Readiness Center (JPMRC) Exportable, na lalo pang nagpapakita ng agresibong paglalatag ng militarisasyon sa rehiyon.

Isa sa pinakaapektado ng pagpapatuloy na Balikatan ang mga mangingisda sa Zambales na araw-araw ay nawawalan ng kabuhayan dahil sa patuloy na fishing bans tuwing may mga ganitong operasyon. Higit pa rito, ang kaligtasan ng mga sibilyan ay naisasantabi. Ang paglalagay ng mga missile test sa loob ng mga lupaing malapit o mismong ginagamit sa pamumuhay ng mga Pilipino ay isang malinaw na panganib at banta sa seguridad ng mga mamamayan.

Bukod pa rito, hindi rin maikakaila ang epekto ng missile launching sa lagay ng kalikasan. Hindi lang nito sinisira ang mga lupang maaaring pinupugaran ng mga buhay-ilang; nagdadala rin ito ng mga kemikal na nagkokontamina sa lupa. Patunay ito na ang patuloy na militarisasyon at pagpapagilas ng pasismo ay isang nakaaapekto sa ekonomiya, kalikasan, at kasarinlan ng bansa.

Mariing tinututulan ng LFS-UP Mindanao ang pagsasagawa ng mga aktibidad na ito. Ang pagpapakawala ng mga missile ay nagpapahayag ng hayagang pagsunod sa imperyalistang interes ng mga bansang nais lamang manghimasok sa Pilipinas, lalong lalo na ng US na sunod-sunod ang agresyon sa iba pang mga bansa.

Imbes na winawaldas ang kaban ng bayan sa militarisasyon tulad ng Balikatan, dapat na itinutuon ng estado ang pansin nito sa mga tunay at dinaranas na suliranin ng masa. Sa halip na napupunta sa pulbura at abo ang pera ng bayan, dapat na binubuhos ito sa mga batayang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at agrikultura. Hindi baril, bomba, at missile ang kinakailangan ng mga Pilipino.

Sa pagpapatuloy ng Balikatan, dapat na magkaisa ang mga Pilipino upang manindigan at lumaban sa patuloy na panghihimasok ng mga imperyalista at pasista sa bansa. Kung tunay na nagmamalasakit ang estado sa masa, dapat na makita ito sa pagpapaunlad ng buhay ng bawat Pilipino at hindi sa militarisasyong nagpapalala lamang sa pagkakaipit ng ating bansa sa isang giyerang hindi dapat tayo nadadawit.

PROTEKTAHAN ANG KASARINLAN NG PILIPINAS! STOP BALIKATAN NOW! STOP THE US WAR-MACHINE!


29/04/2026

ANTI-IMPERYALISTA, SALMOT SA MAYO UNO!

Kusog ug dili malibod ang gunit sa imperyalismo sa atong mga mamumuo karon. Dugang sa ilang kalisod ang mga represibo ug dili makabuhi nga polisiya ug kondisyon nga hantod karon, pas-an gihapon nila.

Sa kasamtangan, dulot sa matag Pilipino ang kamahal sa mga palaliton tungod sa oil price hikes. Kini tungod sa walay-hunong nga agresyon sa Imperyalistang US sa Iran nga nagahatag ug supply sa lana diri sa Pilipinas. Ug samtang nagapadayon ang pagtaas sa mga presyo, wala'y ginabuhat ang estado para kini maalibyuhan. Tungod niini, mas nahimong lisod ang panginabuhi sa mga mamumuo, labaw na ang atong mga tsuper sa jeepney nga adlaw adlaw nagapatubil ug krudo.

Mga iskolar ng bayan, dapat nga makighiusa kita sa pakigbisog sa mga mamumuo. Nagatuo ang LFS-UP Mindanao sa pagbag-o nga dapat makab-ot sa atong nasod pamaagi sa kalingkawasan sa mga mamumuo. Kinahanglan nga atong mahuptan ang ilang mga kalisod, ang ilang nga kondisyon, ug ang mga dangan nga padayon nagapalugmok sa ilang pagpanginabuhi.

Busa, mga iskolar ng bayan ug mga kabataan, isip mga naa'y dalang kusog ug kasikhay, musalmot kita sa pagahimuong mobilisasyon karong Mayo Uno. Ato kining ihatag nga adlaw isip pakighiusa sa ilang nagapadayon ug nagakakusog pagpakigbisog alang sa ilang mga katungod.

Magkita-kita ta karong Abril 30, 2:30 PM sa Atrium Steps para sa mobilisasyon sa UP Mindanao. Labaw sa tanan, mag-uban kita karong Mayo Uno, 1 PM para sa Regional Mobilization sa Roxas Avenue. Magsuot ug p**a o puti nga sinina isip pakighiusa sa atong mga mamumuo.

MAKIGBISOG, DI MAHADLOK!




Want your business to be the top-listed Government Service in Davao City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


UP Mindanao
Davao City
8000