08/10/2026
πππ, πππππππππ ππ πππ πππ πππππ'π ππππππ ππ ππππππ πππππ ππππππ ππ ππππππππππ ππ πππππ ππππππππππ ππ πππππππ; ππππππππ ππππππππππ, ππππππππ ππππππππ
Isang aksidente sa kalsada ang agad isinailalim sa imbestigasyon ng Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos makarating sa ahensya ang video kung saan naiulat na nakabangga ng ilang motorsiklo sa J.P. Rizal Extension at Kalayaan Avenue ang isang pickup truck driver na umano'y nasa impluwensiya ng alak.
Matapos ang isinagawang imbestigasyon ng ahensya, natukoy ang rehistradong may-ari ng pickup truck na siya ring nagmamaneho nito nang mangyari ang insidente. Agad siyang pinadalhan ng ahensya ng Show Cause Order (SCO) upang magbigay ng paliwanag kaugnay ng insidenteng kinasangkutan niya.
Batay sa salaysay ng mga rider na nakuhanan sa video, ilang motorsiklo ang tinamaan ng pickup truck habang nakahinto sa traffic light sa bahagi ng J.P. Rizal Extension at Kalayaan Avenue. Sa halip na huminto, nagpatuloy sa pagmamaneho ang driver hanggang sa sundan siya ng mga rider mula Guadalupe patungong C-5 Road.
Sa pagpapatuloy ng insidente, makikitang pilit na pinatitigil ng mga rider ang pickup truck. Isa sa mga rider ang gumamit ng helmet upang hampasin ang sasakyan habang patuloy itong umaandar. Kalaunan, bigla itong lumiko pakanan nang walang ibinigay na wastong signal bago tuluyang huminto sa gilid ng kalsada.
Nang bumaba ang driver, sinabi nitong binaril ng mga rider ang gulong ng kanyang sasakyan na naging sanhi ng pag-flat nito. Makikita rin sa video na ilang ulit niyang inilantad ang pribadong bahagi ng kanyang katawan at kalaunan ay umihi sa harap ng sasakyan. Nang dumating ang isang traffic enforcer, humingi siya ng paumanhin at umamin na nakatulog habang nagmamaneho.
Sa beripikasyon ng LTO, natuklasan na huling nairehistro ang pickup truck noong Hulyo 28, 2020 at wala nang naitalang renewal ng rehistro sa database ng ahensya.
Dahil sa mga paglabag na natukoy ng ahensya, inaatasan ang driver na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office para sa pagdinig sa Oktubre 13, 2026. Kinakailangan din niyang magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag kung bakit hindi siya dapat managot sa mga paglabag na nakasaad sa SCO, kabilang ang Reckless Driving, Signals on Starting, Stopping or Turning dahil sa hindi pagbibigay ng wastong signal sa pagliko, Compulsory Registration of Motor Vehicles, dahil sa pagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan, at Driving While Under the Influence of Alcohol or Narcotic Drug.
Kailangan din niyang ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring maging batayan sa pagsususpinde o pagbawi ng kanyang driverβs license.
Bilang bahagi ng agarang aksyon ng LTO, iniutos ang pagsuko ng driverβs license ng driver at isasailalim sa 90-araw na preventive suspension. Inilagay na rin sa alarma ang pickup truck habang nagpapatuloy ang kaukulang proseso.
βAng kalsada ay para sa lahat, kaya walang sinuman ang may karapatang gawing peligroso ito para sa iba. Ang pagmamaneho nang lasing, pagiging iresponsable at bastos ay hindi katanggap-tanggap sa kalsada. Sisiguraduhin namin na may pananagutan ang driver sa mga paglabag niya," saad ni Asec. Lacanilao.
Muling ipinapaalala ng LTO sa lahat ng motorista na maging responsable sa pagmamaneho, pairalin ang disiplina, at tiyaking nasa maayos na kondisyon bago bumiyahe. Iwasang magmaneho kapag nasa impluwensiya ng alak o anumang maaaring makaapekto sa kakayahang magmaneho nang ligtas. Nagpapasalamat ang LTO sa publiko sa patuloy na pag-uulat at pagdodokumento ng mga paglabag, na nakatutulong sa ahensya upang agad na maaksyunan ang mga insidenteng maaaring maglagay sa panganib sa kapwa motorista.
https://www.facebook.com/share/p/1GaURMQUTg/