28/05/2026
Nakibahagi ang Terminal Management Office of Babak sa isinagawang Coastal Clean-up Activity nitong ika-21 ng Mayo 2026 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Month of Ocean (MOO) alinsunod sa Presidential Proclamation No. 57 s. 1991. Tampok sa aktibidad ang temang “Sustaining Ocean Health, Sailing Resilient Nation” at tagline na “Sa Karagatang Masigla, Kaya Natin” na pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng lokal na pamahalaan ng Isla ng Samal.
Isinagawa ang coastal clean-up mula Baywalk, Brgy. Villarica hanggang Fish Landing Area at Babak Public Market sa Brgy. Miranda, kung saan aktibong nakiisa ang iba’t ibang ahensya kabilang ang Philippine Coast Guard, Philippine Army, at iba pang sangay ng pamahalaan ng LGU Samal.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang sama-samang pagkilos ng mga ahensya at komunidad para sa pangangalaga, kalinisan, at pagpapanatili ng kasiglahan ng ating karagatan at kapaligiran.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:
11/05/2026
Matagumpay na ginanap ang tatlong araw na pagdiriwang para sa ika-73 Araw ng Barangay Tagpopongan sa Daungan ng Tagpopongan mula ika-6 hanggang ika-8 ng Mayo 2026. Tampok sa selebrasyon ang pagbubukas ng Summer Saya 2026 sa Isla ng Samal na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Samal sa pamamagitan ng Opisina ng Turismo, gayundin ang taunang Bancarera na pinangunahan ng Punong Barangay ng Tagpopongan. Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Island Garden City of Samal at Pamahalaang Panlalawigan ng Davao del Norte.
Dinagsa ng mga residente at mga bisita ang Daungan ng Tagpopongan upang saksihan ang iba’t ibang paligsahan at aktibidad sa loob ng tatlong araw na selebrasyon. Upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga dumalo, nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Task Group Samal, Philippine Coast Guard, Samal PNP, at PPA Port Police na nakatalaga sa buong daungan sa kabuuan ng pagdiriwang.
Sa pagtatapos ng selebrasyon, isinagawa ang pamamahagi ng mga plake at premyo sa mga nagwagi sa pangunguna ng mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao del Norte. Naging matagumpay ang pagdaraos ng nasabing aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng Philippine Ports Authority (PPA) bilang katuwang sa pagsusulong ng turismo at pagpapanatili ng ligtas at maayos na operasyon sa mga daungan.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:
28/04/2026
Bilang bahagi ng paggunita sa Earth Day 2026, nagsagawa ang mga kawani ng Port Management Office (PMO) Davao ng isang makabuluhang panonood ng dokumentaryong hinggil sa kalikasan nitong ika-22 ng Abril 2026 sa PMO Gender and Development (GAD) Center.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kamalayan ng mga empleyado hinggil sa lumalalang suliranin ng plastik na basura sa bansa at ang epekto nito sa kalusugan at kalikasan, partikular sa karagatan at mga komunidad.
Sa naturang panonood, nasaksihan ng mga kalahok ang malalim na pagsusuri sa pagdami ng single-use plastics at ang kakulangan sa epektibong pamamahala ng basura sa Pilipinas. Ipinakita rin sa dokumentaryo ang iba’t ibang kuwento ng mga komunidad na direktang naaapektuhan ng polusyon sa plastik, pati na rin ang mga inisyatibo ng ilang sektor upang mabawasan ang paggamit nito. Naging daan ito upang mas mapagtanto ng mga kawani ang kanilang mahalagang papel sa pangangalaga sa kapaligiran, lalo na sa operasyon ng pantalan.
Sa pamamagitan nito mas lalo pang pinagtibay ng mga nakinuod ang kanilang suporta sa mga programang pangkalikasan tulad ng waste segregation, pagbabawas ng paggamit ng plastik, at pagsusulong ng environmental sustainability sa loob ng kanilang tanggapan. Ang aktibidad ay nagsilbing paalala na ang simpleng hakbang ng bawat isa ay may malaking ambag sa kolektibong pagkilos para sa mas malinis at ligtas na kapaligiran.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:
28/04/2026
Aktibong nakilahok ang Philippine Ports Authority – Port Management Office of Davao sa pagdiriwang ng Earth Day na isinisagawa tuwing ika-22 ng Abril ng bawat taon sa pamamagitan ng pagkuha ng mga libreng punla mula Abril 21-22, 2026 sa SM City Davao.
Sa isang makakalikasang programa na pinangunahan ng grupong Lunaw Dabaw naging tampok ang libreng pamamahagi ng mga punla ng katutubong puno para sa mga mamamayan ng Davao City. Isinagawa ang “Lunaw Exhibit” kung saan namahagi ng mga libreng seedling bilang bahagi ng kampanya para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapalaganap ng urban greening. Layunin ng aktibidad na hikayatin ang publiko na magtanim ng puno at maging bahagi ng solusyon sa suliraning pangkapaligiran.
Nakiisa ang PPA PMO Davao sa nasabing gawain bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya sa environmental sustainability at corporate social responsibility. Ito rin ay pagpapakita ng kanilang partisipasyon at suporta sa mga inisyatiba ng komunidad na naglalayong mapangalagaan ang kalikasan, lalo na sa sektor ng transportasyon at pantalan kung saan mahalaga ang balanseng ugnayan ng kaunlaran at pangangalaga sa kapaligiran. Itatanin ang mga nakuhang punla ng narra, bragas, at molave sa kani-kanilang mga bakanteng lupa o sa kapaligiran ng kanilang tahanan.
Sa kabuuan, ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad upang maisulong ang mas luntiang kinabukasan para sa susunod na henerasyon. Ang ganitong mga aktibidad ay patunay na ang simpleng pagtatanim ng puno ay may malaking ambag sa pangmatagalang pangangalaga ng ating kapaligiran.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok: