06/02/2025
Narinig mo na ba ang R.A. 11642 o ang "Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act"? Ito ay isang batas na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Enero 6, 2022, na nagpapadali, nagpapamura, at nagpapabilis ng proseso ng pag-aampon sa Pilipinas.
Ano ang Layunin ng R.A. 11642?
✔ Mas Mabilis – Hindi na kailangang dumaan sa mahabang judicial process; maaari nang gawin ang adoption administratively sa pamamagitan ng National Authority for Child Care (NACC).
✔ Mas Mura – Hindi na kailangang gumastos ng malaki para sa court proceedings dahil ito ay magiging libreng serbisyo ng gobyerno.
✔ Mas Simple – Mas streamlined ang proseso, kaya’t mas madali para sa mga adoptive parents na gawing legal ang kanilang pagiging magulang sa mga batang kanilang inaalagaan.
Ano ang Alternative Child Care?
Bukod sa adoption, isinusulong din ng batas ang iba pang alternatibong pag-aalaga sa mga batang walang permanenteng pamilya, tulad ng:
🔹 Foster Care – Pansamantalang pag-aalaga ng isang bata habang naghahanap ng permanenteng pamilya.
🔹 Kinship Care – Ang pag-aalaga ng isang kamag-anak sa isang bata upang mapanatili ang kanyang ugnayan sa pamilya.
🔹 Family-like Care – Mga programa upang tiyakin na ang isang bata ay lumalaki sa isang ligtas at maalagang kapaligiran.
Sa pamamagitan ng batas na ito, mas maraming bata ang mabibigyan ng tahanan, pagmamahal, at legal na pagkakakilanlan bilang tunay na bahagi ng isang pamilya.
Adoption ngayon: Mas Madali, Mas Mura, at Mas Mabilis!
Kung nais mong mag-ampon o maging foster parent, makipag-ugnayan sa National Authority for Child Care (NACC) para sa gabay at tulong.

05/02/2025