NEW YEAR’S DAY
December 31, 2025
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Isang masigla at mainit na pagbati ng Bagong Taon ang ipinapaabot ko sa bawat Pilipino sa buong mundo!
Sa pagsalubong natin sa 2026, iwaksi na natin ang anumang pag-aalinlangan at takot.
Ngayon ang simula ng isang panibagong kabanata, isang malinis na pahina na punung-puno ng pag-asa.
Hayaan nating mag-alab muli ang ating tapang at determinasyon.
Anuman ang hamon na ating haharapin, taglay natin ang pambihirang lakas upang malampasan ang lahat ng balakid. Sa bawat pagsubok, lalabas tayong mas matatag.
Itinuring natin ang bagong taon na paanyaya upang magkaisa at magsimula nang may panibagong pananaw. Ang ating pinagsamang lakas at pananampalataya ang susi ng tunay na pagbabago.
Sama-sama tayong magsikap at magdasal na ang 2026 ay maging taon ng pag-asa at pagpapala.
Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat! Nawa’y maging mas maliwanag at maunlad ang ating panibagong simula.
Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.
Inday Sara Duterte
Vice President of the Philippines
Inday Sara People’s Movement - ISPM Davao del Sur
Inday Sara People’s Movement 2028
PAHAYAG
November 17, 2025
Mga kababayan,
Nauunawaan ko ang galit at pagkadismaya ninyo. Nauunawaan ko ang galit ng taong bayan sapagkat sa nakalipas na ilang buwan, bago pa man sumabog ang issue sa flood control, madalas na akong nakikipag-usap at nakikinig sa mga hinaing ng ating mga kababayang Overseas Filipinos ukol sa transparency, accountability, peace, at security.
Nauunawaan ko ang galit ng taong bayan dahil nasaksihan ko mismo kung paano minanipula ng House of Representatives ang budget ng Department of Education. Sa halip na sundin ang listahan ng DepEd upang matugunan ang malalang kakulangan sa classrooms, mistulang ginawang pork barrel ang pondong nakalaan para sa kabataang Pilipino at pinaghati-hatian ng mga kongresistang malapit sa mga makapangyarihan.
Pinili kong huwag sumali sa panggagago sa taong bayan. Sa aking pagbitiw bilang kalihim ng DepEd, ininda ko ang kaliwat-kanan na atake, kasama na ang impeachment, para lamang mapagtakpan nila ang katiwalian sa 2025 budget.
The President now faces a profound crisis of confidence, especially in the way these corruption investigations are being handled, which appear to lack both direction and resolve. We also seek clear answers on how a budget that deprived Filipinos of billions and billions of pesos was approved under his watch.
Kaisa ako ng milyong-milyong Pilipinong nadismaya at nandidiri sa pamahalaang lulong sa insekuridad at walang kabusugang kasakiman. Ang karapatan nating magsalita at magpahayag ang sandigan ng demokrasya. Dapat itong pakinggan ng pamahalaan. Hindi para isantabi at balewalain lamang. We Filipinos deserve better.
Shukran.
Inday Sara Duterte
Vice President of the Philippines
MENSAHE PARA SA UNDAS
November 1, 2025
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Sa ating paggunita ng Undas, nawa’y isapuso natin ang tunay na diwa ng pananampalataya, pagpapahalaga sa mga santo at maalab na pag-alala sa ating mga yumaong mahal sa buhay.
Patuloy nating ipanalangin ang kapayapaan at katahimikan ng kanilang mga kaluluwa. Sana’y maging inspirasyon ang kanilang alaala sa bawat hakbang natin sa buhay.
Ngayong Undas, nawa’y manaig ang pagkakaisa at pag-asa sa bawat pamilyang Pilipino. Harapin natin ang bawat araw ng may pananampalataya, pag-asa at pagmamahal.
Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.
Inday Sara Duterte
Vice President of the Philippines
Happy Halloween Everyone!👻🤡🎃🤖👾🧛♀️🧙♀️🧟♂️
VP Inday Sara Duterte joined the kids in celebrating Halloween at the OVP Central Office. Her generosity and warmth truly shone through making the celebration fun, memorable, and filled with laughter. Such a cool and caring VP!
15/10/2025
"Kung ako ang presidente hindi sya ang i-appoint kung ombudsman" - VP Inday Sara Duterte 👊💚🦅
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Davao Del Sur
Davao City
8000
