30/09/2026
🇵🇭 SERBISYONG MULA SA PUSO, SAGAD SA BUTO.
Sa ating Monday Flag Ceremony sa Capitol Gymnasium, nagkaroon ako ng pagkakataong ibahagi ang aking mensahe at paninindigan sa pagsisimula ng isang bagong kabanata ng paglilingkod sa Lalawigan ng Quirino.
Kasunod ng pagpanaw ng ating minamahal na Governor Dax Cua, tinatanggap ko nang buong pagpapakumbaba ang responsibilidad na ipinagkatiwala sa akin. Bitbit ko ang kanyang mga mabubuting nasimulan, ang tiwala ng ating mga kababayan, at ang tungkuling patuloy na maglingkod para sa bawat kailyan ng Quirino.
Sa aking mensaheng
“LOOK BACK. LOOK AROUND.
LOOK FORWARD. LOOK UP,”
binigyang-diin ko ang kahalagahan ng pag-alala sa mga mabubuting nasimulan, pagtingin sa tunay na kalagayan ng ating mga kababayan, pagharap sa mga hamon ng kasalukuyan, at pagtingin sa Diyos bilang gabay sa ating paglilingkod.
Ang “Serbisyong Mula sa Puso, Sagad sa Buto” ay aking paninindigan na ang paglilingkod ay dapat may malasakit, integridad, tapang, at pananagutan.
Sa pagpasok ng bagong kabanata para sa Quirino, sama-sama nating dadalhin ang mga aral ng nakaraan, haharapin ang mga pangangailangan ng kasalukuyan, at magtutulungan para sa mas magandang kinabukasan.
Para sa kailyan. Para sa Quirino. Para sa patuloy na paglilingkod.🧡