29/05/2026
SUPORTA SA BUKID AT DAGAT, PINALALAKAS LABAN SA EL NIÑO
Kumikilos na ang DA upang higit pang palakasin ang paghahanda para sa paparating na El Niño at upang masiguro na may agarang suporta para sa mga magsasaka, mangingisda, at livestock raisers sa buong bansa.
28/05/2026
Sa kanyang talumpati sa Joint Session of the National Diet sa Japan, binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang patuloy na paglalalim ng kooperasyon at comprehensive strategic partnership ng Pilipinas at Japan sa maritime security, defense, katatagan ng ekonomiya, mga bagong teknolohiya, at pagsusulong ng kaayusan sa rehiyon, na nakauugat sa mabuting hangarin, kapayapaan, at tiwala sa isa’t isa.
28/05/2026
Bilang bahagi ng State Visit ni Pangulong Bongbong Marcos sa Japan, nakipagpulong tayo kay Japan International Cooperation Agency (JICA) President Dr. Tanaka Akihiko sa Tokyo upang higit pang palalimin ang kooperasyon at matatag na partnership ng Pilipinas at Japan, lalo na sa pagsusulong ng modernisasyon ng imprastraktura, healthcare, climate resilience, at iba pang mga programa.
26/05/2026
Mahigit 5,200 magsasakang nagtatanim ng mais sa City of Ilagan na may sakahang dalawang ektarya pababa ang tatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan ngayong araw sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolks.