06/10/2026
THE WAIT IS OVER!
Something WILD. Something REFRESHING. Something BULAWAN. 💦🌿
BULAWAN FALLS is finally opening its gates once again!
🌿 BULAWAN FALLS: CONTROLLED SOFT OPENING
Para sa kabatiran ng lahat, ang Lokal na Pamahalaan ng Dinalungan ay magsasagawa ng Controlled Soft Opening / Limited Site Activity ng Bulawan Falls sa October 8, 2026, alas-10:00 ng umaga.
Ang aktibidad na ito ay isinasagawa kaugnay ng clarification letter mula sa DENR Regional Office hinggil sa kalagayan at mga kinakailangang kondisyon para sa posibleng muling pagsasagawa ng mga aktibidad sa Bulawan Falls.
⚠️ Mahalagang Paalala:
Ang aktibidad na ito ay hindi nangangahulugang unconditional reopening ng Bulawan Falls, at hindi rin ito pahintulot para sa unrestricted tourism operations.
Ang anumang aktibidad o pagpasok ng mga bisita ay mananatiling kontrolado at alinsunod sa mga environmental safeguards, mitigation measures, safety requirements, permits, clearances, at iba pang kundisyon na maaaring ipatupad o itakda ng DENR at iba pang kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Layunin ng Lokal na Pamahalaan ng Dinalungan na matiyak ang kaligtasan ng publiko, pangangalaga sa kalikasan, at responsable at napapanatiling pamamahala ng Bulawan Falls.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
Bagong Dinalungan, Angat ang Mamamayan!