21/09/2026
📢 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐊𝐎𝐍𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐃𝐈𝐍𝐀𝐋𝐔𝐏𝐈𝐇𝐀𝐍 𝐑𝐔𝐑𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐔𝐍𝐈𝐓 𝐕
𝑃𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑟𝑒𝑠𝑖𝑑𝑒𝑛𝑡𝑒 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑠𝑢𝑚𝑢𝑠𝑢𝑛𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔𝑎𝑦:
📍 Luacan
📍 Saguing
📍 J.C. Payumo
📍 Maligaya
📍 San Benito
📍 Magsaysay
Kung kayo ay pupunta sa Dinalupihan Rural Health Unit V, J.C. Payumo Jr., Dinalupihan, Bataan para sa mga sumusunod na serbisyo:
🩺 Konsultasyon / Check-up
💉 Vaccination
👨👩👧 Family Planning Services
🧪 Laboratory Services
💊 Pagkuha ng Gamot
📄 Medical Certificate
🩺 Iba pang serbisyong pangkalusugan
📌 𝐌𝐆𝐀 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐃𝐀𝐋𝐇𝐈𝐍
Mangyaring magdala ng ng alinman sa sumusunod:
• 𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝 𝐈𝐃
• 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞
Ang mga dokumentong ito ay maaaring kailanganin para sa:
✅ PhilHealth YAKAP Registration / Renewal
✅ Empanelment / Mutual Care Agreement
✅ Pag-avail ng libreng konsultasyon, gamot at laboratory services
🪪 𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐈𝐍𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐀 𝐈𝐃
Maaaring magdala ng alinman sa mga sumusunod:
• Philsys / National ID
• PhilHealth ID
• UMID
• Driver’s License
• Passport
• Postal ID
• Voter’s ID
👦 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐄𝐃𝐀𝐃 𝟐𝟎 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀
Mangyaring magdala ng:
📌 Photocopy ng Birth Certificate o Valid ID ng pasyente
📌 Photocopy ng Valid ID ng magulang o legal guardian
💛 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐘𝐀𝐊𝐀𝐏:
𝐌𝐀𝐆-𝐏𝐂𝐔 𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐏𝐔𝐌𝐔𝐍𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐑𝐇𝐔!
📱 PARAAN NG PAG-CHECK:
1️⃣ I-SCAN ANG QR CODE na makikita sa poster para direktang pumunta sa PCU website.
O
2️⃣ Buksan ang Google Chrome sa inyong cellphone at pumunta sa:
https://pcu.philhealth.gov.ph/consent
3️⃣ Sundin ang mga instructions sa website.
4️⃣ I-save o i-screenshot ang inyong Transaction Number.
5️⃣ Dalhin ito sa RHU bilang bahagi ng proseso.
📝 Sa pagpunta sa RHU, kakailanganin ding pumirma sa Mutual Care Agreement / Empanelment Form at ilagay ang inyong Transaction Number sa tabi ng inyong pirma.
📱 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐋𝐋𝐏𝐇𝐎𝐍𝐄 𝐎 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐂𝐄𝐒𝐒 𝐒𝐀 𝐎𝐍𝐋𝐈𝐍𝐄?
May mga Encoder at BHW na maaaring tumulong sa inyo sa proseso.
Ang PCU checking at iba pang kaugnay na assistance ay maaari ring isagawa sa ating mga Barangay Health Stations (BHS).
📍 DINALUPIHAN RURAL HEALTH UNIT V - J.C. Payumo Jr., Dinalupihan, Bataan
PAALALA: Ang kumpletong dokumento at pagsunod sa tamang proseso ay makatutulong upang maging mas mabilis at maayos ang inyong pag-avail ng mga serbisyong pangkalusugan.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon!