Barangay Daang Bago

Call Directions

Barangay Daang Bago OFFICIAL PAGE

27/08/2026

Kap Adan Manalansan , konsi Nelia Torres Nora Mallari Rebollo , Gladys Malit Harold Pangilinan Carlos Christopher Dabu, Elsid Fabillon

27/08/2026

📢 PAALALA SA LAHAT NG KABARANGAY – RELIEF GOODS

Magandang araw po, mga kabarangay! ❤️

Ipinapaalam po ng Barangay Daang Bago na bukas, Agosto 28, 2026 (Biyernes) ay magkakaroon ng pamamahagi ng relief goods sa ating Covered Court,hatid sa atin ng ating mahal na Gobernador Joet Garcia, kasama sina Congresswoman Gila Garcia, Mayor Tong Santos, at ang Sangguniang Bayan. 🙏❤️

⏰ NAKATAKDANG ORAS NG PAGKUHA

🕣 8:40 AM – 9:30 AM
📍 Purok 1 at Purok 2

🕤 9:30 AM – 10:00 AM
📍 Purok 3, 4, 5 at 6

🕙 10:00 AM – 12:00 NN
📍 Purok 7

📌 MAHALAGANG PAALALA:
Mangyaring sundin ang nakatakdang oras para sa bawat purok upang maging maayos at mabilis ang pamamahagi.
Magdala po ng sariling ballpen.🖊️
•Bawal ang representative o magpapakuha.Ang relief goods ay personal na kukunin at kinakailangang personal na lumagda sa listahan.
Kung hindi makakapunta sa itinakdang oras,maiiwan muna ang inyong relief goods at maaari itong kunin sa hapon o sa mga susunod na araw.
Mangyaring makipag-ugnayan sa Barangay Council para sa mga hindi makakakuha sa nakatakdang oras.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa, pang-unawa at pakikipagtulungan. ❤️

Barangay Daang Bago — Sama-sama, Nagkakaisa, Nagmamalasakit! 🤝




17/08/2026

🌧️ **MAHALAGANG PAALALA SA ATING MGA KABARANGGAY** 🌧️

Ipinapaalam po ng **Barangay Council** na bukas din po ang ating **Covered Court sa Purok 7** bilang karagdagang **Evacuation Center** para sa ating mga kabaranggay na kinakailangang lumikas.

Dahil patuloy po ang pag-ulan at **tumataas na ang tubig sa ilang lugar**, hinihikayat po ang lahat na mag-ingat, manatiling alerto, at huwag nang hintaying lumala ang sitwasyon bago lumikas.

Kung kinakailangan pong lumikas, dalhin ang mahahalagang gamit tulad ng **ID, gamot, pagkain, tubig, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan**. Huwag din pong kalimutang alagaan at isama ang mga bata, senior citizens, persons with disability, at mga alagang hayop kung maaari.

📍 **Evacuation Centers:**
• Barangay Covered Court
• Barangay Hall
• School
• **Covered Court – Purok 7**

Patuloy po nating subaybayan ang mga abiso ng Barangay Council at mga kinauukulang ahensya. **Huwag po nating isugal ang ating kaligtasan.**

🙏 **Ibayong pag-iingat po tayong lahat. Magtulungan, magbantayan, at unahin ang kaligtasan ng bawat pamilya.**

**Manatiling ligtas, mga kabaranggay! 🌧️🙏**

17/08/2026

🌧️ **PAALALA SA ATING MGA KABARANGGAY** 🌧️

Mga kabaranggay, ibayong pag-iingat po tayo dahil sa patuloy na pag-ulan. 🙏

Kung kinakailangan pong lumikas, **bukas po ang ating Covered Court, Barangay Hall, at School** bilang mga evacuation area.

Huwag pong mag-atubiling lumikas kung kinakailangan. Unahin natin ang kaligtasan ng ating mga sarili, pamilya, at mga mahal sa buhay. ❤️

Patuloy po tayong maging alerto at makinig sa mga abiso ng ating barangay at mga kinauukulang ahensya.

**Mag-ingat po tayong lahat. Manatiling ligtas, mga kabaranggay! 🙏🌧️**

CONGRATS KONSI Philip Ombao.WE are very Proud of you!!!
24/04/2026

CONGRATS KONSI Philip Ombao.
WE are very Proud of you!!!

TURN-OVER NG PLAYGROUND EQUIPMENT Masayang isinagawa ang turn-over ng playground equipment para sa Daang Bago Daycare Ce...
20/04/2026

TURN-OVER NG PLAYGROUND EQUIPMENT

Masayang isinagawa ang turn-over ng playground equipment para sa Daang Bago Daycare Center sa pangunguna ni Hon. PB Adan Manalansan.

Sa inisyatibo ng Committee on Education sa pamumuno ni Kag. Lory Reyes at ng buong Sangguniang Barangay, ang proyektong ito ay naisakatuparan gamit ang 1% BCPC Funds para sa kapakanan ng ating mga kabataan.

Lubos na tinanggap ni Ma’am Mharg Pangan Daang Bago Day Care Center Worker, ang nasabing kagamitan para sa ating daycare learners.

Para sa mas ligtas, masaya, at makabuluhang paglalaro at pagkatuto ng ating mga bata ❤️

PUBLIC ADVISORY – BARANGAY DAANG BAGO 👮‍♂️🚓Ipinapaalam po sa lahat ng ating mga kabarangay sa Barangay Daang Bago na ang...
16/04/2026

PUBLIC ADVISORY – BARANGAY DAANG BAGO 👮‍♂️🚓

Ipinapaalam po sa lahat ng ating mga kabarangay sa Barangay Daang Bago na ang ating kapulisan, katuwang ang ating mga BPATs, ay patuloy na nagsasagawa ng regular na pagroronda sa ating lugar bilang bahagi ng mandato ng DILG.

Layunin po nito na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan sa ating barangay.

Hinihikayat din po ang lahat na:
✔️ Maging mapagmatyag sa inyong kapaligiran
✔️ I-report agad ang anumang kahina-hinalang aktibidad
✔️ Makipagtulungan sa ating mga awtoridad

Ang inyong kaligtasan ay aming prayoridad. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at kooperasyon.



Isang magandang balita para sa ating minamahal na Barangay Daang Bago! 🎉Sa wakas, ay meron na rin tayong serbisyo na mat...
16/04/2026

Isang magandang balita para sa ating minamahal na Barangay Daang Bago! 🎉

Sa wakas, ay meron na rin tayong serbisyo na matagal na nating inaasam. Isa itong patunay na kapag nagkakaisa ang bawat isa, may magandang bunga ang ating pagsisikap.

Buong puso po kaming nagpapasalamat sa mga tumulong at nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ito. Una sa lahat, kay Senator Tito Sotto III, maraming salamat po sa inyong tulong at malasakit sa aming barangay.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating mga kabarangay na sina Kuya B**g Franco, Ronniel Osinsao (aka Trunks), at Albert Sambat (aka Dabet) sa kanilang dedikasyon at pakikiisa para sa kapakanan ng lahat.

Sa pangunguna ni Kapitan Adan Manalansan, kasama ang ating masisipag na mga kagawad na personal na nagtungo sa Senado, ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng paglilingkod at malasakit sa komunidad.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa iilan, kundi para sa buong Barangay Daang Bago. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy pa natin ang pagtutulungan para sa mas maunlad at mas maayos na pamayanan.

Muli, maraming maraming salamat po sa inyong lahat! 💙

APRIL 24 2026FRIDAYSATELLITE VOTERS REGISTRATION
26/03/2026

APRIL 24 2026
FRIDAY
SATELLITE VOTERS REGISTRATION

Magandang gabi po Barangay Daang Bago📣📣📣Inaanyayahan po namin ang bawat isa na makilahok at makiisa sa ating gaganaping ...
20/03/2026

Magandang gabi po Barangay Daang Bago📣📣📣

Inaanyayahan po namin ang bawat isa na makilahok at makiisa sa ating gaganaping Barangay Assembly sa darating na Linggo (Marso 22,2026) alas-4 ng hapon, na gaganapin sa ating covered court.

Ang pagpupulong na ito ay mahalaga upang talakayin ang mga programa at mga proyekto. Ito rin po ay pagkakataon para marinig ang inyong mga mungkahi at opinyon para sa ikauunlad ng ating komunidad.Umaasa po kami sa inyong aktibong pakikiisa at pagdalo.

Maraming salamat po at mabuhay ang ating Barangay!

゚

Address

Daang Bago
Dinalupihan
2110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639082533804

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Daang Bago posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category