03/10/2026
๐๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ง | ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ญ๐๐ก ๐ ๐๐๐๐ค ๐
Matagumpay na naisakatuparan ng ang unang linggo ng Expanded Basic Agricultural Extension Course (EBAEC) Batch 2, na nakatuon sa paghubog ng mas mahusay, epektibo, at makabagong Agricultural Extension Workers (AEWs).
Tinalakay ang Personal Awareness and Self-Mastery sa pangunguna ni Ms. Krizzel D. Galang, Training Specialist I, gayundin ang Agricultural and Fisheries Extension (AFE), The New Extensionist, at ibaโt ibang extension approaches, strategies, methods, interventions, modalities, at innovations sa pangunguna nina Ms. Guia D. Reyes, DMO II; Ms. Joanne Jane Destura, TSS I; at Ms. Babelyn P. Lopez, TS II.
Pinangunahan naman ni Mr. John Patrick S. Gutierez, IO II ang mga sesyon sa basics in communication, communication ethics, gender fair language, knowledge management, facilitation, at presentation methods. Tinalakay rin ang social mobilization, community partnership, at farmer organization bilang paghahanda sa Community Profiling and Immersion (Homestay).
Sa pamamagitan ng mga talakayan at aktibidad, napalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pakikipag-ugnayan, pagbuo ng tiwala, at pagtugon sa pangangailangan ng mga komunidad, bilang paghahanda sa kanilang tungkulin bilang responsive, innovative, at community-centered na AEWs.
Para sa ibang impormasyon, bisitahin lamang ang: https://ati.da.gov.ph/ati-3