Dinapigue Municipal Health Office

Call Directions Contact the organization

Dinapigue Municipal Health Office Official page of Dinapigue Municipal Health Office and Birthing Center

LAKAS ISIP: MOVEMENT TOWARDS MENTAL WELLBEINGAng pagkaramdam ng stress ay ating nararasan araw-araw. Ang sakto o optimal...
31/10/2026

LAKAS ISIP: MOVEMENT TOWARDS MENTAL WELLBEING

Ang pagkaramdam ng stress ay ating nararasan araw-araw. Ang sakto o optimal stress ay nakakatulong na maging produktibo sa trabaho o sa pag-aaral. Maari itong maging motibasyon upang pag-igihan ang ating mga ginagawa. Ngunit, kapag ang stress ay palagi-laging nararamdaman maari din itong magdulot ng mga hindi magandang epekto sa ating katawan at kalusugang pangkaisipan.

Ito ang naging pinakapunto ng naging discussion patungkol sa Mental Health in the Workplace kasama ang mga kawani galing sa PNP, PNP-Maritime, Coast Guard at BFP na isinagawa noong Oktobre 20, 2026. Ang kanilang trabaho ay nagdadala ng lagi-laging pagkaramdam ng stress kaya naman naging layunin ng Municipal Health Office na magbigay ng mga kaalaman at payo upang kanilang mas maalagaan ang kanilang kalusugang pangkaisipan. Dahil ang may MALUSOG NA KALUSUGANG PANGKAISIPAN AY MAY PUNDASYONG NG MAAYOS NA BUHAY.

PAANO NAKAKAHAWA ANG TRANGKASO??? 😷😷🤧Ang trangkaso ay kumakalat sa pamamagitan ng maliliit na particles na nailalabas ng...
28/10/2026

PAANO NAKAKAHAWA ANG TRANGKASO??? 😷😷🤧

Ang trangkaso ay kumakalat sa pamamagitan ng maliliit na particles na nailalabas ng taong may sakit kapag umuubo, bumabahing, o nagsasalita.

Kapag may sakit, takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing, ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, at manatili sa bahay para hindi makahawa sa iba.

𝙋𝘼𝙏𝙐𝙇𝙊𝙔 𝙉𝘼 𝙋𝘼𝙂𝙆𝙄𝙇𝙊𝙎 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝘿𝙄𝙉𝘼𝙋𝙄𝙂𝙐𝙀  𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙏𝘽Sa pakikipagtulungan ng Department of Health – Cagayan Valley, Phi...
22/10/2026

𝙋𝘼𝙏𝙐𝙇𝙊𝙔 𝙉𝘼 𝙋𝘼𝙂𝙆𝙄𝙇𝙊𝙎 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝘿𝙄𝙉𝘼𝙋𝙄𝙂𝙐𝙀 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙏𝘽

Sa pakikipagtulungan ng Department of Health – Cagayan Valley, Philippine Business for Social Progress (PBSP), Lokal na Pamahalaan ng Dinapigue at Dinapigue Municipal Health Office, matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na TB Caravan sa Barangay Digumased Barangay Dibulo.

Kabilang sa mga serbisyong pinagkaloob sa caravan ay libreng chest Xray, HIV screening at Philhealth YAKAP services. Target sa naturang programa ang mga senior citizens, mga vendors at mga indibidwal na hindi pa naranasang masuri gamit ang x-ray.

Surpresa din itong dinaluhan ni Municipal Mayor Vicente D. Mendoza na personal na dinanas ang mga serbisyong pinagkakaloob sa aktibidad. Kabilang din sa dumalo sin a Vice Mayor Dr. Rea Sylvia M. Candido at mga Sangguniang Bayan Members, na nagpasa naman ng Lokal na Resolusyon na pagpapasalamat sa CV-CHD at PBSP na patuloy na pagsuporta sa bayan ng Dinapigue para pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.

Sa loob ng dalawang araw, 544 indibidwal ang nakinabang sa libreng Chest X-Ray bilang bahagi ng pagpapalakas ng maagang pagtuklas at pag-iwas sa tuberkulosis

𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮  𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝘂𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗰𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴Matagumpay na isina...
21/10/2026

𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝘂𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗰𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴

Matagumpay na isinagawa ng Dinapigue Municipal Health Office ang Lactation Management Education Training para sa mga kawani ng tanggapan, na naglalayong higit pang mapalawak ang kanilang kaalaman, kasanayan, at kakayahan sa wastong pamamahala ng paggagatas at pagbibigay ng angkop na suporta sa mga inang nagpapasuso.

Pinangunahan ang pagsasanay ng mga Rural Health Midwives na
bnigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapasuso bilang mahalagang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol. Binahagi din nila ang mga wastong pamamaraan ng pagpapasuso, at ang mahalagang papel ng mga local health workers sa pagtataguyod, pangangalaga, at pagsuporta sa matagumpay na pagpapasuso sa bawat komunidad at workplaces.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, patuloy na pinagtitibay ng Dinapigue Municipal Health Office ang pangako nitong maghatid ng de-kalidad, makatao, at batay sa siyentipikong ebidensiya na serbisyong pangkalusugan para sa mga ina at bata.

𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗻Ang batayan ng kalusugan ay hindi lamang ang ating pisikal na katawa...
12/10/2026

𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗻

Ang batayan ng kalusugan ay hindi lamang ang ating pisikal na katawan. Ito ay naaapektuhan din ng kasalukuyang estado ng ating kaisipan kung kaya't tayo ay mas nagkakasakit at nakakaramdam ng iba’t ibang sintomas sa mga panahong tayo ay stressed, nakararamdam ng labis na pagkabahala o labis-labis na kalungkutan.

Ngunit sa mga panahong ito ay mas dapat na pinangangalagaan ang ating mga sarili alinman sa ating sariling mga paraan o sa tulong ng ibang tao.

Kaya’t ngayong buwan ng Oktubre, abangan ang iba’t ibang paraan o aktibidad na makatutulong sa ating katawan at kaisipan na aming ibabahagi sa inyo upang mas mapalakas ang ating kaisipan. Dahil hindi lamang ang ating mga katawan ang dapat nating alagaan kundi pati ang ating KALUSUGANG PANGKAISIPAN.

𝐌𝐨𝐦𝐦𝐲, 𝐃𝐚𝐝𝐝𝐲, 𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐝𝐮𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐞𝐰𝐛𝐨𝐫𝐧 𝐬𝐜𝐫𝐞𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐢 𝐁𝐚𝐛𝐲! Ang Newborn Screening (NBS) ay isang simpleng test sa dugo ng s...
08/10/2026

𝐌𝐨𝐦𝐦𝐲, 𝐃𝐚𝐝𝐝𝐲, 𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐝𝐮𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐞𝐰𝐛𝐨𝐫𝐧 𝐬𝐜𝐫𝐞𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐢 𝐁𝐚𝐛𝐲!

Ang Newborn Screening (NBS) ay isang simpleng test sa dugo ng sanggol upang matuklasan agad ang mga pangyayaring congenital o mga sakit na hindi kita agad pero pwedeng magdulot ng kapansanan o seryosong problema kung hindi naagapan.

Ginagawa ito sa pagkatapos ng unang 24 oras matapos ipanganak sa ospital, health center, o klinika na may sertipikadong pasilidad. Matutukoy at magagamot ng NBS ang higit sa 29 na sakit para maiwasan ang kapansanan at maagang pagkamatay.

Huwag hintayin ang sintomas. Ipa-Newborn Screening agad ang iyong sanggol para maprotektahan ang kanyang kinabukasan.

Ito ay makukuha ng libre para sa mga Philhealth Member!

𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐍𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐛𝐲, 𝐇𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐓𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐔𝐍𝐓𝐒𝐈𝐒𝐌𝐈𝐒𝐀𝐍.🤱🧑‍🍼Ang bawat nan...
06/10/2026

𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐍𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐛𝐲, 𝐇𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐓𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐔𝐍𝐓𝐒𝐈𝐒𝐌𝐈𝐒𝐀𝐍.🤱🧑‍🍼

Ang bawat nanay at kanilang sanggol ay may karapatang mabigyan ng ligtas at dekalidad na serbisyo, at tamang impormasyong pangkalusugan na malapit sa kanilang tahanan at komunidad, kaya naman sinisigurado ng mga DOH National Health Workforce Support System kabilang ang ating mga nurses at midwife, na bawat buntis at bagong panganak at kanilang sanggol ay nabibisita sa kanilang tahanan upang sila'y magabayan sa kanilang pagbubuntis hanggang sa kanilang panganganak.

Sa pamamagitan ng home visits at community-based maternal health services, inilalapit natin ang mga serbisyong kailangan ng ating mga buntis—mula sa prenatal check-up, health education, counseling, monitoring ng kalagayan ng ina at sanggol, hanggang sa tamang referral kung kinakailangan.

Ang mandatory home visit sa mga buntis at post partum ay bahagi ng pagpapalakas ng Maternal and Child Health Services ng Dinapigue Municipal Health Office sa ilalim ng inisyatibo at programang BUNTSISMISAN.

𝗭𝗨𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜𝗛𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗦𝗮𝘆𝗮𝘄 𝗮𝘁 𝗘𝗵𝗲𝗿𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗠𝗮𝗹𝘂𝗹𝘂𝘀𝗼𝗴 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗲𝘆𝗮𝗱𝗼 🫀❣️🇵🇭🇵🇭Apat na koponan mula sa pinaghalo-ha...
02/10/2026

𝗭𝗨𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜𝗛𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗦𝗮𝘆𝗮𝘄 𝗮𝘁 𝗘𝗵𝗲𝗿𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗠𝗮𝗹𝘂𝗹𝘂𝘀𝗼𝗴 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗲𝘆𝗮𝗱𝗼 🫀❣️🇵🇭🇵🇭

Apat na koponan mula sa pinaghalo-halong mga empleyado sa iba't ibang opisina ang nagtagisan sa taunang ZUMBAYANIHAN ng Lokal na Pamahalaan ng Dinapigue.

Ang nasabing aktibidad at bilang bahagi ng selebrasyon ng 126th Philippine Civil Service Anniversary at World Heart Day 2026. Layunin ng taunang programa na ipaalala ang kahalagahan ng malusog na pangangatawan upang mas magampanan ang mga gampanin sa kanya-kanyang ahensiya.

Sa pagtatapos ng aktibidad, nagwagi ang Team Army Green na nag-uwi ng 20,000.00 na nagpakita ng kakaibang angking galing at sabay sabay na indak at sayaw.

Ang Zumbayanihan ay bahagi pa rin ng DAPAT, Belly Good Campaign ng Municipal Health Office. Samantala, ang Municipal Budget Office ang nangasiwa upang maging matagumpay na maisagawa Zumbayanihan 2026.

📸 Sir Dick Andres

𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒌𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒂𝒌 𝒍𝒂𝒃𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑯𝒖𝒎𝒂𝒏 𝑷𝒂𝒑𝒊𝒍𝒍𝒐𝒎𝒂𝒗𝒊𝒓𝒖𝒔 (𝑯𝑷𝑽) 𝒑𝒂𝒓𝒂  𝒄𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒄𝒂𝒏𝒄𝒆𝒓-𝒇𝒓𝒆𝒆 𝒂𝒏𝒈 𝒇𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏.Kung ang ...
29/09/2026

𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒌𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒂𝒌 𝒍𝒂𝒃𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑯𝒖𝒎𝒂𝒏 𝑷𝒂𝒑𝒊𝒍𝒍𝒐𝒎𝒂𝒗𝒊𝒓𝒖𝒔 (𝑯𝑷𝑽) 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒄𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒄𝒂𝒏𝒄𝒆𝒓-𝒇𝒓𝒆𝒆 𝒂𝒏𝒈 𝒇𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏.

Kung ang anak natin ay babae, edad 9-14 na nasa Grade 4 at Grade 5, babakunahan sila laban sa cervical cancer sa gaganaping taunang 2026 school-based immunization.

Ang bakunang ito ay ligtas, mabisa at binibigay ng libre sa mga pampublikong paaralan at health centers.

Kumpletuhin ang bakuna . Alamin kung ano ang HPV at paano maiiwasan ito.

Kapag Bakuna ay Kumpleto, Lahat Protektado!

𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐊𝐀𝐌𝐈 𝐒𝐀 𝐈𝐍𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐎𝐊𝐓𝐎𝐁𝐑𝐄 ❤️❤️

Address

Digumased
Dinapigui
3336

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639189036625

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dinapigue Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Dinapigue Municipal Health Office:

Shortcuts

Share