01/06/2026
๐๐๐๐๐๐ (๐) ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Nagsimula nang magsagawa ng pag-iikot at pananaliksik sa iba't ibang bahagi ng Bayan ng Dolores ang limang (5) Local Mappers bilang bahagi ng isinasagawang Cultural Mapping ng Tanggapan ng Pambayang Turismo.
Layunin ng gawaing ito na matukoy, maidokumento, at mapangalagaan ang mga pamanang likas at kultural na sumasalamin sa mayamang kasaysayan, tradisyon, at natatanging pagkakakilanlan ng mga Doloresin.
Patuloy na sinisikap ng ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng butuhing Mayor Orlan a. Calayag na higit na mapahahalagahan at maitatala ang mahahalagang yamang kultural at likas ng ating bayan bilang gabay sa pagpaplano, pangangalaga, at pagsusulong ng lokal na kultura at turismo para sa kasalukuyan at mga susunod na henerasyon.
31/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐, ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Ipinababatid sa publiko na simula ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐, ๐๐๐๐, muling ipatutupad ng Lokal na Pamahalaan ng Dolores ang ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ at winawakasan na ang kasalukuyang flexible working arrangements kaugnay ng umiiral na fuel and energy crisis na dulot ng tensyon sa Middle East.
Alinsunod dito, ang mga tanggapan ng LGU Dolores ay muling mag-ooperate mula ๐๐ฎ๐ง๐๐ฌ ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ง๐๐ฌ, sa oras na ๐:๐๐ ๐ง๐ ๐ฎ๐ฆ๐๐ ๐ ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐:๐๐ ๐ง๐ ๐ก๐๐ฉ๐จ๐ง.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pang-unawa. Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay ng maayos na serbisyo publiko.
25/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
| Matagumpay na naisagawa noong ika-21 ng Mayo 2026 ang Pamanang Lutuing Doloresin 2026 Cooking Contest na may temang Sarap na Walang Kupas, Dala Hanggang sa Bagong Henerasyon na ginanap sa Unlad Food Hall (Dolores Public Market) . Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐๐ ๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐๐๐ na pinangasiwaan ng Tanggapan ng Pambayang Turismo sa pangunguna ni Designated Municipal Tourism Operations Officer/EA Jason D. Ocado katuwang ang Market Office sa pangunguna ni Sir. Domingo Dimayacyac at sa atas at gabay ng butihing Mayor Orlan A. Calayag.
Naging mas kapanapanabik ang patimpalak matapos ang limang kalahok ay sumabak sa isang ๐๐-๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ kung saan sila mismo ang namili ng sariwa at lokal na sangkap mula sa ating pampublikong pamilihan gamit ang halagang โฑ1,500 bawat kalahok.
Higit pa sa isang cooking contest, layunin ng aktibidad na ito na maitaguyod at isulong ang ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐. Ito ay isang inisyatibong nagpapakita na ang ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ข๐ฌ๐ ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐, ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ, ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง. Sa pamamagitan nito, nabibigyang halaga ang ating mga lokal na produkto, mga manininda, at mga tradisyunal na lutuing tunay na maipagmamalaki ng bawat Doloresin.
Nakamit ng mga kalahok mula Brgy. Kinabuhayan na sina Salve Diala Palabrica at Leonila D. Abrenica ang 1st Place. Samantala, nakuha naman nina Maโam Maria Theresa Loyola at Toren Loyola ang 2nd Place, habang 3rd Place naman si Rizamira Alcazar.
Dumalo rin at nagbigay ng mensahe si Vice Mayor Renato โDoc Jonโ Alilio Jr., kasama si Committee on Tourism, Culture and Arts Chairperson Konsehal Ai-Ai Cabrera.
Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag sa tatlong huradod na sina: Maโam Ma. Christina Decal, Maโam Florence Mendoza, Tourism Officer ng San Antonio, Quezon, at Sir Rommel Calixto. Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kalahok na nagbahagi ng kanilang talento, kasanayan, at pagmamahal sa lutuing Doloresin.
Tinitiyak ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag na patuloy na maiangat ang turismo ng Bayan ng Dolores sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating kulturang pangkulinarya at pagsusulong ng isang Market Tourism bilang mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan, kultura, at pag-UNLAD ng ating bayan.
19/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐. ๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐! ๐
Happy Birthday to our Municipal Councilor and Chairperson on Committee on Tourism, Culture and Arts, ๐๐๐๐. ๐๐. ๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐.
May this special day bring you joy, good health, and renewed strength as you continue to serve our community. Thank you for your unwavering support to the Tourism Office and for being one of our partners in promoting and strengthening tourism, culture, and the arts in our beloved town. Your dedication, leadership, and genuine concern for the welfare of the community are truly appreciated and admired.
Wishing you more success and blessings in the years ahead.
14/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐
Upang higit pang mapalakas ang sektor ng turismo sa Bayan ng Dolores, isinagawa kanina sa atas ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag ang isang makabuluhang collaboration meeting sa pagitan ng Municipal Tourism Office sa pangunguna ni Designated Municipal Tourism Officer EA Jason D. Ocado at ng FarmKO
Kabilang sa mga mahahalagang napag-usapan sa pagpupulong ang pagbuo at higit pang pagpapalakas sa mga magiging tour guides ng ating bayan na inaasahang makatutulong hindi lamang sa pagsusulong ng turismo kundi maging sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan.
Tinalakay rin ang pagsasaayos at pagbuo ng mas maayos at magandang tour packages na nakapokus sa Ritual Healing Wellness bilang bahagi ng pagpapakilala sa natatanging kultura, wellness experience, at likas na yaman ng Bayan ng Dolores.
Patuloy na sinisiguro ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag na maisusulong at mapapalakas ang sektor ng turismo sa Bayan ng Dolores sa pamamagitan ng mga programang magbibigay ng kabuhayan, oportunidad, at mas makabuluhang karanasan para sa mga mamamayan at mga turistang bumibisita sa ating bayan.
14/05/2026
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ ๐ญ๐จ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐๐ฆ๐๐ฎ๐ฃ๐๐ง ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐๐๐ง ๐๐๐๐ - ๐
๐ข๐ซ๐, ๐๐ฌ. ๐๐ฒ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐๐๐ฅ๐จ๐ฌ๐จ! ๐
May your special day be filled with love, joy, and countless blessings. Continue to shine with grace and inspire those around you.
Like fire, may you always burn with courage, rise stronger through every challenge, and light the way for others with your warmth and brilliance.
Wishing you happiness and success always.