26/05/2026
📢 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐈 𝟐𝟎𝟐𝟔
Sa mga may anak po na hindi pa natutulian maaari po na mag palista sa mga Konsehal na nakakasakop ng kani kanilang Sitio ito po ay para sa 30 batang lalaki lamang 🧒
(9 years Old and Above)
𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓 𝐃𝐄𝐓𝐀𝐈𝐋𝐒:
📍 Barangay Pinagdanlayan Health Center
📅 May 27 2026 (Wednesday )
🕖 8:00 AM
04/03/2026
MARCH 04, 2026
BADAC/BPOC MONTHLY MEETING and SYMPOSIUM kasama din dito sa tinalakay ang Womens Month Celebration kung anu ang kahalagahan ng kababaihan.
26/02/2026
𝐈𝐍 𝐅𝐑𝐀𝐌𝐄: Presenting the distinguished representative of Brgy. Pinagdanlayan at the Sashing Ceremony of the Hambujan Festival King and Queen 2026.
𝐇𝐚𝐦𝐛𝐮𝐣𝐚𝐧 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐢𝐯𝐚𝐥 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧: 𝐌𝐬. 𝐐𝐮𝐢𝐳𝐢𝐚𝐡 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐢𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐧𝐮𝐞𝐯𝐚
Let us extend our wholehearted support as they journey toward the crown. The Coronation Night will be held on April 8, 2026, at the Unlad Government Center, 6:00 PM.
Stay tuned to our official pages, Unlad Dolores and Dolores Tourism: Faith and Wellness Tourist Zone, for more updates on the exciting activities of Hambujan Festival 2026.
22/02/2026
"Walang mainit na sikat ng araw basta nagkakaisa, nagtutulungan at may mapagmalasakit na puso para sa barangay"
Mula sa masipag at butihing Punong Barangay Kgg. Greg Goño Matibag ay ipinaaabot muli ang malaking pasasalamat sa lahat ng nakasama ngayong araw para higit na mapaganda ang Community Garden ng Barangay.
PS. Salamat din kay Kuya Jonathan "Athan" Juliano sa meryenda. 😊
God bless po at Maraming Salamat muli.
13/02/2026
Today, we proudly acknowledge and extend our heartfelt gratitude to Pinagdanlayan Rural Improvement Club (PRIC) for the successful handover of various medicines and a stand fan to our Barangay Health Center.
Maraming salamat po sa inyong generosity at malasakit sa ating komunidad. Ang mga gamot na inyong ibinigay ay malaking tulong para mas mapalawak pa ang serbisyong medikal na naibibigay ng ating health center, lalo na sa mga kababayan nating nangangailangan ng agarang atensyon at suporta. Dahil dito, mas marami pa tayong matutulungan at mas mapapalakas ang ating commitment sa accessible at quality healthcare para sa lahat.
Gayon din ay pasasalamat sa pagbibigay din ng stand fan na makakatulong para mas maging comfortable ang ating mga pasyente habang sila ay naghihintay o nagpapakonsulta, lalo na ngayong mainit ang panahon. Small things like this truly make a big difference in creating a better and more welcoming environment sa ating health center.
Ang partnership na ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas nagiging makabuluhan at mas napapabilis ang pag-abot ng tulong sa nangangailangan. We are truly grateful for PRIC’s continuous support and dedication to serving our barangay.
Muli, ang bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Pinagdanlayan ay taos-puso pong nagpapasalamat. Nawa’y magpatuloy ang ganitong klaseng pagtutulungan para sa mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na komunidad para sa ating lahat. 🤍❤️
19/11/2025
Seryoso sa Session ......