06/08/2026
📢 LIGTAS TIGDAS: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA) 💉👶
Inaanyayahan ng Dumalneg Rural Health Unit ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak na 6–59 buwang gulang upang mabakunahan laban sa Tigdas (Measles) at Tigdas-Hangin (Rubella).
🗓️ ISKEDYUL NG PAGBABAKUNA
📍 Agosto 10, 2026 (Lunes)
🕗 8:00 AM – 12:00 NN
✅ Brgy. Cabaritan
✅ Brgy. Kalaw
📍 Agosto 11, 2026 (Martes)
🕗 8:00 AM – 12:00 NN
✅ Brgy. Quibel
✅ Brgy. San Isidro
📌 Pumunta lamang sa inyong barangay ayon sa nakatakdang iskedyul upang mabakunahan ang inyong anak.
💙 Bakit mahalagang magpabakuna?
✔️ Pinoprotektahan nito ang inyong anak laban sa tigdas at tigdas-hangin.
✔️ Nakakatulong itong maiwasan ang malubhang komplikasyon, pagkaospital, at pagkamatay dulot ng mga sakit na ito.
✔️ Ang mga bakunang ibinibigay ng Department of Health ay ligtas, de-kalidad, at epektibo.
📌 Paalala: Dalhin ang Child Health Record (Baby Book) ng inyong anak kung mayroon.
Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga chikiting. Huwag palampasin ang pagkakataong mabakunahan ang inyong anak!