16/06/2026
Para sa Kinabukasan ng mga Anak: PAG-ASA para sa Solo Parents!
Isang makabuluhang araw para sa ating mga Solo Parents! Mula sa Lokal na Pamahalaan ng El Nido sa ilalim ng Gender and Development Office, ngayong June 15, 2026, ginanap ang Payout at Transfer Ceremony para sa unang set ng 2nd Batch ng PAG-ASA (Pangkabuhayan at Asenso ng Sambayanan) Livestock Raising Program Beneficiaries.
Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagsuporta ng ating Pamahalaang Lokal upang bigyan ng sustainable livelihood at pang-ekonomiyang pag-unlad ang ating mga solo parents. Batid namin ang inyong sipag at sakripisyo, kaya naman katuwang ninyo kami sa pagbuo ng mas matatag na kabuhayan.
Isang malaking pagbati sa ating mga benepisyaryo! Saludo kami sa inyong katatagan, at tiwala kaming mapapalago ninyo ang biyayang ito para sa inyong pamilya. ๐ท