18/08/2026
PANAGAWAN SA PUBLIKO: HUMIHINGI NG CCTV FOOTAGE O IMPORMASYON
Manawagan po kami sa lahat ng residente at negosyante na may mga CCTV na nakatutok sa kalsada. May dalawang (2) lalaking nakamotorsiklo na nambiktima at nagnakaw sa dalawang maliliit na tindahan kahapon, Agosto 17.
Detatye ng Insidente:
* Modus: Magpapanggap na bibili, tsaka biglang tatakbo tangay ang mga bote ng gasolina nang hindi nagbabayad.
* Unang Insidente: New Ibajay — bandang 5:45 PM. Sinaktan at sinipa pa ng mga suspek ang babaeng tindera/may-ari.
* Ikalawang Insidente: Manlag — bandang 9:45 PM.
* Pinagmulan ng Suspek: May impormasyon na posibleng mula sa Taytay ang mga suspek na pumunta sa El Nido para mambiktima.
Posibleng RUTA ng mga Suspek (New Ibajay papuntang Manlag sa pagitan ng 5:45 PM - 9:45 PM):
1. Unang ruta: New Ibajay - Calampinay - Villa Libertad - Bayan - Corong-corong - Manlag
2. Ikalawang ruta (Paiwas/Paiikot): New Ibajay - San Fernando - Pasadeña - Villa Libertad - Bayan - Corong-corong - Manlag
Kung kayo po ay may CCTV sa kahabaan ng mga nasabing kalsada o kung may nakakilala/nakakita sa mga taong ito batay sa kuha sa larawan, pakiusap po na makipag-ugnayan agad sa amin.
REWARD:Magbibigay po ng kaukulang GANTIMPALA / REWARD sa sinumang makakapagbigay ng malinaw na CCTV footage o impormasyong makakatulong sa pagkahuli sa mga suspek.
Maaari ninyo kaming i-PM diretso sa page na ito.
Paki-share po para mag-ingat din ang ating mga kababayan. Maraming salamat po!