Gabriela Youth UP Manila

Gabriela Youth UP Manila

Share

Ang pambansa-demokratikong organisasyong masa ng kabataang kababaihan sa UP Manila. Sumali sa GY UPM! Sulong Gabriela! Lumaban, makibaka!

Itinatag noong 1994, ang Gabriela Youth ay isang pambansa-demokratikong pang-masang organisasyon ng mga kabataang kababaihan na naglalayong pukawin, organisahin, at pakilusin ang mga kabataang kababaihan tungo sa pagkakamit ng mga karapatan ng kababaihan at tunay na pambansang demokrasya. Itinataguyod nito ang mga karapatan ng kababaihan at naglalayong alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon at karahasan laban sa mga kababaihan.

29/05/2026

๐‘ฎ๐’‚๐’ƒ๐’“๐’Š๐’†๐’๐’‚ ๐‘พ๐’๐’Ž๐’†๐’'๐’” ๐‘ท๐’‚๐’“๐’•๐’š: ๐‘ป๐’๐’‘๐’‚๐’„๐’Š๐’โ€™๐’” ๐’„๐’๐’๐’•๐’†๐’Ž๐’‘๐’• ๐’•๐’‰๐’“๐’†๐’‚๐’• ๐’Š๐’” ๐’‘๐’‚๐’•๐’‰๐’†๐’•๐’Š๐’„ ๐’‚๐’๐’… ๐’‘๐’๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’„๐’‚๐’๐’๐’š ๐’Ž๐’๐’•๐’Š๐’—๐’‚๐’•๐’†๐’…

We find Ferdinand Topacioโ€™s announcement that he will file an indirect contempt case against Gabriela Women's Party Rep. Sarah Elago both pathetic and politically motivated. After making misogynistic and degrading remarks against her, Topacio now seeks to play the victim and use legal threats to divert attention from his own conduct and accountability.

This latest threat is clearly a political attack intended to intimidate a progressive woman legislator who has consistently exposed corruption, challenged abuse of power, defended human rights, and advanced the rights and welfare of women and the marginalized.

Kamakailan lamang ay kinilala si Rep. Sarah Elago bilang Most Outstanding Human Rights Defender (Individual) sa Ignite Awards ng Amnesty International Philippines dahil sa kanyang matatag na pagtatanggol sa karapatang pantao at paninindigan kasama ng mga naaapi at sinasamantala. Ang ganitong mga pagbabanta ay hindi lamang pag-atake sa isang halal na kinatawan kundi pag-atake rin sa mga prinsipyong kanyang ipinaglalaban.

Hindi kami matitinag sa mga pagbabanta. Patuloy naming ipagtatanggol ang karapatan ng kababaihan at igigiit ang pananagutan ng mga nasa kapangyarihan na ginagamit ang kanilang posisyon upang mang-api, manira, at manakot. Hindi rin namin hahayaang magtagumpay ang mga pagtatangkang gawing sandata ang batas upang patahimikin ang mga kritiko at tagapagtanggol ng karapatang pantao.

29/05/2026

Gabriela Youth Slams PNP Cateel Over Dangerous โ€œWanted Personsโ€ Post

Mariing kinokondena ng Gabriela Youth National ang pinakalat ng PNP Cateel Municipal Police Station sa isang social media post na naglalaman ng listahan ng diumanoโ€™y โ€œActive Wanted Personsโ€ kung saan inilathala ang mga pangalan ng mga lider at kasapi ng mga progresibong organisasyon sa Southern Mindanao Region, kabilang dito sina Allyssa Ancheta, Chairperson ng GABRIELA-Youth Davao, at Allaiza Gerodiaz, dating Coordinator ng GABRIELA-Youth UP Mindanao.

Nagpapatuloy at tumitindi ang pasistang pag-atake laban sa mga kababaihang lumalaban at nagsasalita laban sa inhustisya. Instrumento ang PNP at AFP ng estado upang maghasik ng takot, intimidasyon, at panunupil laban sa mga progresibong organisasyon at indibidwal na naninindigan para sa karapatan at kapakanan ng mamamayanโ€”lalo na ng mga kababaihan at kabataan.

Sa halip na magsilbi sa mamamayan, ginagamit ng PNP ang pondong nagmumula sa buwis ng taumbayan upang atakehin ang taumbayan mismo na dapat nitong protektahan. Habang lalong lumalala ang kagutuman, kawalan ng trabaho, at krisis pang-ekonomiya sa bansa, mas pinipili ng administrasyong Marcos Jr. na patahimikin ang mga kritiko at supilin ang lehitimong pakikibaka ng kababaihan at mamamayan sa halip na tugunan ang ugat ng kahirapan at kawalang hustisya.

Bilang dating mga mag-aaral ng University of the Philippines Mindanao, namulat sina Allyssa at Allaiza sa karahasan at pagsasamantala sa kababaihan, LGBTQIA+, at masang anakpawis. Naging aktibista sila sa GABRIELA-Youth UP Mindanao at kalaunaโ€™y sa GABRIELA-Youth Davao, kung saan naging Chairperson si Allyssa upang isulong ang laban ng kababaihan at mamamayan.

Bagamaโ€™t burado na ang naturang post matapos umani ng matinding batikos, hindi nito mabubura ang panganib na idinulot nito sa seguridad at kaligtasan ng mga indibidwal na kanilang iligal na pinaratangan. Ito ay malinaw na bahagi ng red-tagging at kriminalisasyon laban sa mga kabataan, aktibista na kritikal sa estado. Ang ganitong mga paratang ng AFP-PNP ay nagreresulta sa hindi lamang sa mga gawa-gawang kaso kundi maging sa sapilitang pagkawala at ekstrahudisyal na pamamaslang.

Hindi sasapat ang pagbubura ng post, dapat managot ang PNP Cateel Municipal Police Station sa kanilang iresponsable, mapanira, at mapanganib na pagpapakalat ng maling impormasyon at gawa-gawang paratang laban sa mga aktibista at progresibong lider. Panagutin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang administrasyong Marcos Jr. na tuta sa kontra-insurhensyang estratehiya ng Estados Unidos sa pampulitikang represyon at red-tagging sa Mindanao at sa buong bansa.

Duwag ang estado sa kabataang kababaihan na isa sa mga nangunguna sa pagsusulong ng mga batayang karapatan sa rehiyon. Ang pag-atake kina Allyssa Ancheta at Allaiza Gerodiaz ay pag-atake sa lahat ng kabataang kababaihang nangangahas manindigan, mag-organisa, at lumaban para sa kanilang mga karapatan.

Ngunit hindi tayo matitinag ng intimidasyon at pananakot. Patuloy nating ipagtatanggol ang ating mga demokratikong karapatan, higit pang lalakas at titibay ang sama-samang pagkilos ng kababaihan at kabataan laban sa pasismo at panunupil.

Manindigan para sa hustisya, kalayaan, at karapatan ng mamamayan!
Panagutin ang PNP, AFP, at ang rehimeng US-Marcos Jr. sa kanilang mga krimen laban sa mamamayan!





Photos from Gabriela Youth UP Manila's post 04/05/2026

๐“๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐„๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐Š๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š-๐๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ญ๐š๐ง ๐Ÿ—ฃ๏ธ

Kabataang kababaihan at mga iskolar ng bayan, makilahok sa pagtitipong naglalayong paigtingin ang ating kaalaman hinggil sa isyu ng balikatan exercises sa Pilipinas!

Sa pamamagitan ng gaganaping educational discussion ng Paaralang Lorena Barros, magkakaroon ng kritikal na pagsusuri sa mersenaryong tradisyon ng mga militar bilang mga tagapagtanggol ng interes ng mga naghaharing uri, korporasyon, at dayuhang kapangyarihan, sa halip na sa mamamayan.

Alamin ang kolonyal at machopyudal na ugat ng panunupil at pananamantala ng militar! Dumalo at magpadalo!

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—น๐˜†๐—ฒ:
๐Ÿ—“๏ธ ๐——๐—ฎ๐˜๐—ฒ: May 5, 2026
๐Ÿ›๏ธ ๐—ฉ๐—ฒ๐—ป๐˜‚๐—ฒ: RH 201, College of Arts & Sciences, UP Manila
๐Ÿ• ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฒ: 1-5 PM

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ:
๐ŸŽฅ ๐Ÿญ ๐—ฃ๐—  | Short Film Showing
๐Ÿ“– ๐Ÿฎ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐—  | ED On the Mercenary Traditions of the AFP
๐ŸŽถ๐ŸŽจ ๐Ÿฐ ๐—ฃ๐—  | Song Learning & Production Work

Halinaโ€™t maging bahagi ng mas malaking kwento ng ating pakikibaka para sa tunay na kalayaan.

Kitakits, mga kasama!

Photos from Gabriela Youth's post 02/05/2026

MABUHAY ANG MGA MANGGAGAWANG LUMILIKHA AT LUMALABAN! โš™๏ธ๐Ÿ”ฅ

Ngayong Mayo Uno, kaisa ang kabataang kababaihan sa paggunita sa makasaysayang papel ng uring manggagawa sa buong daigdig. Sa kabila ng kanilang walang humpay na kontribusyon sa yaman ng bansa, nananatili silang biktima ng mababang sahod, kontraktwalisasyon, hindi ligtas at hindi tiyak na trabaho, at ng patuloy na panunupil ng estado sa kanilang pakikibaka para sa karapatan. Samantala, patuloy ang pagkamal ng yaman ng naghaharing uri sa pakikipagsabwatan sa mga imperyalistang interes.

Sa gitna ng krisis at tumitinding init ng panahon, lalo ring umiigting ang pakikibaka ng mga manggagawa at mamamayang Pilipino. Ipinapakita nito ang kanilang patuloy na paglaban, gayundin ng pakikiisa ng kabataang kababaihan sa batayang sektor at sa mga komunidad na higit na apektado ng kapabayaan ng gobyerno. Buhay ang diwa ng Mayo Uno sa sama-samang pagkilos para sa tunay na kalayaan mula sa pagsasamantala.

Panawagan ng mga manggagawa, kababaihan, at iba pang sektor: itaas ang sahod sa P1,200 family living wage at suportahan ang panawagang fare hike ng mga tsuper! Wakasan ang gerang agresyon ng US laban sa Iran!

Sama-sama nating ibagsak ang numero unong kaaway ng mga manggagawaโ€™t mamamayan ng daigdigโ€”ang imperyalismong US!

IPAGLABAN ANG KAGALINGAN AT GINHAWA SA GITNA NG KRISIS!


29/04/2026

๐Ÿ—ฃ ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—•๐—”๐—œ๐—›๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ง ๐—ž๐—จ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—จ๐—ก๐—ข! ๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ง ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก!

Sa harap ng patong-patong na krisis, walang maaasahang maagap at karampatang tugon ang mamamayan mula sa gobyernong Marcos Jr. Pangunahin nitong tinitiyak ang interes ng US at mga lokal na naghaharing uri, habang dinarahas at hinahayaang magutom ang mamamayang pinagmumulan ng yaman ng bansa.

Nasa pagkakaisa at pakikibaka lamang ng mamamayang inaapi't pinagsasamantalahan maaaring makamit ang ating mga panawagan para sa sahod, lupa, trabaho, karapatan, hustisya, at kapayapaang nakabatay sa katarungan! ๐™†๐™–๐™ฎ๐™–'๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ก๐™ช๐™ข๐™–๐™ก๐™–๐™—๐™–๐™ฃ, ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ! โœŠ๐Ÿผ๐Ÿ”ฅ

Sama-sama nating igiit!
๐Ÿ“ฃ Wakasan ang gerang agresyon ng US sa Iran!
๐Ÿ“ฃ Itaas ang sahod ng mga manggagawa sa P1,200 family living wage at suportahan ang panawagang fare hike ng mga tsuper!
๐Ÿ“ฃ Tanggalin ang VAT at excise tax sa produktong petrolyo!
๐Ÿ“ฃ I-rollback ang presyo ng langis sa P55!
๐Ÿ“ฃ Ibasura ang Oil Deregulation Law at magpatupad ng price control sa petrolyo!
๐Ÿ“ฃ Isabansa ang industriya ng langis!

๐Ÿ—ฃ ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—•๐—”๐—œ๐—›๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ง ๐—ž๐—จ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—จ๐—ก๐—ข! ๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ง ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก!

Sa harap ng patong-patong na krisis, walang maaasahang maagap at karampatang tugon ang mamamayan mula sa gobyernong Marcos Jr. Pangunahin nitong tinitiyak ang interes ng US at mga lokal na naghaharing uri, habang dinarahas at hinahayaang magutom ang mamamayang pinagmumulan ng yaman ng bansa.

Nasa pagkakaisa at pakikibaka lamang ng mamamayang inaapi't pinagsasamantalahan maaaring makamit ang ating mga panawagan para sa sahod, lupa, trabaho, karapatan, hustisya, at kapayapaang nakabatay sa katarungan! ๐™†๐™–๐™ฎ๐™–'๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ก๐™ช๐™ข๐™–๐™ก๐™–๐™—๐™–๐™ฃ, ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ! โœŠ๐Ÿผ๐Ÿ”ฅ

Sama-sama nating igiit!
๐Ÿ“ฃ Wakasan ang gerang agresyon ng US sa Iran!
๐Ÿ“ฃ Itaas ang sahod ng mga manggagawa sa P1,200 family living wage at suportahan ang panawagang fare hike ng mga tsuper!
๐Ÿ“ฃ Tanggalin ang VAT at excise tax sa produktong petrolyo!
๐Ÿ“ฃ I-rollback ang presyo ng langis sa P55!
๐Ÿ“ฃ Ibasura ang Oil Deregulation Law at magpatupad ng price control sa petrolyo!
๐Ÿ“ฃ Isabansa ang industriya ng langis!

29/04/2026

๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐‹๐จ๐ซ๐ž๐ง๐š ๐๐š๐ซ๐ซ๐จ๐ฌ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐Ÿ’œ

Kulang na ang baon para sa pamasahe!
Ang mahal na ng ulam sa karinderya!
Hindi ko na kayang magbayad ng utang!
Ang mahal pa rin ng langis!

Ang hirap ng buhay! ๐Ÿ˜ข

Humaharap tayo ngayon sa matinding krisis pang-ekonomiya. Dulot daw ito ng agresyon ng imperyalistang Estados Unidos sa Kanlurang Asya, pero bakit pasanin nating simpleng mamamayan ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis, pamasahe at mga batayang bilihin?

Bakit kasabay nito ay lumalalala din ang pagpapahirap ng gobyerno sa taumbayan, panunupil sa mga lider-estudyante, mga aktibista, at mga progresibong indibidwal?

Tara, pag-aralan natin!

๐Ÿ“š ๐„๐ƒ ๐จ๐ง ๐–๐š๐ซ & ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ
April 28, 5 PM โ€“ College of Arts and Letters, UP Diliman

๐Ÿ“š ๐„๐ƒ ๐จ๐ง ๐’๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐๐š๐ฌ๐ข๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐š ๐…๐š๐ฌ๐œ๐ข๐ฌ๐ญ ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž
April 30, 4 PM โ€“ College of Arts and Letters, UP Diliman

๐Ÿ“š ๐„๐ƒ ๐จ๐ง ๐Œ๐ž๐ซ๐œ๐ž๐ง๐š๐ซ๐ฒ ๐“๐ซ๐š๐๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐€๐…๐
May 4, 1 PM โ€“ UP Manila

Register here:
https://shorturl.at/uLjjF
https://shorturl.at/uLjjF
https://shorturl.at/uLjjF


24/04/2026

HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!
ITIGIL ANG MILITARISASYON SA NEGROS!

Mariing kinokondena ng Gabriela Youth ang naganap na masaker sa Toboso, Negros Occidental kung saan 653 residente mula Brgy. Salamanca at Brgy. San Jose ang napilitang lumikas dahil sa operasyong militar ng 79th Infantry Brigade ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kumitil sa 19 na buhay noong Abril 19.

Ilan sa mga kabataang kababaihan na pinaslang ng AFP ay si Alyssa Alano, kasalukuyang Councilor ng UP Diliman University Student Council, at si Maureen Keil Santuyo na isang lider-kabataan at peasant advocate. Kabilang din sa mga naging biktima ng masaker si Errol Wendel, kapwa naglingkod sa hanay ng mga magsasaka, at si RJ Ledesma na isang community journalist mula sa Paghimutad-Negros at regional coordinator ng Altermidya. Ibinukas nila ang kanilang husay at talino at inalam ang kalagayan masang api sa Negros. Matapos masaksihan ang malawakang kawalan ng lupa at ang walang-kaparis na pang-aapi at pagsasamantala ay magiting nilang pinili na paglingkuran ang mga magsasaka at manggagawang-bukid sa rehiyon.

Tinatangka ng AFP na ibaluktot at pagtakpan ang masaker na ginawa nila sa Toboso bilang isang โ€œarmadong engkwentroโ€ at pag-angkin na โ€œ19 miyembro ng armadong grupo ang na-neutralize.โ€ Taliwas sa kanilang naratibo na sumunod sila sa mga alituntunin ng digmaan ay labis na gumamit ng puwersa at kulangan sa mga pananggalang upang maprotektahan ang buhay. Ang hayag na paglabag ng AFP sa International Humanitarian Law (IHL) ay hindi maaaring ipagsawalang-bahala at nararapat na masusi at agarang imbestigahan.

Mula sa Escalante Massacre noong diktadurang Marcos Sr., Sagay Massacre at Oplan Sauron 1 at 2. Malalim at mahaba ang kasaysayan ng pyudal na pagsasamantala, militarisasyon at pakikibaka ng mga magsasaka at manggagawang-bukid sa Negros. Tinatrato ang isla bilang isang kampo ng militar, kung saan ang mga magsasaka at manggagawang bukid ay dumaranas ng tuloy-tuloy na paniniktik, pananakot, sapilitang โ€œpagsuko,โ€ at red-tagging sa ngalan ng kontra-insurhensya.

Sa kasalukuyan, pinaigting ng Memorandum Order No. 32 ang deployment ng pwersa ng estado na nagreresulta sa paglala ng militarisasyon at pagdami ng mga paglabag sa karapatang pantao. Ipinapakita ng sunud-sunod na kaso ng pang-aabuso sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. ang adyenda nitong supilin ang paglaban ng mamamayan laban sa mga proyektong nagbabanta sa kanilang kabuhayan at paninirahan.

Hindi kailanman matatabunan ng red-tagging at panlilinlang ng NTF-ELCAC sa publiko ang katotohanan na sa halip na tugunan ang ugat ng kahirapan sa kanayunanโ€”ang kawalan ng lupa, kagutuman, at kawalang-kabuhayan, ay pinipili ng papet na rehimen na pairalin ang dahas upang protektahan ang interes ng mga panginoong maylupa, dayuhang kapital, at malalaking negosyo, habang pinapatahimik ang lehitimong paglaban ng mamamayan.

Nakikiisa ang Gabriela Youth sa panawagan na panagutin at singilin ang 79th Infantry Battalion, 303rd Infantry Brigade, at 3rd Infantry Division ng AFP at ang buong rehimeng Marcos Jr.

Hindi titigil ang mga kabataan kababaihan hangga't hindi nakakamit ang hustisya para sa lahat ng biktima ng pasismo ng estado. Hindi kailanman terorismo ang pag-aaral sa lipunan, pakikipamuhay sa uring anakpawis at pagkilos tungo sa tunay na pagbabago ng lipunan.

Pagpupugay kina Alyssa Alano, Maureen Keil Santuyo, RJ Ledesma, Errol Wendel, at sa lahat ng nag-alay ng kanilang buhay para paglingkuran ang sambayanan!

Pananagutin ang AFP at rehimeng US-Marcos Jr.!
Wakasan ang militarisasyon sa kanayunan!
Ipaglaban ang karapatan ng mamamayan ng Negros!

Photos from Gabriela Youth UP Manila's post 17/04/2026

๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐๐† ๐Œ๐€๐‹๐€๐˜๐€โ€™๐“ ๐Œ๐€๐“๐€๐๐€๐๐†, ๐€๐๐†๐Š๐ˆ๐๐† ๐†๐€๐๐ƒ๐€ ๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐๐€๐๐ˆ๐๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐†๐€๐! ๐Ÿชž๐Ÿ’œ

Sa paglipas ng Buwan ng Kababaihan, patuloy nating bitbit at isinasabuhay ang nag-aalab na diwa nito sa ating mga panawagan, pagkilos, at bawat anyo ng malayang pagpapahayag ng sarili.

Samahan muli ang Gabriela Youth UP Manila at She Moves MNL sa panibagong petsa ng basic makeup workshop na magsisilbing isang espasyo ng pagkatuto, paglikha, at pagpapatibay ng kumpiyansa ng bawat mag-aaral.

Huwag nang palampasin pa ang pagkakataong ito dahil libre na ang registration fee ng unang labinlimang (15) participants ng workshop ๐Ÿ’œ Kitakits, UP Manila! ๐Ÿ’‹

๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ฐ ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐˜‚๐—ฝ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ
๐Ÿ—“๏ธ Abril 22, 2026 | 1:00 PM - 4:00 PM
๐Ÿ“RH 307, UP Manila

๐Ÿ”— Magrehistro rito para sa LIMITED FREE 15 SLOTS:
https://forms.gle/VroHHTMKNyHAy6TNA
https://forms.gle/VroHHTMKNyHAy6TNA
https://forms.gle/VroHHTMKNyHAy6TNA

Presented by:
Gabriela Youth UP Manila
UP Manila Center for Gender and Women Studies
She Moves MNL

In partnership with:
UP Sigma Alpha Nu Sorority Manila
UP Manila CAS Student Council
Organization Communication Society




Photos from Glowhrain KMU's post 15/04/2026

BAKIT MAY WELGA SA KOWLOON HOUSE WEST?

Basahin at palaganapin ang dahilan sa welga ng mga manggagawa ng Kowloon. Ang sagot sa ilantaong pambabarat, overwork, at pambabastos sa unyon - WELGA!

Ipakita ang inyong suporta, pumunta sa piketlayn ng mga manggagawa sa Kowloon House West Avenue!

14/04/2026

IABANTE ANG WELGANG TRANSPORTASYON PATUNGONG PROTESTANG BAYAN

Tigil-pasada. Walkout ng mga estudyante. Protestang komunidad. Barikadang bayan. Kampuhan. Welga.

Buong bayan, lahat ng mamamayan, lalaban kontra sa gerang agresyon ng US at Israel, kontra sa manhid at inutil na rehimeng Marcos, kontra sa ganid na mga kompanya ng langis. Kontra sa gera at kahirapan.

Bukas, Abril 15, iaabante natin ang laban. Sa kalsada, sa terminal, sa palengke, sa komunidad, sa pagawaan, mas marami at mas malakas nating isisigaw:

Tanggalin ang VAT at excise tax sa langis!
I-rollback ang presyo ng krudo sa P55.00!
Ibasura ang oil deregulation law!
Isabansa ang industriya ng langis!
Itaas ang sahod at kita sa nakabubuhay na antas!
Itigil ang gerang agresyon ng US!

Tsuper, operator, at mamamayan: buong bansa, SUMAMA SA PROTESTANG BAYAN!

Want your business to be the top-listed Government Service in Ermita?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


UP Manila College Of Arts And Sciences
Ermita
1000