15/09/2026
UPDATE: Sa 21-anyos na Babae, na Natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay, kriminal Nahuli na.
Sa SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA β Nalutas umano ng San Antonio Municipal Police Station (MPS) ang kaso ng pagk**atay ng isang 21-anyos na babaeng estudyante na unang iniulat bilang isang umanoβy su***de sa Barangay Sto. Cristo, San Antonio, Nueva Ecija.
Ayon sa ulat , sa pangunguna ni PMAJ Ernesto V. Esguerra, Acting Chief of Police ng San Antonio MPS, isinagawa ang investigation kasama ang Tracker Team at mga imbestigador ng himpilan.
Natagpuan ang biktima na wala nang buhay sa ilalim ng kaniyang k**a sa loob ng kanilang tahanan noong Setyembre 6, 2026, bandang alas-11:20 ng umaga. May nakataling kumot sa kaniyang leeg nang matagpuan siya.
Gayunman, nakapansin ang mga responding police officers ng ilang pangyayari sa crime scene na nagdulot ng hinalang maaaring hindi simpleng su***de ang insidente.
Agad na humingi ng assistance ang San Antonio MPS sa Scene of the Crime Operations (SOCO) para sa masusing pagsusuri sa crime scene. Nakolekta at na-document ang ilang ebidensya, kabilang ang latent prints at mga sample mula sa bloodstain na nakita sa sahig at kumot.
Sa crime scene processing, napag-alamang nawawala rin ang iPhone 16 Plus ng biktima na tinatayang nagkakahalaga ng β±66,990.
Isinailalim sa autopsy ang labi ng biktima. Batay sa Death Certificate, ang sanhi ng kaniyang pagk**atay ay βAsphyxia by Strangulation.β
Nagpatuloy ang follow-up investigation sa pangunguna ni PMAJ Esguerra, kabilang ang pagkuha ng impormasyon mula sa mga posibleng testigo at pagsusuri ng available CCTV footage sa paligid ng lugar at mga posibleng dinaanang ruta ng suspek.
Sa tulong ng Tracker Team at mga imbestigador, ginamit ang iCloud account ng biktima at ang βFind Myβ feature upang matunton ang nawawalang cellphone. Ang tracking operation umano ang naging mahalagang bahagi sa pagtukoy sa taong may hawak ng cellphone.
Kalaunan, natukoy at naaresto ang isang 27-anyos na lalaki, residente rin ng Barangay Sto. Cristo, San Antonio, Nueva Ecija.
Matapos ang kaniyang pagkakaaresto, iniulat ng pulisya na lumagda ang suspek sa isang Extra-Judicial Affidavit/Confession bandang alas-3:30 ng hapon noong Setyembre 7, sa tulong ng kaniyang counsel of choice.
Ayon sa police report, inamin umano ng suspek na nagtungo siya sa bahay ng biktima bandang alas-4:30 ng madaling-araw noong Setyembre 6 upang manghiram ng β±5,000. Nauwi umano sa pagtatalo ang kanilang pag-uusap matapos sabihin ng biktima na hindi siya makapagpapahiram ng nasabing halaga.
Inamin umano ng suspek na nagalit siya at inatake ang biktima, bago ito sinakal gamit ang kaniyang dalawang k**ay hanggang sa hindi na huminga.
Ayon pa sa kaniyang salaysay, matapos niyang mapagtanto na wala nang buhay ang biktima, tinangka umano niyang palabasing su***de ang insidente. Itinali umano niya ang kumot sa leeg ng biktima at ikinabit ang kabilang dulo nito sa bahagi ng k**a.
Inamin din umano ng suspek ang pagkuha sa cellphone ng biktima.
Batay sa kabuuan ng nakalap na ebidensyaβkabilang ang crime scene findings, resulta ng autopsy, CCTV backtracking, cellphone tracking at Extra-Judicial Confessionβsinabi ng San Antonio MPS na ang insidente ay itinuturing na Murder at inihahanda ang kaukulang kasong kriminal laban sa suspek.
Nakipag-ugnayan na rin ang imbestigador sa Nueva Ecija Provincial Legal Office para sa kaukulang legal na hakbang at pagsasampa ng nararapat na kaso.
Samantala, sinabi ni PMAJ Ernesto V. Esguerra na ang pagkakalutas sa kaso ay bunga ng dedikadong imbestigasyon, teamwork at commitment to justice ng mga tauhan ng San Antonio MPS.
San Antonio MPS
Ctto