12/10/2026
📅 October 12,2026| Flag Raising Ceremony 🇵🇭
Tuwing ikalawang Lunes ng bawat buwan, matagumpay na isinasagawa ang Flag Raising Ceremony sa Barangay Hall ng Barangay Fortuna sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay, Hon. Randy G. Paguio, kasama ang buong Sangguniang Barangay.
Katuwang sa nasabing aktibidad ang ating mga Barangay Tanod, Barangay Health Workers (BHW), Senior Citizens, mga Purok Leaders, at iba pang mga residente ng Barangay Fortuna na patuloy na nakikiisa sa mga gawain ng pamahalaang barangay.
Pinangunahan ang panalangin ni Pastor Rodolfo Sarmiento Castro Sr.
✨ Tunay na pagkakaisa, makabuluhang serbisyo para sa lahat!
Ang pagkakaisa ng pamunuan at mamamayan ang nagsisilbing matibay na sandigan sa paghahatid ng tapat, bukas, at de-kalidad na serbisyo publiko. Sa bawat gawain—maliit man o malaki—nagkakaisa ang buong barangay tungo sa mas maunlad, maayos, at mapayapang Barangay Fortuna. 🇵🇭
▪️ PROYEKTU AT PANTE - PANTE SERBISYU▪️