15/09/2026
FREE BOARD EXAMINATION FEE PROGRAM | PAY-OUT
Isang karangalan para sa ating tanggapan na makapaghatid ng suporta sa ating mga graduate students at mga kwalipikadong examinees na naghahanda para sa kanilang Licensure at Board Examination.
Sa pamamagitan ng Free Board Examination Fee Program, hangad nating makatulong sa pagbawas ng gastusin ng ating mga kababayan habang sila ay nagsusumikap na makamit ang kanilang pangarap na maging lisensyadong propesyonal.
Patuloy nating susuportahan ang edukasyon at ang mga kabataang may pangarap, sipag, at determinasyon na umunlad sa buhay.
Mag-aral nang mabuti. Manalig sa sarili. Ipaglaban ang pangarap.
Sa lahat ng ating mga benepisyaryo, good luck sa inyong Licensure at Board Examination! Nawa'y maging matagumpay ang inyong pagsisikap at paglalakbay tungo sa propesyon.