23/10/2026
𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐀𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝟗𝟖𝐈𝐁, 𝐏𝐀𝐏𝐀𝐈𝐆𝐓𝐈𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐆𝐔𝐑𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐘𝐀𝐏𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐔𝐌𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃
Ipinasa ni Lt. Col. Melchor L. Balasi ang pamumuno ng 98th Infantry “MASINAG” Battalion kay Lt. Col. Ronimar G. Abrero sa isang Change of Command Ceremony noong Oktubre 20. Pinangunahan ni Major General Gulliver L. Señires, Commander ng 5th Infantry Division ang seremonya sa Old Capitol, Kabugao, Apayao.

Inaasahang paiigtingin ng 98IB ang mga programa para sa kapayapaan at seguridad sa ilalim ni Lt. Col. Abrero. Ipinahayag ni MGen. Señires ang tiwala kay Abrero na ipagpapatuloy ang mga nasimulang misyon. Kinilala rin ang serbisyo ni Lt. Col. Balasi na nagpasalamat sa suporta ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng bagong liderato na patatagin ang ugnayan ng militar sa mga komunidad at LGU, upang matiyak ang ligtas at mapayapang pamumuhay ng mga residente sa Apayao.
Courtesy: 98th Infantry “Masinag” Battalion