22/08/2026
Bayanihan para sa Mas Matatag na Toytoy Integrated School ๐ค๐๐
Isang makabuluhang pagtitipon ang naganap noong August 20, 2026, ganap na 2:00 PM sa TIS Pavilion para sa unang General Parents-Teachers Association (GPTA) Meeting ng Toytoy Integrated School.
Dinaluhan ito ng mga magulang ng ating mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 12, kasama ang ating mga g**o mula Elementary, Junior High School, at Senior High School. ๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ๐ฉโ๐ซ
Ang pagtitipon ay naging mas espesyal sa pagdalo at paggabay ng ating bagong School Head, Maโam Girlie V. Cledera, na naghatid ng mensahe ng pakikiisa, suporta, at pagtutulungan para sa kapakanan at tagumpay ng bawat mag-aaral. ๐
Naging mahalagang pagkakataon ang pagpupulong upang higit na mapagtibay ang ugnayan ng paaralan, mga g**o, at mga magulang. Sapagkat naniniwala tayo na ang edukasyon ay mas nagiging makabuluhan kapag ang paaralan at tahanan ay nagkakaisa tungo sa iisang layuninโang paghubog ng isang mabuti, mahusay, at matagumpay na mag-aaral. ๐
Kapag sama-sama, mas matatag. Kapag nagkakaisa, mas malayo ang mararating ng bawat batang TIS. ๐ฑโจ
Mabuhay ang Toytoy Integrated School GPTA!
Mabuhay ang ating mga magulang, g**o, at mga mag-aaral! ๐๐