Quezon Province Latest

Call Directions

Quezon Province Latest Andito ang Totoo — Balita ng Quezon, Para sa Quezon!

LUCENA DRRMO, NAGSAGAWA NG DAILY OPERATIONS BRIEFING KASAMA ANG 15TH SPECIAL FORCES COMPANYNagsagawa ng Daily Operations...
06/10/2026

LUCENA DRRMO, NAGSAGAWA NG DAILY OPERATIONS BRIEFING KASAMA ANG 15TH SPECIAL FORCES COMPANY

Nagsagawa ng Daily Operations Briefing ang Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Office (LCDRRMO) sa pangunguna ni DRRM Officer Janet Vargas Gendrano nitong Oktubre 5, 2026, mula alas-8:55 hanggang alas-9:20 ng umaga.

Nakiisa sa briefing ang 15th Special Forces Company sa ilalim ng “Sa Lucena VIP Ka Program.”

Tinalakay sa pagpupulong ang DRRM plans at paghahanda para sa buwan ng Oktubre upang matiyak ang maayos na koordinasyon at kahandaan sa mga nakatakdang aktibidad ng lungsod.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng LCDRRMO sa iba't ibang ahensya para sa mas ligtas at handang Lucena.

LUCENA CITY LGU, SUMABAK SA RISCON TOKYO 2026 PARA PALAKASIN ANG DISASTER RESPONSEUpang higit na mapalakas ang kahandaan...
06/10/2026

LUCENA CITY LGU, SUMABAK SA RISCON TOKYO 2026 PARA PALAKASIN ANG DISASTER RESPONSE

Upang higit na mapalakas ang kahandaan ng Lungsod ng Lucena sa sakuna, nagsagawa ng learning visit ang delegasyon ng lungsod sa Japan para pag-aralan ang karanasan nito sa disaster risk reduction, emergency response, at public safety.

Dumalo ang grupo sa RISCON TOKYO & SEECAT 2026 sa Tokyo, kung saan kanilang sinuri ang mga makabagong teknolohiya, kagamitan, at mga pamamaraan sa disaster at crisis management.

Bukod sa exhibit, bumisita rin ang delegasyon sa ilang pasilidad upang mas maunawaan kung paano naghahanda at tumutugon ang Japan sa mga emergency situation.

Ayon sa LGU, mahalagang aral ang mga natutunan na magsisilbing gabay sa patuloy na pagsisikap na gawing mas handa, ligtas, at resilient ang Lungsod ng Lucena.

VICE GOV. THIRD ALCALA, NANGUNA SA IKA-65 PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN SA MACALELONPinangunahan ni ...
06/10/2026

VICE GOV. THIRD ALCALA, NANGUNA SA IKA-65 PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN SA MACALELON

Pinangunahan ni Vice Governor Third Alcala ang isinagawang ika-65 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa bayan ng Macalelon nitong Oktubre 5.

Sa ilalim ng pamumuno ni Vice Gov. Alcala, tinalakay at sinuri ng Sangguniang Panlalawigan ang mga panukala, resolusyon, at iba pang mahahalagang usaping nakapaloob sa agenda ng sesyon na may direktang kinalaman sa pamamahala at kapakanan ng mga Quezonian.

Sa oras ng pribilehiyo, tinalakay ni Board Member John Joseph Aquivido ang isyu ng Sustainable Digital Inclusion na layong tugunan ang pagpapatupad ng mga programa ng DICT para sa konektibidad ng mga pampublikong paaralan at ang Bayanihan SIM Rollout sa lalawigan.

Ayon kay Vice Gov. Alcala, patuloy na gagampanan ng Sangguniang Panlalawigan ang tungkulin nitong pag-aralan at hubugin ang mga ordinansa at resolusyong magsisilbing gabay sa mas maayos, episyente, at responsibong pamamahala para sa buong Quezon.

ILANG BAHAGI NG MALINAO SPRING, NATUYO!Kapansin pansin ang pagkatuyo at pagkakaroon ng lumot ng ilang bahagi ng bukal na...
05/10/2026

ILANG BAHAGI NG MALINAO SPRING, NATUYO!

Kapansin pansin ang pagkatuyo at pagkakaroon ng lumot ng ilang bahagi ng bukal na epekto umano ng matinding El niño,

Lubos namang ikinabahala ng mga residente at mga taong umaasa rito, bilang ito ay isa sa mga pinagkukunan nila ng tubig at pangkabuhayan, ayon pa sa mga residente, unti-unting humina ang agos ng tubig sa bukal simula pagpasok ng buwan ng Hunyo hanggang sa tuluyang mawalan na ng tubig.

HYBRID RICE FIELD DAY, ISINAGAWA SA PAGBILAOIsang tagumpay ang isinagawang Farmer's Field Day para sa Scalable Hybrid Ri...
05/10/2026

HYBRID RICE FIELD DAY, ISINAGAWA SA PAGBILAO

Isang tagumpay ang isinagawang Farmer's Field Day para sa Scalable Hybrid Rice Model Farm Project sa Binahaan!

Ipinasilip sa ating mga magsasaka ang makabagong teknolohiya at pamamaraan sa hybrid rice farming — mas mataas na ani, mas magandang kita.

Pinangunahan ng ating minamahal na Punong Bayan, Hon. Mayor Ate Gigi Portes, ang aktibidad bilang patunay ng buong suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura.

Tuloy-tuloy ang pagsusulong ng mga programang magpapalakas sa kaalaman at kabuhayan ng bawat rice farmer tungo sa mas masagana at maunlad na bayan.

QUEZON, INILUNSAD ANG ₱14M LIVELIHOOD PROJECT PARA SA KAPAYAPAANInilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon katuwang...
05/10/2026

QUEZON, INILUNSAD ANG ₱14M LIVELIHOOD PROJECT PARA SA KAPAYAPAAN

Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon katuwang ang OPAPRU ang proyektong “KAPIT-ALL-YOU: Negosyo at Kabuhayan Para sa Lahat” ngayong Lunes, Oktubre 5, 2026 sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

May pondong ₱14 milyon, layon ng proyekto na magbigay ng kabuhayan, pagsasanay, at tulong pang-edukasyon sa mga peace advocates at kanilang pamilya.

Kabilang sa benepisyo ang livelihood packages para sa 36 katao, scholarship para sa 41 estudyante, tulong pangkabuhayan para sa 17 pamilya, at suporta para sa tatlong agriculture cooperatives.

Layon nitong isulong ang sustainable livelihood, palakasin ang kooperasyon sa komunidad, at mag-ambag sa pangmatagalang kapayapaan at inklusibong pag-unlad sa Quezon.

HERITAGE HOUSE SA SARIAYA QUEZON, IBINEBENTA?Ibinebenta umano sa halagang P120 milyon ang iconic na Don Natalio Enriquez...
04/10/2026

HERITAGE HOUSE SA SARIAYA QUEZON, IBINEBENTA?

Ibinebenta umano sa halagang P120 milyon ang iconic na Don Natalio Enriquez heritage house sa Sariaya, Quezon, ayon sa nakalap na impormasyon ng El Reportero.

Ang naturang bahay na dinisenyo ni Andres Luna de San Pedro ay may disenyong Art Deco at idineklarang heritage house ng noo'y National Historical Institute noong 2008.

Isa ito sa mga kilalang ancestral house noong panahon ng Amerikano na matatagpuan sa Sariaya, isang bayan na tanyag sa mga marangyang tahanan ng mayayamang pamilya.

Matatandaang noong 2015, kabilang ang bahay na ito sa mga heritage structure na nanganganib dahil sa road-widening project sa kahabaan ng Maharlika Highway. Dahil sa pagtutol ng mga heritage advocate, hindi natuloy ang proyekto at sa halip ay bypass road ang itinayo.

Ayon sa heritage law, hindi iligal ang pagbebenta ng heritage property, ngunit ang responsibilidad sa pagpapanatili ng istruktura ay mapupunta sa bagong may-ari.

GROUND BREAKING NG SENIOR CITIZEN’S BUILDING, ISINAGAWA SA SAN ANTONIO, QUEZONKasabay ng ika-69 anibersaryo ng Bayan ng ...
04/10/2026

GROUND BREAKING NG SENIOR CITIZEN’S BUILDING, ISINAGAWA SA SAN ANTONIO, QUEZON

Kasabay ng ika-69 anibersaryo ng Bayan ng San Antonio at ng pagdiriwang ng National Elderly Week, isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Senior Citizen's Building sa Barangay San Jose.

Sinimulan ang aktibidad sa Banal na Misa sa Sacred Heart of Jesus Parish bago ang pormal na seremonya na hudyat ng pagsisimula ng proyektong nakatuon sa kapakanan ng mga nakatatanda.

Pinangunahan ang seremonya ni Mayor Erick M. Wagan kasama sina Vice Mayor Alvin Pillerba, Municipal Administrator Mayora Marie Grace Wagan, OSCA President Benigno Perez, Senior Citizens Federation sa pangunguna ni Gng. Ellie Quizon, mga punong barangay, at mga kawani ng pamahalaang bayan.

Ang itatayong gusali ay magsisilbing maayos at komportableng lugar para sa mga programa, pagpupulong, at serbisyo na nakalaan para sa mga senior citizen ng bayan.

TAU GAMMA PHI, IPINAGDIWANG ANG IKA-58 ANIBERSARYO SA TAYABAS CITYMatagumpay na ipinagdiwang ng Tau Gamma Phi Triskelion...
04/10/2026

TAU GAMMA PHI, IPINAGDIWANG ANG IKA-58 ANIBERSARYO SA TAYABAS CITY

Matagumpay na ipinagdiwang ng Tau Gamma Phi Triskelions' Grand Fraternity ang ika-58 Founding Anniversary sa Silungang Bayan, Tayabas City, Quezon, sa pangunguna ng Quezon Provincial Council.

Dinaluhan ang pagtitipon ng mga Triskelion mula sa iba't ibang chapters at councils sa buong lalawigan, na nagkaisa sa pagtataguyod ng mga prinsipyo ng kapatiran, liderato, paglilingkod, at pagmamalasakit sa komunidad.

Ang selebrasyon ay hindi lamang paggunita sa 58 taong pagkakatatag ng kapatiran, kundi muling pagpapatibay ng kanilang pangako na palakasin ang samahan at maghatid ng makabuluhang serbisyo para sa komunidad.

DOH CALABARZON, BUMISITA SA LUCENA CITY PARA SA LIGTAS TIGDAS CAMPAIGNBumisita sa Lucena City Health Office si Dr. Nicho...
03/10/2026

DOH CALABARZON, BUMISITA SA LUCENA CITY PARA SA LIGTAS TIGDAS CAMPAIGN

Bumisita sa Lucena City Health Office si Dr. Nicholas Santos, Family Health Unit Cluster Head, kasama ang kanyang team mula sa DOH CHD IV-A CALABARZON, para sa isinagawang supportive supervision at monitoring ng patuloy na pagpapatupad ng Ligtas Tigdas Campaign.

Bilang bahagi ng kanilang pagbisita, nagtungo rin ang team sa Brgy. Mayao Kanluran at Brgy. Iba Dupay upang saksihan ang aktwal na pagbabakuna sa komunidad at magbigay ng suporta at gabay sa mga health workers.

Patuloy naman ang pagbabakuna sa lahat ng Barangay Health Centers sa Lucena City upang mas maraming bata ang mabigyan ng proteksyon laban sa tigdas.

Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa lahat ng health workers at katuwang na ahensya sa patuloy na pagtutulungan para sa kalusugan ng bawat batang Lucenahin.

Address

General Nakar

Telephone

+639760867010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon Province Latest posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share