21/08/2026
🌱 Sama-Samang Hakbang Tungo sa Mas Malinis na General Nakar ♻️
Sa pagnanais ng ating Punong Bayan, Mayor Alfredo J. Pujeda, na higit pang mapagtibay ang pagpapaganda at pagpapanatili ng kalinisan sa ating bayan at maiwasan ang lumalalang problema sa polusyon dulot ng basura, isinagawa kahapon, Agosto 20, 2026, sa Municipal Building ng General Nakar ang Orientation on the Updating of the Municipal Solid Waste Management Plan.
Katuwang ng ating Punong Bayan ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pangunguna ni For. Jing F. Astejada, kasama ang mga kawani ng tanggapan, sa pagsusulong ng mas maayos, episyente, at pangmatagalang pamamahala ng ating basura.
Nagsilbing consultant sa pagbuo at pag-update ng plano ang Geoinfometrics Solutions Corp., katuwang ang lahat ng Barangay sa Bayan ng General Nakar. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat barangay, tanggapan, at mamamayan, mas magiging maayos at epektibo ang pagpapatupad ng mga programa para sa solid waste management.
Ang isinagawang orientation ay isa pa lamang sa marami pang hakbang na isasagawa upang higit pang mapabuti ang ating sistema sa pamamahala ng basura. Kaya naman, hinihikayat namin ang pakikiisa, pakikipagtulungan, at aktibong pakikilahok ng bawat isa.
Sama-sama nating isulong ang isang mas malinis, maayos, ligtas, at mas maunlad na General Nakar. 🌿
Sa pagkakaisa at sama-samang pagkilos, tunay na aangat ang ating bayan!