05/10/2026
๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ ๐๐๐๐
Ngayong Lunes, ika-5 ng Oktubre 2026, sama-samang sinimulan ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng General Nakar, Quezon ang panibagong linggo sa pamamagitan ng regular na Flag Raising Ceremony na ginanap sa Municipal Grounds, sa pangunguna ng GN SIAD sa pamumuno ni Project Development Mr. Angelo Cuerdo.
Matapos ang seremonya, nagpatuloy ang pagtitipon sa Municipal Lobby, kung saan nagpaabot ng mahalagang mensahe ang ating Municipal Vice Mayor Rodel A. Avellaneda. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa, malasakit, at patuloy na pagtutulungan sa paghahatid ng mahusay at tapat na serbisyo para sa mga mamamayan ng General Nakar, Quezon.
Sinundan ito ng mensahe mula sa ating Butihing Mayor Alfredo J. Pujeda, na nagbigay ng inspirasyon at paalala sa mga kawani na patuloy na isabuhay ang dedikasyon, integridad, at malasakit sa kanilang tungkulin bilang mga lingkod-bayan.
Bahagi rin ng programa ang paggawad ng Plaque of Recognition sa ating Butihing Mayor Alfredo J. Pujeda, bilang pagkilala sa kanyang mahalagang ambag at pagsisikap sa pagsusulong ng mga hakbang laban sa ilegal na droga at sa pagprotekta sa kabataan ng General Nakar, Quezon.
Samantala, iginawad naman sa mga napiling empleyado ang kanilang cash prizes mula sa isinagawang raffle bilang bahagi ng nakaraang 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) Celebration.
Isang simpleng paraan ito ng pagbibigay-pugay at pagpapahalaga sa dedikasyon at mahalagang ambag ng ating mga kawani sa patuloy na paghahatid ng serbisyo publiko.
Sa bawat seremonya, mensahe, pagkilala, at pagpapahalaga, patuloy nating pinatitibay ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at tapat na paglilingkod para sa buong sambayanan.
Mabuhay ang mga lingkod-bayan ng General Nakar!
Patuloy ang serbisyong may puso para sa bawat Nakareรฑo.