General Nakar, Quezon

Call Directions Website

General Nakar, Quezon This is the official page of LGU General Nakar, Quezon.
(2)

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha ngayong araw, ika-21 ng Setyembre 2026, sa isinagawang Courtesy Call ng mga kawani mula sa P...
21/09/2026

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha ngayong araw, ika-21 ng Setyembre 2026, sa isinagawang Courtesy Call ng mga kawani mula sa PMNP, kasama si OIC-MHO Dr. Trystam Eymar Almario, sa ating minamahal na Mayor Alfredo J. Pujeda.

Sa pakikipagtuwang ng ating Lokal na Pamahalaan sa PMNP, napapalakas ang ugnayan at koordinasyon sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyong pangkalusugan para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Patuloy ang ating sama-samang pagkilos tungo sa isang mas maayos, ligtas, at malusog na pamayanan.

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha ngayong araw, ika-21 ng Setyembre 2026, sa isinagawang Flag Raising Ceremony sa Brgy. Umiray...
21/09/2026

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha ngayong araw, ika-21 ng Setyembre 2026, sa isinagawang Flag Raising Ceremony sa Brgy. Umiray, General Nakar, Quezon.
Dumalo sa nasabing aktibidad si Executive Assistant V Efren Pujeda, gayundin si 1LT Dariel A Aboabo, Commanding Officer Bravo β€œMatatag” Company, 80th Infantry Battalion, kasama ang mga kawani mula sa LGU Extension Office.

Sinundan ito ng Rice Distribution na malugod na tinanggap ng ating mga kababayan sa Brgy. Umiray, sa pangunguna ni Kapitan Eric Astrera kasama ang buong Sangguniang Barangay ng Umiray, bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyo at suporta sa ating mga komunidad.

Ang Lokal na Pamahalaan ng General Nakar, sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Alfredo J. Pujeda, ay patuloy na nagsisikap na mailapit ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan sa bawat barangay, lalo na sa mga komunidad na nangangailangan ng tulong at suporta.

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha ngayong araw, ika-21 ng Setyembre 2026, sa isinagawang Courtesy Call ng mga kawani ng Depart...
21/09/2026

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha ngayong araw, ika-21 ng Setyembre 2026, sa isinagawang Courtesy Call ng mga kawani ng Department of Agriculture –Agricultural Training Institute (DA-ATI), sa pangunguna ni Training Specialist II Marian Lovella Parot, sa ating minamahal na Mayor Alfredo J. Pujeda. Naroon din ang ating Municipal Agriculturist John Leo Tena.

Bahagi ng naturang pagbisita ang pag-endorse sa mga EBAEC participants para sa kanilang Community Immersion, na layuning magbigay ng aktuwal na karanasan at pagkatuto sa loob ng komunidad ng ating bayan.

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha sa ginanap na Flag Raising Ceremony ngayong araw ng Lunes, ika-21 ng Setyembre 2026, na pina...
21/09/2026

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha sa ginanap na Flag Raising Ceremony ngayong araw ng Lunes, ika-21 ng Setyembre 2026, na pinangasiwaan ng Office of the Secretary to the Sangguniang Bayan (SBS) sa pamumuno ni SB Secretary Analyn Vargas.

Naging matagumpay ang gawaing ito sa ilalim ng mahusay na paggabay at suporta ng ating minamahal na Mayor Alfredo J. Pujeda, kasama at katuwang ang Sangguniang Bayan, at mga kawani mula sa ating Lokal na Pamahalaan.

π“πˆππ†ππ€π | Pakikiisa sa ika-41st International Coastal Cleanup ng Bayan ng General Nakar na ginanap noong, Setyembre 18, ...
21/09/2026

π“πˆππ†ππ€π | Pakikiisa sa ika-41st International Coastal Cleanup ng Bayan ng General Nakar na ginanap noong, Setyembre 18, 2026, na pinangunahan ng ating minamahal na Mayor Alfredo J. Pujeda ang sama-samang pagkilos para sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga sa ating baybaying-dagat. Pinangasiwan ng tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources, sa pamumuno ni For. Jing Astejada ang nasabing aktibidad.

Katuwang sa gawaing ito ang mga Hepe ng iba’t ibang Tanggapan ng Lokal na Pamahalaan at mga kawani, gayundin ang mga kinatawan ng mga National Government Agencies, CSO members at mga LGU Scholars ng NQCI na nagkaisa sa layuning maisulong ang responsableng pangangalaga sa ating mga baybayin at likas na yaman.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pakikilahok ng bawat isa, naipapakita ang kahalagahan ng bayanihan at malasakit sa kalikasan. Ang simpleng paglilinis at tamang pagtatapon ng basura ay malaking ambag sa pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa kasalukuyan at mga susunod na salinlahi.

Patuloy na hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng General Nakar ang bawat mamamayan na makiisa sa mga gawaing naglalayong pangalagaan ang ating kalikasan at panatilihing malinis ang ating bayan.

π“πˆππ†ππ€π | Maayos na isinagawa ngayong hapon, ika-17 ng Setyembre, 2026, ang Flag Retreat Ceremony sa harapan ng ating Ba...
17/09/2026

π“πˆππ†ππ€π | Maayos na isinagawa ngayong hapon, ika-17 ng Setyembre, 2026, ang Flag Retreat Ceremony sa harapan ng ating Bahay Pamahalaan. Pinangasiwaan ang seremonya ng tanggapan ng Municipal Information Office, sa pangunguna ni MIO Cris S. Astoveza.

Ang gawaing ito ay isang makabuluhang pagbibigay-pugay sa ating watawat at sa patuloy na tapat na paglilingkod sa bayan, sa ilalim ng suporta at pamumuno ng ating minamahal na Mayor Alfredo J. Pujeda, katuwang ang Sangguniang Bayan at mga kawani mula sa ating Lokal na Pamahalaan.

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha ngayong araw, ika-17 ng Setyembre 2026, sa isinagawang pagpupulong ng Local School Board (LS...
17/09/2026

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha ngayong araw, ika-17 ng Setyembre 2026, sa isinagawang pagpupulong ng Local School Board (LSB) na ginanap sa ikalawang palapag ng Bahay Pamahalaan ng General Nakar. Pinangunahan ang pagpupulong ng ating Municipal School Board Chairperson at Ama ng Bayan, Mayor Alfredo J. Pujeda, kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin ukol sa edukasyon, kabilang ang:

β€’ Palarong Quezon Updates
β€’ School Shooting Drill Assistance
β€’ Repair and Makeshift of Schools Updates
β€’ Joint Circular No. 1, s. 2025, at iba pang mahahalagang usapin.

Dinaluhan ito ng mga kawani mula sa Lokal na Pamahalaan at iba pang miyembro ng Local School Board. Sa huling bahagi ng pagpupulong, ginawaran ng Plake ng Pagkilala ang Lokal na Pamahalaan ng General Nakar bilang pagkilala sa suporta nito sa Palarong Quezon, na tinanggap ng ating butihing Ama ng Bayan.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagpupulong at koordinasyon ng Local School Board, higit na napagtitibay ang pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan at mga paaralan tungo sa maayos na pagpapaunlad ng edukasyon at sports sa ating bayan.

π“πˆππ†ππ€π | Bilang bahagi ng paghahanda at pagbubuo ng Taunang Pondo para sa Taong 2027, isinagawa ngayong araw, ika-17 ng...
17/09/2026

π“πˆππ†ππ€π | Bilang bahagi ng paghahanda at pagbubuo ng Taunang Pondo para sa Taong 2027, isinagawa ngayong araw, ika-17 ng Setyembre 2026, ang Budget Hearing ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Mayor Alfredo J. Pujeda.

Ang Municipal Budget Office, sa pamumuno ni Municipal Budget Officer Engr. Rosalina Luzano, ang nanguna sa pagsasagawa ng taunang pagdinig sa budget. Layunin ng gawaing ito na masusing talakayin at suriin ang mga panukalang programa, proyekto, at pangangailangan ng bawat tanggapan upang matiyak ang maayos, wasto, at makabuluhang paglalaan ng pondo para sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na serbisyo sa mga mamamayan ng General Nakar.

Dumalo sa Budget Hearing ang ating Punong Bayan, Kgg. Alfredo J. Pujeda, mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kgg. Nelson Sabiduria, Kgg. Aaron Bair Astoveza, Kgg. John Rey Calzado, Kgg. Maica Avellaneda, Kgg. Win Villareal, at IPMR Rosauro Ritual. Naroon din ang mga pinuno ng mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan, MLGOO Alely P. Ditalo, at mga kinatawan mula sa Civil Society Organizations (CSOs).

Sa ilalim ng mahusay na pamumuno ng ating Punong Bayan, patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ang maayos, responsable, at makabuluhang paggamit ng pondo para sa kapakanan at kaunlaran ng bawat Nakarin.

ππ€π‹π€π‘πŽππ† ππ”π„π™πŽπ πŸπŸŽπŸπŸ” 𝐒𝐀 π†π”πŒπ€π‚π€, ππ”π„π™πŽπ | π“π€π†π”πŒππ€π˜ 𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐋𝐄𝐓𝐀𝐍𝐆 ππ€πŠπ€π‘πˆπ.Sa matagumpay na pagtatapos ng Palarong Quezon 202...
17/09/2026

ππ€π‹π€π‘πŽππ† ππ”π„π™πŽπ πŸπŸŽπŸπŸ” 𝐒𝐀 π†π”πŒπ€π‚π€, ππ”π„π™πŽπ | π“π€π†π”πŒππ€π˜ 𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐋𝐄𝐓𝐀𝐍𝐆 ππ€πŠπ€π‘πˆπ.

Sa matagumpay na pagtatapos ng Palarong Quezon 2026 na ginanap sa Bayan ng Gumaca, Quezon nitong nakaraang ika-8 hanggang ika-12 ng Setyembre, 2026, buong puso nating pinupuri at pinasasalamatan ang ating Delegasyon ng Bayan ng General Nakar na buong tapang at dangal na lumaban para sa karangalan ng ating bayan.

Sa kabila ng hamon ng malayong biyahe at mahigpit na kompetisyon laban sa 39 na bayan sa buong lalawigan, matagumpay na naiuwi ng General Nakar ang mga sumusunod na karangalan:

5 - GOLD
14 - SILVER
20 - BRONZE
39 - OVERALL MEDALS

Rank 20 out of 39 Municipalities sa buong Quezon.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang nasusukat sa bilang ng medalya, kundi sa ipinamalas ninyong disiplina, sportsmanship, at pusong Nakarin na hindi sumusuko.

Ang buong tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang tuloy-tuloy at buong pusong suporta ng ating butihing Ama ng Bayan, Mayor Alfredo J. Pujeda.

Sa kanyang malasakit, sinig**o niya na ang ating mga atleta ay may sapat na kagamitan, maayos na transportasyon, at buong suporta ng Pamahalaang Bayan mula umpisa hanggang sa huling laban.

Maraming salamat sa mga coaches, g**o, magulang, at sa LGU family na naging katuwang ng ating mga atleta.

Mabuhay ang mga Atletang Nakarin.

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha ngayong araw, ika-16 ng Setyembre 2026, sa isinagawang Regular Session ng Sangguniang Kabata...
16/09/2026

π“πˆππ†ππ€π | Mga larawang kuha ngayong araw, ika-16 ng Setyembre 2026, sa isinagawang Regular Session ng Sangguniang Kabataan Municipal Federation (SKMF) na pinangunahan ni PPSK Kgg. Lyra E. Samarita, kasama ang mga SK Chairperson mula sa iba’t ibang barangay ng ating bayan. Nakiisa rin sa nasabing pagpupulong sina Local Youth Development Officer at Municipal Information Officer Cris S. Astoveza, DILG Alely P. Ditalo, at mga kawani mula sa COMELEC, upang makibahagi sa mga talakayan at magbigay ng kaukulang gabay at suporta sa mga usaping may kaugnayan sa mga programa at inisyatiba para sa kabataan.
Kabilang sa mga tinalakay na agenda ang:
β€’ Mga anunsyo at mahahalagang paalala mula sa COMELEC
β€’ Pagpaplano para sa Most Outstanding SK Chairperson at Outstanding PPA para sa 10 Centers of Youth Participation
β€’ Ebalwasyon ng LNK 2026
β€’ Pagtatalaga ng Barangay Children Association sa bawat barangay, na magsisilbing katuwang sa pagtukoy at pagtugon sa mga pangangailangan at usaping may kinalaman sa kapakanan at karapatan ng mga bata.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng General Nakar, sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Alfredo J. Pujeda, sa pagsuporta sa mga programa at inisyatiba ng kabataan at sa pagsusulong ng kanilang aktibong pakikilahok sa mga gawaing makatutulong sa patuloy na pagpapaunlad ng ating bayan.

Address

Brgy Anoling, Quezon
General Nakar

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63425357104

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when General Nakar, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share