FITS Center Gen. Nakar

Call Directions Contact the organization

FITS Center Gen. Nakar Disseminates important agri-fisheries information, programs, activities, technology updates and tren

20/06/2025
Attention!!
17/06/2025

Attention!!

05/06/2025

| There will be NO Processing of Veterinary SHIPPING DOCUMENTS on JUNE 6, 2025 in observance of the Eidul Adha (Feast of Sacrifice) (Regular Holiday) (Proclamation No. 911 of MALACAÑAN PALACE)

All Shippers MUST apply for their needed Shipping Documents on JUNE 5, 2025.

Regular Operation will resume on JUNE 9, 2025.

TINGNAN | Para sa kaalaman at gabay tungkol sa ATM Assistance ng mga Rehistradong Magsasaka Isang mapagpalang araw para ...
20/05/2025

TINGNAN | Para sa kaalaman at gabay tungkol sa ATM Assistance ng mga Rehistradong Magsasaka

Isang mapagpalang araw para sa lahat ng mga rehistradong magsasaka. Kung sakali man po na may mga katanungan ukol sa kanilang ATM, PIN code, o masterlist, narito po ang mga posibleng sagot na maaari magbigay ng linaw sa bawat isa.

Layunin ng anunsyong ito ay magbigay-linaw at gabay sa mga karaniwang katanungan ukol sa ATM, PIN code, at status sa masterlist ng mga benepisyaryo ng cash assistance. Sa pamamagitan nito, nawa’y maiwasan ang pagkalito at magkaroon ng mas mabilis na aksyon at koordinasyon sa inyong mga concern.

Kung may katanungan at iba pang impormasyon na nais malaman, magsadya lamang sa aming tanggpan o maaaring mag message sa aming fb page: https://www.facebook.com/fitscenterGNQ



📢 PABATID SA LAHAT NG MGA REHISTRADONG MAGSASAKA!Magandang araw po sa ating mga rehistradong magsasaka! Para po sa kabat...
20/05/2025

📢 PABATID SA LAHAT NG MGA REHISTRADONG MAGSASAKA!

Magandang araw po sa ating mga rehistradong magsasaka!

Para po sa kabatiran ng lahat, narito po ang tamang proseso kung paano ninyo maaari o mababago ang inyong PIN code ng inyong ATM card.

Para Magpalit ng Pin Code:

I-text ang sumusunod na format:
CHANGEPIN BDATE Last 4 Digit of Card New 6 Digit PIN

Halimbawa:
CHANGEPIN 01201986 1234 678876

Isend sa number: 22566118

Siguraduhing tama ang inyong detalye bago magpadala ng mensahe upang maiwasan ang anumang aberya. Maraming salamat po!

Note: Siguraduhing ang gagamitin na number na pang-text, ay ang ginamit na number sa pag-paparehistro sa RSBSA noon.

08/05/2025

| There will be NO Processing of Veterinary SHIPPING DOCUMENTS on MAY 12, 2025
in observance of the NATIONAL and LOCAL ELECTIONS A SPECIAL (NON-WORKING) HOLIDAY
(Proclamation No. 878)

All Shippers MUST apply for their needed Shipping Documents
on may 9, 2025.

regular operation will resume
on May 13, 2025.

Mayo 2025 | 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚Tema: “Makabagong Magsasaka at Mangingisda, Susi sa Masaganang Bagong Pilip...
05/05/2025

Mayo 2025 | 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚

Tema: “Makabagong Magsasaka at Mangingisda, Susi sa Masaganang Bagong Pilipinas.” 👨‍🌾👩‍🌾

Tuwing buwan ng Mayo, ating pinaparangalan ang mga haligi ng ating agrikultura at pangisdaan - ang ating mga magsasaka at mangingisda. Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 33 noong 1989, ang buwang ito ay inilaan upang kilalanin ang kanilang walang kapantay na dedikasyon, kasipagan, at pagmamalasakit para sa ikabubuti ng bawat pamilyang Pilipino. 🌾🌊

Hindi madali ang buhay sa bukid at sa laot. Ngunit sa kabila ng mga hamon, patuloy silang bumabangon at nagsusumikap - para may ani, may huli, at may pagkain sa ating mga hapag.

Ngayong Mayo, sama-sama nating parangalan at pasalamatan ang mga tunay na bayani ng bayan.

Saludo kami sa inyo, mga magsasaka at mangingisda! 🙌




TINGNAN | Masaganang Ani ng Oma Demo Farm   ✨💚Noong Abril 21, 2025, muling nagpakita ng masaganang ani ang ating Oma Dem...
22/04/2025

TINGNAN | Masaganang Ani ng Oma Demo Farm ✨💚

Noong Abril 21, 2025, muling nagpakita ng masaganang ani ang ating Oma Demo Farm sa ilalim ng pangangalaga ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor. Umabot sa kabuuang 38 kilong sariwang gulay ang naani — kabilang ang 25 kilong good size na kamatis, 9 kilong under size na kamatis, at 4 na kilong okra. Lahat ng ito ay matagumpay na naibenta sa mga mamimili. Bukod sa mga naibentang gulay, mayroong 8 kilong kamatis na hindi naibenta at itinuring bilang reject, nakapagbigay din ng 2 kilong kamatis. 🍅

Ang matagumpay na pag-ani ay bunga ng maayos na pangangalaga, paggamit ng organikong pataba, at mahusay na pagsunod sa mga makabagong teknik sa pagtatanim.

Ang mga aning ito ay hindi lang para sa kita kundi para rin sa kalusugan. Ang kamatis ay sagana sa lycopene na mabuti sa puso. Ang okra naman ay kilala sa mataas na fiber content na mainam sa panunaw.

Patuloy tayong kumain ng masustansyang gulay at suportahan ang lokal na agrikultura! Mabuhay ang Oma Demo Farm at ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor! 🧑‍🌾❤️

Para sa mga nais bumili ng sariwang gulay, bisitahin lamang ang aming tanggapan.




TINGNAN | Masaganang Ani ng Oma Demo Farm ✨❤️Noong Abril 19 2025, muling nagpakita ng masaganang ani ang ating Oma Demo ...
22/04/2025

TINGNAN | Masaganang Ani ng Oma Demo Farm ✨❤️

Noong Abril 19 2025, muling nagpakita ng masaganang ani ang ating Oma Demo Farm sa ilalim ng pangangalaga ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor. Umabot sa kabuuang 90.5 kilong sariwang gulay ang naani — kabilang ang 77 kilong talong, 6.5 kilong sili, 3 kilong kamatis, at 4 kilong okra. Lahat ng ito ay matagumpay na naibenta sa mga mamimili. Bukod sa mga naibentang gulay, mayroong 2 kilong talong, 1/4 kilong sili, at 2 kilong okra na hindi naibenta at itinuring bilang reject. 🍆🍅🌶️

Ang matagumpay na pag-ani ay bunga ng maayos na pangangalaga, paggamit ng organikong pataba, at mahusay na pagsunod sa mga makabagong teknik sa pagtatanim.

Ang mga aning ito ay hindi lang para sa kita kundi para rin sa kalusugan. Ang talong ay mayaman sa antioxidants, ang sili ay may taglay na bitamina C, habang ang kamatis ay sagana sa lycopene na mabuti sa puso. Ang okra naman ay kilala sa mataas na fiber content na mainam sa panunaw.

Patuloy tayong kumain ng masustansyang gulay at suportahan ang lokal na agrikultura! Mabuhay ang Oma Demo Farm at ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor!🧑‍🌾💚

Para sa mga nais bumili ng sariwang gulay, bisitahin lamang ang aming tanggapan.




20/04/2025
BUKIDEA | LETTUCE 🥬Alam Mo Ba ❓Ang letsugas o lettuce, isang gulay na tumutubo sa malamig na panahon at kabilang sa pami...
10/04/2025

BUKIDEA | LETTUCE 🥬

Alam Mo Ba ❓

Ang letsugas o lettuce, isang gulay na tumutubo sa malamig na panahon at kabilang sa pamilya ng daisy (Asteraceae), ay unang itinanim ng mga sinaunang Ehipsiyo. Ang Lactuca sativa ay may iba’t ibang uri tulad ng butterhead, romaine, crisphead, at leaf lettuce, na bawat isa ay akma sa iba’t ibang klima at panlasa ng mga mamimili. Ginamit ng mga sinaunang Ehipsiyo ang letsugas hindi lang bilang pagkain kundi bilang halamang gamot. Pinaniniwalaan nilang may kakayahan ito na magpabuti ng tulog at magpalakas ng katawan. Ang letsugas ay isa sa mga unang halaman na pinalaki at kinain ng mga astronaut sa International Space Station noong 2015! Pinatubo ito gamit ang hydroponics at LED lights. 🥬



TINGNAN | Validation at Inspection ng Lawa at Binhi Project Site sa mga Barangay ng Baybay Cluster, Ilaya Cluster, at Ka...
08/04/2025

TINGNAN | Validation at Inspection ng Lawa at Binhi Project Site sa mga Barangay ng Baybay Cluster, Ilaya Cluster, at Kabilugan Cluster: Suporta sa Kalikasan at Agrikultura 🌱 🌊

Isinagawa ang Validation at Inspection ng Lawa at Binhi Project site sa iba't ibang barangay ng Baybay Cluster, Ilaya Cluster, at Kabilugan Cluster bilang bahagi ng inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng General Nakar para sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangangalaga sa kalikasan. Layunin ng aktibidad na tiyakin ang kahandaan ng mga lugar para sa implementasyon ng proyekto at matukoy ang mga pangangailangan ng komunidad upang mas maging epektibo ang mga susunod na hakbang.

Pinangunahan ang aktibidad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang mga kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD), Tanggapan ng Pambayang Agrikultor (OMA) at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO). Ang pagtutulungan ng mga ahensya ay naging susi sa mas malalim na pagsusuri at mas maayos na dokumentasyon ng mga obserbasyon sa bawat site. 👨‍🌾

Ang Project LAWA ay bahagi ng Risk Resiliency Program's Cash-For-Training and Work (CFTW) initiative ng DSWD. Nilalayon nitong tugunan ang kakulangan sa tubig at seguridad sa pagkain—mga hamong lalong pinatindi ng pagbabago ng klima at mga kalamidad. Sa pamamagitan ng mga sustinableng solusyon, nagbibigay ang Project LAWA ng agarang tulong sa mga mahihinang komunidad, upang labanan ang kagutuman at kahirapan. Ang proyekto ay nagbibigay-daan hindi lamang sa environmental restoration kundi pati na rin sa kabuhayan at resilience-building ng mga benepisyaryo.

Sa tulong ng koordinasyon ng DSWD, MSWD, OMA at MENRO, matagumpay na naisagawa ang validation at inspection na ito. Isang malaking hakbang ito patungo sa isang mas berde, produktibo, at matatag na kinabukasan para sa General Nakar.

Kung may katanungan at iba pang impormasyon na nais malaman, magsadya lamang sa aming tanggpan o maaaring mag message sa aming fb page: https://www.facebook.com/fitscenterGNQ



Address

Pamplona
General Nakar
4338

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639508808289

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FITS Center Gen. Nakar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to FITS Center Gen. Nakar:

Shortcuts

Share