21/05/2026
𝐍𝐀𝐑𝐈𝐓𝐎 𝐍𝐀!
Malugod na Ipinababatid ng SabFil Komisyon sa Eleksyon ang 𝑶𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑹𝒆𝒔𝒖𝒍𝒕𝒂 ng isinagawang botohan sa 𝑨𝒍𝒑𝒉𝒂 𝑶𝒎𝒊𝒄𝒓𝒐𝒏 𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝒌𝒊𝒐𝒔𝒌 at 𝑪𝑺𝑺𝑯 𝑺𝒕𝒂𝒈𝒆 kanina, ika-21 ng Mayo 2026.
Papugay at pagbati sa mga bagong halal na Opisyales ng SABFIL!
Gamit ang kanilang katalinuhan, kahusayan, at kumpiyansa sa sarili, sila ay buong pusong nagtungo sa larangan ng halalan upang paglingkuran ang ating samahan. Mula sa pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento para sa kandidatura, pagdalo sa masusing deliberasyon, pagharap sa Miting de Avance, hanggang sa paglatag ng kanilang mga plataporma, pinatunayan nilang kaya nilang harapin at lampasan ang anumang unos. Sa bawat pagsubok, ipinakita nila na sila ay karapat-dapat na mailuklok bilang mga susunod na lider ng ating departamento.
Maraming pagsubok ang kanilang pinagdaanan, ngunit sa kabila ng hirap, matagumpay nilang naipahayag ang kanilang mga layunin para sa ikabubuti ng samahan at ng bawat 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀.
Ngayon, buong-pusong inihahayag ng Komisyon sa Eleksyon ang mga bagong halal na Opisyales ng SABFIL, ang mga lider na uupo at manunungkulan para sa ikauunlad ng ating samahan.
Isang mapagpalang pagbati sa inyong lahat! Nawa'y maging mapayapa, malinis, at dalisay ang inyong mga puso sa pagbubukas ng panibagong kabanata ng inyong pamumuno. Darating ang mga hamon at pagsubok, ngunit nawa'y hindi magbago ang inyong hangarin na tumindig para sa kung ano ang makabubuti sa ating samahan. Manungkulan kayo nang may galak, paninindigan, at pagmamahal sa tungkulin.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng bumoto at nakiisa sa mabilis, maayos, at mapayapang halalan. Ang inyong boses ay susi sa patuloy na pagtataguyod ng makata at makabuluhang pamunuan sa ating samahan.
𝗕𝗔𝗦𝗧𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗚-𝗢𝗡!