18/09/2026
Sa isinagawang 68th Regular Session ng Sangguniang Barangay Bula, naipasa ang isang Resolution Requesting the City Veterinary Office of General Santos City to Conduct a Mass Anti-Rabies Vaccination Program for Dogs and Cats within the Territorial Jurisdiction of Barangay Bula, This City.
Ang panukalang ito ay bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng rabies prevention, responsible pet ownership, at community health, lalo na ngayong ating ginugunita ang World Rabies Day.
🏀 Kasabay nito, inihain din ang Program Proposal para sa Araw ng Bula Basketball Tournament (31–60 Years Old) na naglalayong hikayatin ang ating mga kabarangay na manatiling aktibo at magkaroon ng healthy community activity.
Patuloy nating isusulong ang mga programang makatutulong sa kalusugan, kaligtasan, at aktibong pamumuhay ng ating mga kabarangay.
Kagawad Michael Acharon
Committee Chair on Health
📌 NOTE: Ang Anti-Rabies Resolution ay Resolution Requesting sa City Veterinary Office, at ang Basketball Tournament ay Program Proposal pa lamang. Ang mga ito ay subject pa sa kaukulang proseso, koordinasyon, at approval bago ang aktwal na implementation.