03/06/2026
Personal na nagsagawa ng ocular visit si City Mayor, Hon. Lorelie Geronimo Pacquiao sa Kolehiyo ng Heneral Santos upang suriin ang kahandaan nito para sa nalalapit na pagbubukas.
Kasama sina Engr. Renato Bayani, Executive Assistant Lou Bernandino, Dr. Nestor Blase, Ma'am Aileen Coronado, at mga staff ng Kolehiyo ng Heneral Santos sa pagbisita at pagsusuri ng mga pasilidad at iba pang kinakailangang paghahanda.
Ayon kay Mayor Pacquiao, mahalagang matiyak na handa at maayos ang mga pasilidad upang mabigyan ang mga mag-aaral ng dekalidad na kapaligiran sa pag-aaral.
Photos: Pat Gadjali | Percival Delizo
(Dom Sarmiento/CPIO)
03/06/2026
Nag courtesy visit kay City Mayor, Hon. Lorelie Geronimo Pacquiao si Dr. Nestor Blase kasama si Ma'am Aileen Coronado upang talakayin ang mga posibleng tulong at pakikipagtulungan para sa pagpapalakas ng nalalapit na pagsisimula ng Kolehiyo ng Heneral Santos.
Nagkaroon ng makabuluhang konsultasyon hinggil sa mga programang maaaring makatulong sa matagumpay na pagbubukas at pagpapatakbo ng nasabing institusyon.
Photos: Pat Gadjali
(Dom Sarmiento/CPIO)
03/06/2026
PUBLIC ADVISORY
Pursuant to Presidential Proclamation No. 1006, Series of 2025, and Republic Act No. 12248, Series of 2025, the Local Government Unit of General Santos City informs the public of the following holidays to be observed:
June 12, 2026
Independence Day
Regular Holiday
June 15, 2026
General Santos City Charter Anniversary
Special Non-Working Holiday
The public is hereby advised to plan and schedule their transactions with the City Government accordingly.
For guidance and information.
03/06/2026
READ | MEMORANDUM NO. CMO2026-JUNE-JMA-0188 from the City Mayor's Office on the observance of the Regular and Special (Non-Working) Holidays in June 2026.
Pursuant to Presidential Proclamation No. 1006, Series of 2025, and Republic Act No. 12248, Series of 2025, the Local Government Unit of General Santos City shall observe June 12, 2026 (Friday) as Independence Day, a Regular Holiday, and June 15, 2026 (Monday) as the City Charter Anniversary, a Special Non-Working Day.
However, in the exigency of service, government employees and job order workers assigned to offices performing frontline and essential services including health, public safety, traffic enforcement, disaster risk reduction and management, sanitation, and other critical public services shall continue to report for duty and perform their regular functions.
Please be guided accordingly.
02/06/2026
Nag-courtesy call kay City Mayor, Hon. Lorelie Geronimo Pacquiao sina PBGEN Alan B. Manibog, Acting Regional Director ng PRO 12, PCOL Eric R. De Venancio, ang bagong City Director ng General Santos City Police Office, at Col. Clairemont W. Pinpin, Commander ng Joint Task Force GenSan ngayong araw, Hunyo 2, 2026, sa City Mayor's Office.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang upang higit pang mapatatag ang seguridad at mapanatili ang kaayusan sa lungsod bilang suporta sa patuloy na pag-unlad ng General Santos City at pag-akit ng mas maraming mamumuhunan, na buong sinusuportahan ni Mayor Pacquiao.
Photos: BJ Lapera
(Dom Sarmiento/CPIO)
02/06/2026
Isang napakalaking karangalan at biyaya para sa ating lungsod ang pagtanggap ng Mobile Hospital Bus mula sa Zenith International Group of Companies.
Taos-puso ang aking pasasalamat sa kanilang patuloy na pagtitiwala at suporta sa mga programang makatutulong sa kalusugan at kapakanan ng bawat Heneral.
Sa pamamagitan ng makabagong Mobile Laboratory Van na ito, mas mapapalapit natin ang mga serbisyong pangkalusugan sa ating mga komunidad. Isa itong mahalagang hakbang upang mas marami pang mamamayan ang mabigyan ng mabilis, maayos, at dekalidad na serbisyong medikal.
Lubos din ang aking pasasalamat kay First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos sa personal na pagturn-over ng napakahalagang proyektong ito. Ang kanyang suporta at malasakit ay malaking inspirasyon sa aming patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kalidad ng buhay ng ating mga kababayan.
Kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos, personal naming inikot ang Mobile Laboratory Van upang makita ang mga makabagong kagamitan at serbisyong maihahatid nito sa ating mga kababayan.
Tunay na nakakatuwang makita ang mga oportunidad na mabubuksan nito para sa mas malusog na General Santos City.
Maraming salamat, Zenith International Group of Companies, sa pagbibigay ng isang serbisyong mag-iiwan ng pangmatagalang benepisyo para sa ating lungsod. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog, mas matatag, at mas progresibong General Santos City.
— Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, MMPA
Photos: Denn Jib Seblos | BJ Lapera
02/06/2026
Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos sa matagumpay na open-heart surgery ni NIÑA MARIZ B. DEQUINTO. Matapos ang kanyang pagpapagamot sa Maynila, masaya nating ibinabalita na siya at ang kanyang ina ay ligtas nang pauwi sa General Santos City ngayong araw, June 2, 2026.
Isang karangalan para sa akin na makatulong sa kanilang paglalakbay sa pamamagitan ng pagsagot sa kanilang round-trip airfare. Maliit man itong tulong, malaking kagalakan ang makita ang isang batang tulad ni Niña Mariz na nabigyan ng pagkakataong gumaling at magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.
Ang kuwentong ito ay paalala na sa bawat pagtutulungan at malasakit, may buhay na nababago at may pamilyang nabibigyan ng bagong pag-asa.
Patuloy tayong maging instrumento ng kabutihan at pagmamahal sa ating kapwa.
— Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, MMPA
02/06/2026
Got a business and want to grow online?
Kung nagsisimula ka pa lang o gusto mong palawakin ang iyong negosyo sa online, sumali ka sa Tatak Pinoy MSME Roadshow!
Matuto ng online selling, digital marketing, at kung paano palakihin ang iyong negosyo — libre at praktikal!
📅 Hunyo 4, 2026 (Huwebes)
🕘 9:00 AM – 3:00 PM
📍 3rd Floor Function Room, Veranza Mall, General Santos City
Isinasagawa ng Shopee Pinoy at Pamahalaang Lungsod ng Heneral Santos.
👇 Mag-register na:
https://forms.gle/KD9aXbzmTzLoMT2B8
Got a business and want to grow online?
Kung nagsisimula ka pa lang o gusto mong palawakin ang iyong negosyo sa online, sumali ka sa Tatak Pinoy MSME Roadshow!
Matuto ng online selling, digital marketing, at kung paano palakihin ang iyong negosyo — libre at praktikal!
📅 Hunyo 4, 2026 (Huwebes)
🕘 9:00 AM – 3:00 PM
📍 3rd Floor Function Room, Veranza Mall, General Santos City
Isinasagawa ng Shopee Pinoy at Pamahalaang Lungsod ng Heneral Santos.
👇 Mag-register na:
https://forms.gle/KD9aXbzmTzLoMT2B8