09/07/2024
Ang inyong Ama at Boses ng Senior Citizen Mr. Senior Citizen Mr. Celso Y. Mendoza ay chairman ng Grievance Commitee ng Office of the Senior Citizen ng lungsod ng General Santos City. Layunin ng inyong lingkod ay resolbahin ang mga isyu ukol sa di pagbibigay ng discount sa mga mga bilihin sa mga senior citizen o di pag bibigay ng priority lane. Pakikinggan ang bawat partido para mabigyan ng karapat dapat na aksyon.
04/07/2024
Pagbibigay pugay sa mga centanarians ng inyong Ama at Boses ng mga Senior Citizen ng General Santos City Mr. Senior Citizen Celso Y. Mendoza. Salamat sa inyong kontribution sa ating lipunan at mga kaalaman na ibinihagi ninyo sa kasalukuyang henerasyon.
02/07/2024
Magandang Araw mga minamahal kung mga Senior Citizen ng Lungsod, nais ko lang mag pa alala tungkol sa mga kumakalat na mga "FAKE NEWS" ukol sa mga serbisyo para sa mga nakakatanda. Para mas klaro at mas maintindihan ang totoong impormasyon sa mga serbisyo para sa inyo mga senior citizen, pumunta lang sa office ng OSCA at ang inyong Boses at Ama ng mga Senior Citizen ay sasagutin man ang inyong mga katanungan.
28/06/2024
Ang inyong lingkod, ang boses at ama ng mga nakakatanda , Mr. Senior CitizenCelso Y. Mendoza kasama ang OSCA Head Josephine Ducusin-Mendoza ay patuloy na gumagawa ng paraan para mas mapabuti pa ang serbisyo sa mga nakakatanda. Isa sa mga ginagawa namin ay pakikipag dayalogo sa mga taong nakakaangat sa buhay na pwede maging partner or sumuporta sa aming mga programa.
24/06/2024
Nagpaunlak ng interview ang inyong "Ama at Boses ng Senior Citizen" Celso Y. Mendoza sa crew ng Brigada Fm. Ang paksa ng panayam ay ang kabuuang populasyon ng Senior Citizen, ang papel ng OSCA sa NSCC Listing at Birthday Gift Incentives. Sa panayam na ito nagbigay ako ng estimate na bilang ng mga senior citizen na naninirahan sa lungsod na ito, binibigyang diin ko ang aking pangako sa pagpapabuti ng pangangalap ng mga datos at pagkakaroon ng tumpak na bilang ng populasyon ng mga senior citizen dito sa lungsod na ito. Ipinaliwanag ko rin ang papel ng OSCA sa pagtulong sa National Commission of Senior Citizen sa pangangalap ng datos at sa Birthday Gift Incentives naman ay ipinapaliwanag ko rin ang mga wastong paraan ng pano makakasali sa listahan ng makaktanggap ng Birthday Gift Incentives para sa mga nakakatanda..
21/06/2024
Patas ang paraan sa pagresolba sa mga reklamo ng ating mga Senior Citizen, pinapakinggan din natin ang panig ng mga reklamong establisyimento dahil mayroon ding karapatan ito. Sa patas na pag dinig mas maayos ang nagagawang aksyon para sa Senior Citizen at sa mga nirereklamong establisyimento.
Ang inyong ama at boses ng Senior Citizen Mr. Celso Y. Mendoza ay naniniwala na
'"Ang pagiging patas ay ang tulay na nag-uugnay sa hustisya"
20/06/2024
Bilang inyong ama at boses ng Senior Citizen dito sa lungsod ng General Santos City, isa sa mga layunin ko ang pagtataguyod ng mabuting kalusugan sa ating mga nakakatanda. sinisikap kong tiyakin na ang mga nakatatanda ay maaaring tamasahin ang kanilang ginintuang taon nang may sigla at dignidad. Ang aking diskarte sa layuning ito ay paghikayat ng regular na pisikal na aktibidad, pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga masustansyang pagkain, pampapasigla ng pag-iisip sa pamamagitan ng mga aktibidad na nakakaakit, at pagtataguyod ng mga pakikipag-ugnayan sa lipunan upang labanan ang kalungkutan. Nakatuon din ako sa paghahanap ng partner na pwedeng tumulong sa aking adhikain na mapabuti ang antas ng kalusugan sa ating mga nakakatanda.
18/06/2024
Ang tunay na pagpaparangal sa mga Senior Citizen, ay paglilingkod nang taos puso sa kanila.
Ang inyong Ama at Boses ng Senior Citizen ng General Santos CIty.
Mr. Senior Citizen, Celso Y. Mendoza.
13/06/2024
Maligayang Araw ng Kalayaan mula sa inyong Ama at Boses ng Senior Citizen.
Mr. Celso Y. Mendoza.
Ang araw na ito ay matingkad na paalala ng katapangan at determinasyon ng ating mga ninuno na buong tapang na lumaban para sa ating kalayaan. Sa pagdiriwang natin ng mahalagang okasyong ito, pagnilayan natin ang mga sakripisyong ginawa at ang mga pagpapahalaga ng demokrasya at katarungan na ating pinanghahawakan. Ito ay isang araw upang huwag nating kalimutan ang ating pangako sa pagbuo ng isang bansa kung saan ang bawat Pilipino ay maaaring tamasahin ang mga bunga ng kalayaan, kung saan ang ating magkakaibang kultura ay iginagalang, at kung saan tayo ay nagtutulungan para sa hinaharap na puno ng pag-asa at kaunlaran.