29/10/2026
Nueva Ecija 1st District Office, pangalawa sa may pinakamalaking pondo sa DPWH Projects
Pumangalawa ang DPWH District Office para sa Nueva Ecija 1st District sa may pinakamalaking halaga ng mga proyektong nakapaloob sa panukalang 2027 national budget na ipinasa ng Kamara de Representantes, batay sa datos ng BetterGov.PH.
Umabot sa โฑ3.86 bilyon ang kabuuang halaga ng 337 budget items na nakatala sa tanggapan, mas mataas ng โฑ1.15 bilyon kumpara sa โฑ2.71 bilyong nakasaad sa National Expenditure Program (NEP), ang panukalang budget ng ehekutibo.
Katumbas ito ng pagtaas na humigit-kumulang 42.4 porsiyento.
Ayon sa BetterGov.PH, magkasama ang Nueva Ecija 1st at 2nd District sa nasabing DPWH district office. Kinakatawan ang dalawang distrito nina Rep. Mikaela Angela Suansing at Rep. Mario โKokoyโ Salvador.
Sa hiwalay na pagsusuri ng grupo, nakapagtala rin ang tanggapan ng 107 proyekto na nagkakahalaga ng โฑ1.35 bilyon na walang katugmang item na natukoy sa NEP. Kabilang ito sa mga may pinakamaraming ganitong proyekto sa House Bill 10858.
Sa kabuuang halaga ng mga proyekto, nanguna ang Ilocos Norte 1st District na may โฑ4.74 bilyon, habang pumangatlo ang Bulacan 2nd District na may โฑ3.47 bilyon.
Nilinaw ng BetterGov.PH na ang mga halagang nakatala ay para sa mga tanggapan ng distrito ng DPWH at hindi personal na pondo ng mga kongresista.
Ang kawalan ng katugmang item sa NEP ay resulta ng paghahambing ng mga dokumento at hindi awtomatikong patunay ng iregularidad o katiwalian.