City of General Trias Medicare Hospital

City of General Trias Medicare Hospital

Share

Medical and Health Services

27/05/2026
Photos from City of General Trias Medicare Hospital's post 23/04/2026

Puno na po ang ating Palistahan para sa Tuli Mission!

Maraming salamat po sa lahat nang pumunta para magpalista. Opisyal na rin po namin inaanunsyo sa post na ito, na ang palistahan para sa tuli mission ay sarado na.

Antabayanan ang mga susunod na programa ng ating Medicare Hospital.

Para sa mga karagdagang katanungan, maaari silang mag mensahe sa ating page o tumawag sa aming numero 046 509 0064.

Salamat po!

Photos from City of General Trias Medicare Hospital's post 21/04/2026

Malugod po kaming nagpapasalamat sa mga nag palista para sa aming TULI MISSION!

Mayroon na lamang tayong dalawang bakanteng araw sa buwan ng Mayo para sa ating tuli mission. Ang mga slots mula April hanggang May 24 ay puno na.
Patuloy pa rin po ang ating pagpapalista para sa mga natitirang slots.

Para sa mga karagdagang katanungan, maari silang mag message sa ating page o tumawag sa numerong 046 509 0064.

20/04/2026

PABATID:
Ang registration para sa Tuli ay hanggang 02:00PM lamang ngayong araw.
Magpapatuloy ang palistahan bukas, April 21, 2026.

09/04/2026

✨TULI MISSION!✨

Ang City of General Trias Medicare Hospital ay magkakaron ng TULI MISSION tuwing sabado at linggo ngayong buwan ng Abril at Mayo.

Narito ang proseso nang pagpapalista para sa TULI MISSION:

1. Pumunta sa ospital, alin man sa mga araw mula lunes hanggang byernes (maliban pag holiday) mula 9am hanggang 4pm.
2. Hanapin si Ms. Yolanda (Yolly) Cruz para makapag pa lista sa PRE-REGISTRATION ng pagpapatuli.
3. Pagka palista ng pangalan at iba pang kinakailangang detalye, titignan kung ang bata ay maaari ng tuliin (on-the-same-day-Assessment).
4. Kung ang bata ay maaaring tuliin, bibigyan ito ng skedyul kung kelan ito gaganapin.

Ang TULI MISSION ay mag sisimula ngayong April 11, 2026. Para sa mga karagdagang katanungan, maaari silang mag msg sa ating page o tumawag sa numerong 046 509 0064.

Photos from City of General Trias Medicare Hospital's post 12/03/2026

Isang mainit na pagbati sa ating mga Gentriseños!

Dahil sa mga problema kinakaharap ng aming Ospital ukol sa maintenance, ipinapaalam namin ng may galang sa publiko ang PANSAMANTALANG paglipat ng aming Emergency Area at OPD Triage.

Ang emergency area ay ililipat sa harap ng pasilidad ng ospital (sa tapat ng Alfamart); at ang OPD triage ay ililipat sa gusali ng PTV ng Ospital.

Ang mga serbisyo at ang iskedyul ng aming operasyon ay mananatiling pareho; ang mga serbisyong pang-emergency ay bukas 24/7, at ang OPD ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon (8am-5pm).

Hinihiling namin ang inyong pag-unawa habang nireresolba namin ang mga isyu sa aming pasilidad.

Taus puso ang aming pasasalamat sa inyong pag-unawa at pasensya.

- CGTMH Management Team

Want your business to be the top-listed Government Service in General Trias?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


City Of General Trias Medicare Hospital
General Trias
4107