11/08/2022
Magandang buhay, mga Teachers!
Bilang paghahanda sa pagbabalik-eskwela, lalong-lalo na sa pagbibigay muli ng suporta sa mga bata, narito ang DepEd-DRRMS upang umalalay sa inyo sa paggabay at suporta sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga psychosocial support activities!
Sa mga sumusunod na petsa, magkita-kita tayo online sa opisyal na page ng DepEd Philippines upang matuto hinggil sa psychosocial support activities. Makinig, matuto, at magbahagi kasama ang DepEd-DRRMS at MAGIS Creative Spaces!
⏰ August 11, 2022 (1:30 PM -5:00 PM) para sa mga g**o ng Kindergarten to Grade 6 Learners
⏰ August 12, 2022 (1:30 PM -5:00 PM) para sa mga g**o ng Grade 7 to Grade 12 Learners
Upang magsilbing references para sa learning session, maaaring magtungo sa link na ito at i-download ang mga handouts: https://bit.ly/PSSActivities082022_Handouts
At kung may mga katanungan tayo tungkol sa mental health ng mga bata o di kaya’y pamamaraan upang sila'y suportahan, ihanda ang mga ito para sa ating Open Forum!
24/07/2022
ENROLLMENT will start on Monday, July 25, 2022
24/07/2022
📣 PABATID📣
✔Tara na! Magpalista na sa Sunny Brooke Elementary School Enrolment para sa taong panuruan 2022-2023
✏️Magsisimula ito sa July 25 hanggang August 22, 2022 sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. (SBES Covered Court)
✏️Malugod naming inaanyayahan ang mga magulang ng mga sumusunod na mag-aaral upang magpalista:
✔Kindergarten
✅mga batang 5 taong gulang na ngayon o maglilimang taong gulang na bago mag October 31, 2022 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 20, s. 2018)
✅Photocopy ng PSA Birth Certificate
✅Kung walang PSA BC, magpasa ng photocopy ng alinman sa mga sumusunod: (NSO BC/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form)
✔ Grade 1
✅Original ECCD Checklist
✅Photocopy ng PSA Birth Certificate
✅Kung walang PSA BC, magpasa ng photocopy ng alinman sa mga sumusunod: (NSO BC/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form)
✔ Grade 2-Grade 6 (OLD STUDENTS)
✅Original Report Card (Grade 2-6)
✔TRANSFEREES at BALIK-ARAL ✅Original Report Card (SF9) na may pirma ng Adviser at Principal (Grade 2-6)
✅Photocopy ng PSA Birth Certificate ✅Kung walang PSA Birth Certificate, magpasa ng photocopy ng alinman sa mga sumusunod: (NSO BC/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form)
‼️ Mahalagang Paalala ‼️ Siguraduhin lamang na sumusunod sa mga safety protocols na ipinapatupad ng ating paaralan.
Palaging magsuot ng facemask. Magdala ng sariling ballpen.
09/07/2022
The school unites in the celebration of Eid Al- Adha with our Muslim brothers and sisters.
May this significant event create deeper connection among one another that will lead our Muslim learners in achieving their dreams .
13/06/2022
Tropical Village Elementary School supports the DepEd Implementation of Catch-up Education Program.
-Giving of Flyers for Catch-up Program
-Child Mapping
"CATCH UP PROGRAM for SY 2022-2023"
📢 Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2022-2023, ang mga paaralan ay magsasagawa ng "𝘾𝙖𝙩𝙘𝙝 𝙐𝙥 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙖𝙢" para sa mga batang edad anim (6) na taon pataas na hindi nakatapos ng kindergarten, o hindi pa nakapag Kindergarten.
Inaanyayahan ang mga magulang (guardian) ng mga sumusunod na magpalista:
✅Lahat ng 6 taong gulang pataas na hindi nakatapos ng Kindergarten, o hindi pa nakapag Kindergarten
✅Nakatira sa Lungsod ng General Trias
✅Interesado sumali sa intervention program
(Kindergarten Catch-Up Education Program KCEP)
LEGAL NA BASEHAN NG PROGRAMA
Nakasaad sa Republic Act No. 10157 na bawat batang may edad na 5 taon ay kailangang mag-aral at makapasa sa Kindergarten. Subalit marami pa ring kabataan na lumampas na ng 5 taong gulang na hindi nakapag-Kinder.
Upang tulungan ang kabataang di nakadaan sa Kindergarten, inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon ang programang catch-up na makapagpapahabol sa kanila na matapos ang Kinder nang hindi aabot sa isang buong taon sa tulong ng ilang g**o at gabay ng magulang. Ang Kindergarten Catch-up Program ay alinsunod sa inilabas na DepEd Memo. No. DM-CI-NO. 80, s. 2020 at DepED Order No. 11, s. 2014 “Policy Guidelines on the Implementation of Kindergarten Catch-Up Program”. Ang programang ito ay iniakma upang makatugon sa hamon ng pandemya.
SINO-SINO ANG PWEDENG SUMALI?
Isang lunas ang Kindergarten Catch-Up Education Program (KCEP) upang makahabol ang mga kabataang hindi nakapag-Kinder dahil sa iba’t ibang dahilan. Maaaring dahil sa pandemya, sa masyadong malayo sa paaralan, sa malubhang karamdaman, sa mga kalamidad, sa palipat-lipat na tirahan, sa matinding kahirapan o sa pang-aabuso.
SAAN MAKAPAGPAPALISTA?
Maaring magpalista sa mga pampublikong paaralang elementary sa General Trias na malapit sa inyong lugar. Hanapin ang sinuman g**o ng Kindergarten.
ANU-ANO ANG MGA DOKUMENTO NA KINAKAILANGAN?
Pakidala po ang kopya ng katibayan ng kapanganakan o PSA Birth Certificate.
(maaaring makipag-ugnayan pa rin sa g**o kung wala ang dokumentong ito)
MAAARI BANG IPALISTA ANG ISANG KAKILALANG BATANG HINDI NAKAPAG-KINDER o HUMINTO NG KINDER?
Opo, lalo na kung siya over-age para sa Kindegarten. Mas mabuti pong magsadya sa malapit na paaralan at banggitin o i-refer ito sa g**o ng Kindergarten sa iba pang detalye o rekomendasyon.
KAILAN MAG UUMPISA AT MATATAPOS ANG PROGRAMA?
Magsisimula ang Kindergarten Catch-Up Program Intervention sa Hunyo 14, 2022 at matatapos sa Hulyo 29, 2022, ilang araw bago ang magpasukan.
ANU-ANO ANG MGA LEARNING MATERIALS NA GAGAMITIN SA PROGRAMA?
Sa programang ito, gagamitin ng g**o ang modified 8-Weeks Curriculum for Kindergarten na ini-akma sa panahon ng pandemya. Mayroon ding inihanda na Catch Up Worksheets at Gabay sa Magulang (Parents’ Toolkit) na gagamitin sa intervention activities. Mahalaga din ang pakikipag-ugnayan ng mga magulang sa g**o upang mas magabayan ng husto ang mag-aaral.
FACE-TO-FACE BA ITO O MODULAR DISTANCE LEARNING (MDL)?
Mas mabuti po na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na paaralang elementarya upang mabigyan ng orientation ang mga magulang at mapag-usapan kung anong learning modality ang isasagawa ng g**o.
13/06/2022
Sunny Brooke Elementary School supports the DepEd Implementation of Catch-up Education Program.