Announcement
What: MR vaccine ( Measles, Rebulla)
Where: Buenavista 1 Health Station, Buenavista 1
Who: 10 to 19 years old (male/female)
When: March 27, 2026 ( 1:00 -3:00 pm)
Ito po ay karagdagan protection kontra tigdas at tigdas hangin para sa inyong mga anak.
Brgy. Buenavista 1 Health Center
OFFICIAL PAGE OF BARANGAY HEALTH CENTER OF BARANGAY BUENAVISTA 1
Announcement !!!
What: MR vaccine (measles, rebulla)
Who: 10 - 19 years old ( male and female)
When: March 27,2026 ( 1:00 - 3:00 pm)
Where: Barangay Health Station ( inside barangay hall of Buenavista 1.
Ito po ay additional shot para sa protection ng inyong mga anak sa sakit na measles at rebulla.
What: Free lung x-ray
When : March 09, 2026
Where: Kap. Lito's garage
Kung sino po ang may gustong magpa x-ray punta lang po kayo kina Kap. Lito.
See you po.......
26/02/2026
24/02/2026
CHICKENPOX (BULUTONG TUBIG)
Health Education & Prevention Guide
❓ Ano ang Chickenpox?
Ang chickenpox (bulutong tubig) ay isang nakakahawang sakit na dulot ng varicella-zoster virus. Karaniwan ito sa mga bata ngunit maaaring tumama sa kahit anong edad.
⚠️ Mga Sintomas
• Lagnat
• Panghihina / sakit ng katawan
• Makating pantal na nagiging paltos na may tubig
• Pagkawala ng gana kumain
🔄 Paano Ito Kumakalat?
• Pag-ubo o pagbahing ng may sakit
• Direktang contact sa paltos / likido ng sugat
• Shared items (tuwalya, damit, kubyertos)
🛡️ Paraan ng Pag-iwas
✅ Magpabakuna (Varicella Vaccine) *di po available sa ating health center
✅ Iwasan ang close contact sa may chickenpox
✅ Takpan ang bibig kapag umuubo / bumabahing
✅ Madalas na paghuhugas ng kamay
✅ Panatilihing malinis ang kapaligiran
🏠 Kapag May Chickenpox sa Bahay
✔️ Ihiwalay ang may sakit (home isolation)
✔️ Huwag kamutin ang pantal (maiwasan ang impeksyon at peklat)
✔️ Panatilihing maiksi at malinis ang kuko
✔️ Uminom ng maraming tubig
✔️ Magpahinga
✔️ Kumonsulta sa health center kung kinakailangan
🚨 Kailan Dapat Magpatingin Agad?
❗ Mataas na lagnat na di bumababa
❗ Hirap sa paghinga
❗ Matinding sakit ng ulo / pagsusuka
❗ Paltos na may nana o sobrang pamumula
💡 Paalala
Ang chickenpox ay kadalasang gumagaling sa loob ng 7–10 araw. Ang tamang kaalaman at pag-iingat ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat nito.
For more information, visit your nearest Health Center / Barangay Health Station.
Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon
Public Information Office - City of General Trias
14/02/2026
Working mom ka ba? May good news kami para sa’yo 💛
Alam mo ba na may batas na sumusuporta sa’yo para maipagpatuloy ang breastfeeding kahit may trabaho?
Sa ilalim ng 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝐍𝐨. 𝟏𝟎𝟎𝟐𝟖 (𝐄𝐱𝐩𝐚𝐧𝐝𝐞𝐝 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭𝐟𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭), may karapatan ang mga working mom sa lactation breaks—hindi bababa sa 40 minutes bawat 8-hour shift, at bayad ito (hindi kaltas sa sahod).
Ibig sabihin, may sapat kang oras para makapag-express sa isang araw para sa kalusugan mo at ng baby mo.
Dahil kapag may tamang oras at pasilidad, mas nagiging posible ang tuloy-tuloy na breastfeeding.
Ang 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝐍𝐨. 𝟏𝟎𝟎𝟐𝟖 (𝐄𝐱𝐩𝐚𝐧𝐝𝐞𝐝 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭𝐟𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟎𝟗) ay para sa mga working mom na gustong ituloy ang pagpapasuso kahit bumalik na sa opisina.
Narito ang maikling detalye na kailangan mo:
𝐎𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐜𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐤𝐬
Ayon sa batas, ang mga working mom ay may karapatan na:
〰️ Hindi bababa sa 40 minutes na lactation break para sa bawat 8-hour working period.
〰️ Ang oras na ito ay pwedeng hatiin (halimbawa: dalawang 20-minute breaks) depende sa usapan niyo ng employer.
〰️ Importanteng malaman na ang oras na ginamit sa lactation break ay paid work time. Ibig sabihin, bawal itong ibawas sa iyong sweldo.
𝐀𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐜𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
Lahat ng opisina o gusali ay dapat magkaroon ng sariling Lactation Station. Hindi ito pwedeng ilagay sa loob ng banyo. Ayon sa Department of Health (DOH), dapat itong sumunod sa mga sumusunod na standards:
〰️ Sanitary at Accessible: Malinis at madaling puntahan ng mga empleyado.
〰️ Kumpletong Gamit: Dapat mayroong komportableng upuan, mesa, at lababo (lavatory) para sa paghuhugas ng kamay at mga gamit.
〰️ Privacy: May kurtina o pinto na pwedeng i-lock para siguradong private ang pag-pump.
〰️ Storage: Kung maaari, dapat may refrigerator para sa safe na pagtatago ng breastmilk.
〰️ Electrical Outlet: Para sa mga gumagamit ng electric breast pumps.
13/02/2026
04/02/2026
29/01/2026
The National Nutrition Council (NNC) joins the nation in observing Goiter Awareness Week 2026, an annual campaign aimed at increasing public awareness on Iodine Deficiency Disorders (IDD) and promoting proper nutrition for optimal thyroid health.
Goiter is a preventable condition, primarily caused by inadequate iodine intake, yet it remains a public health concern affecting individuals across all ages. Left unaddressed, iodine deficiency can impair growth, development, and overall well-being.
This year, the NNC calls on individuals, families, communities, and local government units to take proactive action by ensuring adequate iodine intake through the use of iodized salt, consumption of a balanced diet, and regular health check-ups. Strengthening nutrition education and awareness is key to preventing goiter and other iodine deficiency–related disorders.
Together, let us work towards empowering every Filipino to protect their thyroid health and achieve overall wellness, as we support the shared vision of a healthier nation free from preventable nutrition-related conditions
29/01/2026
14/01/2026
Alam n’yo ba kung bakit tinatawag na “golden window of opportunity” ang unang 1,000 araw ni baby?
Ito ay ang panahon mula sa pagbubuntis hanggang sa ikalawang kaarawan ng isang bata kung saan nabubuo ang pundasyon ng kanyang kalusugan, pag-iisip, at kakayahang matuto habang buhay. Dito nagsisimula ang lahat ng maaaring maging siya sa hinaharap.
Iyan ang dahilan kung bakit maraming eksperto ang tumatawag dito na:
🌱 formative period
🌱 critical period for growth and development
🌱 golden window for health interventions
Sa bawat araw sa panahon na ito, may pagkakataon ang mga magulang na maibigay ang tamang nutrisyon, alaga, at pagmamahal na kailangan ni baby upang lumaki sila ng malusog at matatag. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang madalas na pagkakasakit ng bata at magiging tama ang kanilang paglaki.
Sa Pilipinas, ito rin ay itinuturing na pambansang prayoridad sa ilalim ng Republic Act No. 11148 o ang “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act.” Layunin ng batas na tiyaking may sapat na suporta at serbisyo mula sa pamahalaan para sa mga ina at batang nasa unang 1000 araw ng buhay.
Ang bawat araw ay may ambag sa kinabukasan. Kaya’t kalusugan at nutrisyon ni baby, simulan sa first 1,000 days!
Follow First 1000 Days PH para sa mga kaalamang makatutulong sa tamang pag-aalaga sa unang 1,000 araw ni baby.
14/01/2026
Sapat na nga ba ang vitamins para manatiling malusog si baby? Mommies, comment na ang inyong sagot!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
SITIO JULUGAN BRGY. BUENAVISTA 1
General Trias
4107
