03/06/2026
Maraming salamat po, DepEd Tayo General Trias City, sa Schools Division Office, mga school heads, g**o, mag-aaral, at lahat ng katuwang na ahensya para sa matagumpay na Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Ceremony.
Sa temang โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,โ muli nating pinagtibay na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at bayanihan, masisig**o natin ang ligtas, maayos, at dekalidad na pagkatuto para sa bawat batang Gentriseรฑo ๐๐
SUPPORTING EDUCATION THROUGH BAYANIHAN. General Trias City Vice Mayor Jonas Glyn P. Labuguen emphasizes the local government's 100% commitment to providing quality education for "Gentriseรฑo" youth during the Division Brigada Eskwela 2026 Kick-off on June 1, 2026. VM Labuguen highlighted the importance of community collaboration (bayanihan) in cleaning and preparing schools to create a conducive learning environment for returning students.
02/06/2026
46th Regular Session
Fifth Sangguniang Panlungsod of General Trias
Matagumpay na naidaos po ngayong Martes ang aming 46th regular session sa 5th Sangguniang Panlungsod kung saan po tinalakay ang mahahalagang paksa para sa ating lungsod at sa mga mamamayang Gentriseรฑo.
Kabilang po sa aming mga inakdaan ng ordinansa ay ang pansamantalang pagsara ng San Juan 1 Bridge para sa rehabilitasyon nito at ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa nalalapit na kapistahan ng San Juan upang matiyak ang isang ligtas at masayang pagdiriwang.
Ang lahat po ng ito ay alinsunod sa mga mithiin ng ating Pamahalaang Lungsod na pinamumunuan ng ating minamahal na Mayor Jon-Jon Ferrer.
Pinupuri po namin ang ating Panginong Diyos sa patuloy Niyang paggabay sa amin sa pagtupad ng aming tungkulin para sa ating lungsod at mga kapwa Gentriseรฑo.
01/06/2026
๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐ถ๐ฐ๐ธ-๐ข๐ณ๐ณ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐ ๐๐ซ
Bilang kinatawan ng ama ng ating lungsod, Mayor Jon-Jon Ferrer, tayo po ay nakiisa sa Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Ceremony na ginanap sa Governor Ferrer Memorial Integrated National High School kaninang umaga.
Kasama sa programa ang General Trias Schools Division Office sa pangunguna ni Dr. Ivan L. Inductivo, CESO VI, mga school heads, g**o, mag-aaral, at mga kinatawan ng ibaโt ibang uniformed services at partner agencies.
Sa temang, โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,โ muling pinagtibay ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng paaralan, pamahalaan, at komunidad upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto para sa bawat mag-aaral.
Kasama si Congressman Ony Ferrer at ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod ay patuloy na susuportahan ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias ang mga programang nagtataguyod ng kalidad na edukasyon at kapakanan ng ating mga kabataan.
01/06/2026
Ikinagagalak ko pong maging panauhin at maghatid ng mensahe ng pagbati sa ngalan ng ating mahal na Punong Lungsod Mayor Jon-Jon Ferrer sa ginanap na "A night of dance and music, and BES Got Talent" sa aking mahal na Alma Mater na Buenavista Elementary School.
Maraming salamat po sa mga bumubuo ng kinaaniban ko na Buenavista Elementary School Association sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin at sa aking mahal na kabiyak na si Lorie na maging bahagi ng napakasayang gabing ito. Ang inyo pong lingkod ay palagi lamang pong nandito para suportahan ang mga masasaya at makabuluhang programa ng ating mahal na paaralan.
Pagpalain po tayo lagi ng Poong Maykapal!
31/05/2026
Ikinalukugod po naming dumalo at makiisa ng ating minamahal na Mayor Jon-Jon Ferrer sa Values Instruction Curriculum Summer Enhancement Training kung saan inihanda ang ating mga kalahok na kabataang Gentriseรฑo sa gaganaping Fellowship at sharing of the Word of God.
Kaisa po ang ating Pamahalaang Lungsod ng mga programang tulad nito na umaakay at humuhubog sa ating mga kabataan. Pagpalain tayo lagi ng ating mahal na Panginoon!
30/05/2026
Muli pong nagsagawa ng Free Legal Consultation and Notary Service ang ating Lokal na Pamahalaan para sa mga kababayan nating Gentriseรฑo nitong nakaraang Huwebes sa General Trias City Hall.
Nais po naming pasalamatan ang ating legal team sa kanilang paglilingkod sa ating mga mamamayan.
To God be the glory!
30/05/2026
Dumalo po at naghatid ng mensahe sa ngalan ng ating Pamahalaang Lungsod at ng ating minamahal na Mayor Jon-Jon Ferrer ang inyong lingkod sa unang araw ng Cavite Inter-Town Chess Tournament sa Robinsons Place General Trias ngayong Sabado.
Patuloy po ang pagsuporta ng ating lokal na pamahalaan sa mga torneo na gaya nito na tumutulong sa intellectual development, competitive spirit at discipline ng ating pong mga kabataan.
Maraming salamat at congratulations po para sa matagumpay na chess tournament! Pagpalain po tayo lagi ng Poong Maykapal!