LTO General Trias District Office

Directions Website

LTO General Trias District Office The Official page of LTO Gen. Trias District Office

12/10/2026

π‹π“πŽ π‚π€π‹π€ππ€π‘π™πŽπ, ππ”πŒπ€ππ€π“πˆ 𝐍𝐆 πŒπ€π‹πˆπ†π€π˜π€ππ† 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 π€ππˆππ„π‘π’π€π‘π˜πŽ πŠπ€π˜ π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π… 𝐀𝐒𝐄𝐂. πŒπ€π‘πŠπ”π’ 𝐕. π‹π€π‚π€ππˆπ‹π€πŽ

Mainit na pagbati ang ipinaaabot ng LTO CALABARZON kay Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao sa kanyang unang anibersaryo bilang pinuno ng Land Transportation Office (LTO).

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, isinusulong ng LTO ang 7-Point Reform Agenda, na nakatuon sa pagpapahusay ng serbisyo publiko, pagpapalakas ng integridad at pananagutan, pagpapatupad ng anti-corruption measures, digitalization, at mas pinaigting na road safety enforcement.

Kaisa ang LTO CALABARZON, sa pangunguna ni Regional Director Elmer J. Decena, sa pagsusulong ng Bagong LTO sa Bagong Pilipinas na naglalayong maghatid ng mas mahusay, makabago, transparent, at maaasahang serbisyo para sa bawat Pilipino.

Maligayang unang anibersaryo sa LTO, Chief Asec. Markus V. Lacanilao!

LTO General Trias District Office joins the celebration of Elderly Filipino week with the theme, β€œNakatatandang Pilipino...
02/10/2026

LTO General Trias District Office joins the celebration of Elderly Filipino week with the theme, β€œNakatatandang Pilipino: May halaga at karapatan, May boses at ambag sa Bayan”.

We continue to honor our senior citizens for their service, wisdom and strength that they continue to impart to our younger generations. As a token of appreciation, our senior citizen clients are staying in a lounge served with free meal.

Happy Elderly Week! πŸ‘΅πŸ‘΄βœ¨

27/09/2026

TODA RESCUE - General Trias City

Sumailalim sa Basic Life Support (BLS) at First Aid Training ang ilan sa mga myembro ng 24 iba’t ibang TODA sa General Trias City noong Septyembre 23, 2026.

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga kalahok ng kaalaman at tamang paraan ng pagresponde sa oras ng pangangailangan habang hinihintay ang mga trained medical responders o iba pang awtoridad.

Taos pusong nag papasalamat ang LTO General Trias District Office sa mga naging katuwang upang maisakatuparan ang proyekto ito.

Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng lungsod na panatilihing ligtas at maayos ang komunidad at palakasin ang kapasidad ng bawat miyembro na tumugon sa oras ng pangangailangan.

27/09/2026
23/09/2026
15/09/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) na muli nang magagamit ang Land Transportation Management System (LTMS) at maaari nang ipagpatuloy ang mga transaksyon dito ngayong araw, Setyembre 15, 2026.

Patuloy na isinasagawa ng technical team ng ahensya ang pagmo-monitor sa sistema upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

14/09/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang magiging offline ang system ng ahensya at maaaring magkaroon ng pansamantalang pagkaantala ng pagproseso ng mga transaksyon ngayong araw, Setyembre 14, 2026, bilang bahagi ng isinasagawang transition mula sa Stradcom LTO-IT System patungo sa Land Transportation Management System (LTMS).

Humihingi ang LTO ng pang-unawa ng publiko sa anumang abalang maaaring idulot ng pansamantalang pagkaantala. Magbibigay ang ahensya ng karagdagang abiso sa sandaling maging maayos na ang sistema at maaari nang ipagpatuloy ang mga transaksyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

13/09/2026

π— π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—”π—¬π—”π—‘π—š π—žπ—”π—”π—₯𝗔π—ͺ𝗔𝗑, π—£π—”π—‘π—šπ—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—™π—˜π—₯π——π—œπ—‘π—”π—‘π—— β€œπ—•π—’π—‘π—šπ—•π—’π—‘π—šβ€ π—₯. 𝗠𝗔π—₯𝗖𝗒𝗦 𝗝π—₯.!

Buong galak na ipinapaabot ng Land Transportation Office (LTO) CALABARZON ang aming taos-pusong pagbati sa inyong kaarawan.

Nawa’y maging makabuluhan ang inyong pagdiriwang at patuloy kayong magkaroon ng lakas at inspirasyon sa pagtupad sa inyong tungkulin para sa ating bansa.

Hangad namin ang inyong mabuting kalusugan, patuloy na tagumpay, at mas marami pang makabuluhang taon ng paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

Mula sa buong LTO CALABARZON, maligayang kaarawan po, Pangulong Marcos!

Address

Bypass Road , San Juan II
General Trias
4107

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO General Trias District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share